VEGA AMARA'S P.O.V: TINAKBUHAN KO si Axel matapos naming marating ang University at baka pagkamalan pa akong nobya ng pisting iyon edi nilusob ako ng mga babae niya? Hinihingal na pumasok ako sa aming classroom at naroon na si Ellaine at Myca at nagtataka sila kung bakit pagod na pagod ako gayong umaga pa lang naman. "Ilang milya ba ang tinakbo mo at pagod na pagod ka?" ani ni Ellaine sa akin habang naglalagay siya ng lip tint sa kanyang labi. Inirapan ko lang siya at saka ako naglakad patungo sa aking silya ngunit hindi pa man ako nakakaupo, biglang nagtilian ang mga babaeng kaklase ko at nang lingunin ko ang kaganapan, nakita ko si Axel sa may pintuan. "Ang gwapo talaga ni Axel!" "Oh my god! Pwede na akong mamatay!" "Sana ako na lang ang girlfriend niya!" "Axel, handa akong bumuk

