VEGA AMARA'S P.O.V: "ANO BA! ISANG hampas mo pa, hahalikan kita!" pananakot niya sa akin ngunit wala namang epekto iyon dahin naman niya kayang gawin kaya inisang hampas ko pa siya ng unan at saka ko kinuha ang laptop at isinantabi ko muna iyon. Baka matamaan ko, edi nawalan pa ako ng source of happiness? "Ano ba kasing trip sa buhay at ako pa talaga ang ginugulo mo?" singhal ko sa kanya at saka ko inabot muli ang unan at inilagay iyon sa tabi ni Axel kung saan siya nakahiga. "Maniningil ng utang mo dahil pinaghintay mo ako kanina. Vega, please, matulog na tayo. Inaantok na ako." Nagtalukbong pa ng kumot ko ang damuho kaya napabuga na lamang ako ng hangin at saka ako nahiga sa tabi niya. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga aalis si Axel sa kwarto ko kaya hinayaan ko na lamang siyang

