Kabanata 6: 😳😑😬

1020 Words
VEGA AMARA'S P.O.V: Naalimpungatan ako dahil sa bigat na nakapatong sa ibabaw ng aking tiyan at nang imulat ko nang marahan ang aking mga mata, nagulat ako nang makita ang isang malapad na dibdib na walang suot na damit. Sinundan ko 'yon patungo sa braso nitong nakayakap sa akin at maging ang kamay ko ay nakayakap rin sa kanyang katawan. Nang tingalain ko ang kanyang mukha, tila nagimbal ang buong pagkatao ko nang makita ang natutulog na mukha ni Axel sa tabi ko at pareho kaming hubo't-hubad sa ibabaw ng kama. Naipikit ko nang mariin ang aking mata at pilit inaalala kung ano ang nangyari kagabi. Sa pagkakaalam ko ay nag-iinuman kami ni Racioppi kagabi habang nasa party, paano akong napunta sa tabi ni Axel at wala pang saplot? "Ano na namang katangahan ang ginawa mo, Vega Amara Martin!?" singhal ko sa aking sarili at bumubulong-bulong pa bago ako kumilos at inalis ang braso ni Axel na nakayakap sa akin ngunit lalo lamang iyong humigpit kung kaya't napatingin ako sa kanya. Gising na rin siya at kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin ngunit ang mas ikinagulat ko ay bigla siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at tumili siya ng malakas na parang babae. "Ah! Anong ginawa mo sa akin?" aniya at hinila pa ang makapal na kumot na nakatabing sa katawan namin kaya sinapak ko ang braso niya dahil nahuhubaran ako. "Ang kapal ng mukha mong tumili na para bang ginahasa kita sa inaasta mo! Anong ginawa mo sa akin?" galit na wika ko sa kanya kasi imbes na ako ang mag histerikal ay siya itong may lakas ng loob na tumili ng pagkalakas-lakas. Nanlaki ang mga mata ni Axel sa akin at tila hindi makapaniwala sa itsura naming dalawa nang makita niyang magkasama kami sa iisang kama. After five years, we've spent the night together pero kahit isa ay wala akong maalala. "Oh my god! Sinamantala mo ang kahinaan ko, Vega. Bakit mo nagawa sa akin 'to?" "Ano? Gusto mong tadyakan kita?" "Oh my god! Ang puri ko, nilapastangan mo." Lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya kaya muli ko siyang hinampas sa braso dahil sa inis ko ngunit sinangga niya lang 'yon ng kanyang braso. "Anong puri ang sinasabi mo!? Anong ginawa mo sa akin kagabi at bakit magkasama tayong dalawa? Sa pagkakaalala ko si Racioppi ang kasama ko at hindi ikaw!" Biglang nagbago ang emosyon ng mukha ni Axel mula sa pagkagulat at napalitan ito ng pagkatulala. "Wala kang maalala?" aniya na tila hindi makapaniwala dahil sa sunud-sunod kong tanong sa kanya. "Magtatanong ba ako kung mayroon akong naalala, ha?" Nasapo ni Axel ang kanyang noo at bahagya niyang hinilot ang kanyang sintido at saka siya napahilamos sa kanyang mukha gamit ang pareho niyang kamay at hinarap ako. "Lasing ka kagabi nang makita kita sa isang sulok habang nag-iinuman kayo ni Racioppi. Ano bang pumasok sa isip mo at uminom ka ng alak kung hindi mo namang ugaling magpakalasing at isa pa ikaw ang nanamantala sa puri ko. Ihahatid dapat kita sa bahay ni'yo kaso lasing na lasing ka nga at dito mo ginawa ang krimen na binabalak mo sa akin. Vega, bukas naman ang palad ko para sambahin kita pero gumamit ka pa talaga ng alak para lang makuha ang katawan ko, grabe ka-- aray!" Kinurot ko nga ang kanyang braso dahil pinapalabas nito na ako lamang ang may gusto sa nangyari sa amin kagabi kung mayroon man ngunit sigurado ako na meron dahil wala nga kaming damit at magkayakap pa nang magising ako. Pero imposible na ako ang gumapang sa kanya dahil sukdulan nga ang galit ko mula nang lokohin niya ako limang taon na ang nakakalipas. "Ang kapal ng mukha mo! Ano iyon ginapang kita kaya tayo magkasama ngayon? Tadyakan kita eh! At saka anong krimen ang sinasabi mo, ikaw itong mapagsamantalan ng kahinaan ng babae." Napanguso si Axel. "For your information, Misis, ikaw ang unang humalik sa akin at sinabing gusto mo ako. Ikaw ha, may tinatago ka pa ring pagnanasa sa akin bakit hindi ka na lang bumalik para araw-araw mong maranasan itong alaga ko?" Bumaba ang tingin ko sa kanyang kahubaran at doon ko lang napansin na nalilis ang kumot na nakatabing sa kanyang katawan dahil sa pag iwas niya sa hampas ko at napalunok ako nang makita naninigas at sumasaludo ang alaga niyang isang dangkal yata ang haba. Kingina, kumasya ba talaga iyon sa akin? Lalo yatang lumaki at humaba 'yon noong huling kita ko sa katawan niya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Axel at ngayon ay may nakapaskil nang pilyong ngisi sa kanyang labi. "Tss, sabihin mo na lang sa akin kung ano ang nangyari bago pa ako magdesisyon na gupitin yang putotoy mo!" Biglang tinakpan ni Axel ang kanyang batuta gamit ang sarili niyang kamay at bahagyang lumayo sa akin. "Wala ka talagang naalala?" aniya kaya umiling ako ng bahagya. "Ang huli kong naalala ay nag-iinuman nga kami ni Racioppi tapos wala na. Nagising na lang ako na ang panget mong mukha ang nakita ko." Bumusangot ang mukha ni Axel. "Mas gusto mo bang kasama si Rowan kaysa sa akin? Ako ang asawa mo, Vega." "Correction, dating asawa. Nag-usap na tayo kagabi hindi ba? Ipapadala ko sa'yo ang divorce paper natin at pirma mo lang ang kailangan ko. Ano bang mahirap intindihin sa sitwasyong kahit kailan ay hindi na maibabalik pa ang isang pagsasama na nasira na?" Natahimik si Axel sa sinabi ko at napayuko siya. "Hindi na ba talaga mababago ang isip mo at tuluyan ka nang makikipag-hiwalay sa akin? Vega, limang taon ang tiniis ko na hindi kita kasama sa bahay natin, hanggang ngayon ba iyon pa rin ang laman ang isipan mo na niloko kita?" "Kahit pagbali-baliktarin mo pa ang mundo, nakita mismo ng mga mata ko ang kababuyan na ginawa mo kaya kung ano man ang nangyari sa atin kagabi ay epekto lamang ng alak iyon." Umangat ang mukha ni Axel at tumingin siya sa akin. "Vega, pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko, paano ko kalilimutan iyon? Gusto mong magsampa ako ng kaso sa'yo para lang panagutan mo ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD