Kabanata 7: πŸ₯ΉπŸ’”πŸƒ

1051 Words
VEGA AMARA'S P.O.V: Napatanga ako sa kanya. Kahit kailan, wala talaga akon makuhang sagot sa kanya na para bang puro lang biro ang sitwasyon na kinalalagyan naming dalawa. Sa inis ko, inabot ko ang unan at hinampas siya. "Anong pinagsamantalahan!? Ano ka, birheng babae? Kapal ng mukha mo ah! Nasaan ba yung damit ko?" Hinanap ko sa paligid ngunit wala yung gown na suot ko kagabi at doon ko lang napansin ang kwartong kinaroroonan namin. Nakita ko ang wedding pictures naming dalawa na nakasabit sa dingding na nasa uluhan ng kama, ang iba ay nasa bed side table kung saan masaya pa kaming dalawa na nagsasama ngunit lahat ng iyon ay basag na sa aking alaala. Para bang may kumurot sa aking puso nang makita ang mga litrato namin nang magkasama mula nang ikasal kaming dalawa at talaga namang masaya kaming dalawa sa isa't-isa noon. Pero dahil sa trabaho ni Axel at mga bali-balita na naririnig ko noon at nakita pa mismo ng dalawang mata ko, doon nasira ang tiwala at pagmamahal na binigay ko sa kanya. Nagtataka kayo kung bakit sa paglipas ng limang taon ay kinakausap ko pa rin siya? Dahil makulit ang isang Axel Rylan Monteverde at kahit burahin ko siya sa aking sistema ay lilitaw at lilitaw pa rin siya. Umalis ako dito sa bahay dahil hindi ko na kayang makita ang pagmmumukha niya at manirahan sa bahay ng mga magulang ko ngunit alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay si Axel pa rin ang laman ng puso ko. Naramdaman ko na lamang na lumundo ang kama at pumulupot ang isang mala-bakal na braso sa baywang ko at ang baba ni Axel na ipinatong niya sa balikat ko. "Mahal, huwag ka nang makipaghiwalay sa akin oh, parang awa mo na. Hindi naman talaga kita niloko eh. Inaamin ko naman na babaero ako noon pero mula nang ikasal tayo hindi ko na magawang lumingon pa sa ibang babae dahil nakatatak na sa isip ko na sa bawat pag-uwi ko ng bahay ay ang nakangiti mong mukha ang makikita ko." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatingin sa bed side table kung saan naroon ang mga pictures naming dalawa at napayuko ako sa braso niyang nakayakap sa tiyan ko. Ramdam ko rin ang init ng kanyang katawan mula sa aking likuran at ang malakas na kabog ng kanyang dibdib ay rinig na rinig ko. Buo na ang desisyon ko na makipaghiwalay sa kanya at wala na akong balak pang ipagpatuloy ang isang kasal na nasira na. Hinawakan ko ang braso ni Axel at inalis ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap ko siya. "Buo na ang desisyon ko, Axel. Kahit ano pang pagmamakaawa ang gawin mo ay hinding-hindi na maibabalik pa ang isang pagsasama na nasira na. Kaya ito na lang ang huling hiling ko sa'yo, pakawalan mo na ako at iyon lang ang tanging paraan para makalaya ako sa masasakit na alaalang idinulot mo sa akin." Naopayuko si Axel at marahang tumango kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa ibabaw ng kama at lumapit sa walk-in closet namin at tama nga ang hinala ko, naroon pa rin ang mga damit ko. Pikit matang kumuha ako ng damit at saka ako naglakad papasok ng banyo. Naroon pa rin ang mga essentials na ginagamit ko maging ang toothbrush na katabi ng gamit ni Axel. Mabigat man sa dibdib, pikit-mata akong naligo at inayos ang sarili ko at nang makalabas ako ng banyo, naroon pa rin si Axel at nang makita niya ako, nag-angat lang siya ng tingin at bakas sa kanyang mga mata ang lungkot na ngayon ko lang nakita. "Ihahatid na kita." "Huwag na. Kaya kong umuwi mag-isa at ako na ang bahalang magpaliwanag kay Mommy at Daddy kung saan ako napunta kagabi. Maiwan na kita." Hindi na umimik pa si Axel kaya naman dire-diretso akong lumabas ng kwarto namin at tinahak ko ang hagdan pababa. Tila bumalik sa akin ang lahat ng alaala ng pinagsamahan namin ngunit hanggang sa isipan ko na lamang iyon at tuluyan nang nilisan ang bahay na minsan na naming pinangarap na makabuo ng pamilya ngunit hindi natuloy dahil sa kagagawan ni Axel. Nagpara na lamang ako ng taxi at saka ako nagpahatid sa bahay namin at halos magtatanghali na ng makauwi ako. Si Mommy ang nakita ko sa sala at nagtataka siya kung bakit ngayon lang ako nakauwi. "Tumawag si Axel sa akin na magkasama kayo kagabi, ayos na ba kayong dalawa?" aniya habang sumisimsim ng tea sa tasa na hawak niya. "Magkasama nga kami pero hindi ibig sabihin niyon ay maibabalik na sa amin ang lahat, ma. Nag-usap na kaming dalawa at buo na ang desisyon ko na makipaghiwalay sa kanya." "Anak, wala na ba talagang pag-asa na maayos sa inyo ang lahat? Nagsumpaan kayo sa harap ng altar na magsasama habambuhay hindi ba?" "Na kayo lang ang may gusto, ma. Baka nakakalimutan ninyo na pinagkasundo ni'yo lang kaming dalawa ni Axel kahit hindi namin mahal ang isa't-isa." "Pero nagawa mo namang maging masaya sa piling niya hindi ba? Mabait at mapagmahal na bata si Axel kaya nga ipinagkatiwala ka namin sa kanya kaya kung ano man ang nagawang kasalanan ni Axel ay sana patawarin mo siya." Pagak akong tumawa. "Patawarin siya sa pambababae niya na hanggang ngayon ay inuugali niya pa rin? Ma, gwapo, mayaman at madiskarte si Axel, hindi ko naman ikakaila iyon kung kaya't maraming babae ang nahuhumaling sa kanya pero sana nirespeto niya ako bilang asawa niya hindi ba? Siya lang kasi ang nakikita ninyo habang ako na anak niyo ay hindi ninyo makita. Ako yung niloko at sinaktan dito pero parang ako pa ang may kasalanan at walang karapatan." "Anak, hindi sa ganoon iyon." "Buo na ang desisyon ko, ma. Mula ngayon, hindi na kami mag-asawa ni Axel at huwag na kayong umasa na maibabalik pa sa amin ang lahat." Magsasalita pa sana si Mommy ngunit hindi ko na siya pinakinggan pa at dumiretso ako sa aking kwarto at nang maisara ko ang pinto ay napabuga na lamang ako ng hangin. Akala nila ay perpekto na ang lahat sa amin ni Axel ngunit nagkamali sila sa kanilang inaakala kaya naman lumapit aki sa bed side table ko at binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang divorce paper at passport ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD