Prologue
WARNING: Before reading Series #2 make sure you read Diamond Llaxin, dahil baka malito lang kayo lalo sa mga characters and flow ng story. And be aware of the intense content as you continue reading Black Series, it wont be the lightest as ever. It contains crime, violence, harassment, and if you are not fan of these please DO NOT READ! THANK YOU!
Simula noong bata pa ang tatlo ay magkasundo na talaga sila. Si Vynnx, Lalia at Larah. Kaunti lamang kasi ang nakikipaglaro kay Vyn dahil sa ugali nitong hindi marunong makisama at dahil din sa kaniyang awra na titigan mo lang tatakbo na ang mga tao.
Kaya kina Lia at Larah siya napalapit. Bata pa lang siya ay hinahangaan na niya si Lia dahil sa ganda ng mga mata nito.
"Anong gusto niyo pag laki?" paunang tanong ni Larah.
Nandito sila sa tabing ilog malapit lang sa hacienda ng Monde. Nakaupo ang tatlo sa lupa habang pinapanood ang malinaw na tubig.
"Kasi ako, gusto kong maging model! Iyong rumarampa rito tapos nagpopose!" tumayo pa ito para iportray ang pagiging model.
Natawa lang ang dalawang nanonood sa kaniya. Tumigil si Larah at tiningnan ang dalawa.
"Ano? Ano nga gusto niyo pag laki?" ulit niya sa tanong niya.
"Wala naman akong ibang gusto bukod sa pagdedesign, ate. Siguro magiging designer mo ako paglaki ko." Napangiti si Larah sa sagot ng kapatid.
"Ako, gusto ko lang pakasalan ang babaeng gusto ko at magkaroon ng maraming anak." Nagkatinginan ang batang si Lia at Larah.
Naupo si Larah sa gitna ng dalawa. "Magkikita pa kaya tayo?"
Bumuntonghininga sila at tulalang nakatingin sa tubig. Aalis na kasi si Vyn papuntang switzerland. Doon sila pansamantalang titira at hindi rin alam kung kailan sila babalik.
"Babalik naman agad kayo, Vyn 'di ba?" tanong ni Larah sa kaniyang katabi.
"I cannot promise when. But, I'll make sure to come over here," aniya.
"Things will go different, can we still recognize each other?" Napatingin naman ang dalawa kay Lia.
Sa kanilang tatlo, si Lia talaga ang petite at cute ang katawan. Matangkad naman siya pero napakapayat na bata.
"Depende," sagot ni Larah.
Nagtawanan lang sila at niyakap ang isa't-isa. Sa huling pagkakataon ay nagkausap din sila. Hindi nila alam kung kailan pa ba sila na magkikita uli o kung pareho pa rin ba ang bonding na meron sila ngayon?
Siguro sa paglipas ng panahon mababago lahat ng relasyong meron sila. Hindi na kagaya ng dati. Hindi na gaya ng dati na matibay.
"Still communicating with Vyn?" Nakaupo si Lia sa kaniyang kama habang abala sa kaniyang laptop.
Matagal na panahon na rin simula noong umalis si Vyn. Ngayon dalaga na silang dalawa, nasa legal na edad na.
"I do. Pero not most of the time. Busy ako sa studies." Lia is working on her thesis.
Naupo si Larah sa tabi niya at pinanood ang kapatid sa pagtitipa ng mga salita sa word.
"Video call tayo sa kanya. Tiyak akong, miss na tayo no'n," pangungulit ni Larah.
"Ate, I'm working on my thesis malapit na ang deadline. Good to you nga at tapos ka na sa midterm mo."
Larah frown. Well, kahit matanda siya parang siya pa ata ang mas bata sa dalawa. Kung hindi icocompare ang weight difference nila.
"You're such a kj. Basta, after that punta ka sa kwarto makikipagcall ako kay Vyn. I'm bored in the ass."
Umalis na siya ng kuwarto ng kapatid. Naiwan namang abala si Lia sa ginagawa niya. Inabot siya ng gabi na nakatuon ang mata sa screen. Nakaramdam na rin siya ng sakit sa katawan dahil sa pagod.
Last thing to do, click submit. Dumiretso siya nang higa matapos maipasa ang kaniyang nairevise na thesis. Tumunog ang selpon niya na nasa tabi niya lang. Kinuha niya iyon at napansing on call ang group chat nila.
Habang nakahiga ay nag-join call siya. Naka-off lang ang cam niya while listening to them.
"I told you to come here, Lia. Ang tamad mo talaga."
"Ate, what's the use of the internet? I cannot carry myself, pagod ako."
Nasubsob na 'ata sa screen ang mukha ni Larah. Samantalang kakarating lang ni Vyn sa kaniyang table. Mukhang kakabreakfast lang.
"Hi guys! I just got my pre lunch. Tulog na ba kayo diyan?" Napalunok ng laway si Lia.
His voice became manly. Nagbibigay iyon kiliti sa tainga ni Lia. Well, she has to admit it. Crush niya ang binata bata pa lang sila at kahit ngayon. Napatitig lamang siya sa hitsura ng binata at nakatulala.
"Wow, Vyn! Binata na ah! Guwapo!" pagbibiro ni Larah at may pagtawa pa.
Natawa lang si Vyn. Off mic naman si Lia. "Lia? Sleeping already? Ba't off cam and mic tayo?"
Natauhan naman si Lia. Tumagilid siya at napahikab. In-on niya ang kaniyang mic.
"About to. Tulog na ako ah. I'm really tired."
"Ano ba 'yan! Puro kasi studies. Bye!" reklamo pa ng ate niya. Bago pa man i-end call ni Lia ay napahinto siya.
"Goodnight, sweets."
Para siyang naging bato sa hinihigaan niya dahil sa paraan ng pagtawag ni Vyn sa kaniya. Agad niyang tinapos ang call at in-off ang phone niya. Gumulong ito sa kama dahil sa kilig.
Paminsan-minsan na nag-vivideo call ang tatlo at dahil sa gabi lang sila nakakapagcall ay hindi nakakasali si Lia. Strict kasi ang mata niya. She always sleep before 9 pm. Dapat tulog na siya ng mga oras na iyan. Ayaw niya kasing nagpupuyat dahil mas lalo lang siyang papayat.
Kaya most of the time si Larah at Vyn lang ang nag-uusap. Sa chat naman ay hindi gaanong nagrereply si Lia dahil hindi naman kasi ito madalas nag gagadget. She is always busy taking care of herself.
Nag-jojogging at nag-woworkout. She never skipped her breakfast. Samantalang ang kapatid niya napaka-opposite sa kaniya. Tanghali na nagigising. Ang takaw din kumain kaya mas malaki siya tingnan kumpara kay Lia. Hindi naman siya mataba, tama lang ang katawan niya pero overweight siya.
Nagwoworkout din naman kasi si Larah. Ang kaso siya itong mas tamad sa dalawa.
"Cheeze! Uuwi na si Vyn!" nagtatalon sa tuwa si Larah habang nasa yard si Lia nagwoworkout.
Home workout lang dahil ayaw niyang nagpupunta sa mga gym. Mayroon naman siyang equipments sa bahay.
Nakaupo lang sa upuan si Larah habang kumakain ng chichiria. "Can you stop eating junkfoods, ate?"
"Ano ka ba! Minsan lang 'to. Masarap kaya."
Huminto na sa pagwoworkout si Lia at kinuha ang towel sa may lamesa. Tiningnan niya ang kapatid.
"Anong masarap sa bitsin?" Nagpunas na siya ng pawis at binato ito sa mukha ng kapatid kaya napahinto itong kumain.
"Maligo ka nga! Ang baho mo na!" iritang saad niya at iniwan sa labas ang kapatid.
"Huy! Anong mabaho? Nagperfume ako!"
Napailing lang siya at dumiretso na sa kuwarto para magbihis. She will be attending exhibition sa isang art studio. Nirefer kasi siya ng isang kakilala niya sa designing. Mind as well promote her designs.
Nakatingin siya sa salamin. Suot na niya ang kaniyang owned design formal suit. May kulay yelow ito sa gilid but dominant color is black.
Bumaba na siya at naabutang nakaupo pa rin sa labas ang kapatid at mukhang walang plano sa buhay. They both graduated sa college. This time they are moving forward to their own career. Larah is still pursuing her childhood dream to be a model. But, Lia doubt na matatanggap ito kung patuloy ang kapatid sa bisyo niya.
"I have to go. Please, you take care of yourself. Tanda mo na." Napairap lang si Larah.
On her way to the exhibit. Kabado siya dahil ito ang unang pagkakataon na mameet niya ang isang sikat na designer. Celestine Feru, one of the most ranked designer all over the world.
Nasa tapat na siya ng studio kung saan gaganapin ang main event. Other guest are designers also. Kagaya din ni Lia.
Huminga muna siya nang malalim saka lakas loob na humakbang papasok sa mismong studio. Maraming mga professionals na naroroon din at nagtitingin ng mga magagandang design ng dress. May mga output din na nakadisplay. Just for display lang ang mga dress na naroon na ginamitan lang ng nga recycled items not literally using clothes.
Napahinto si Lia sa isang hindi pa natapos na design na nasa harapan niya. May maliit namang papel sa gilid para malaman kung ano ang actual picture ng hindi natapos na dress.
Tiningnan niya ang design sa gilid. It's actually looks like a silver gown na parang paru-paru. Maganda ang bawat stroke ng sketching. Siguro ang ganda talaga nito kapag natapos ang sample design.
"Do you like it?"
Napatingin si Lia sa babaeng tumabi sa kaniya. Magkasing tangkad lang sila dahil sa suot nilang heels. Mahaba ang kulot niyang buhok, napakaputi niyang babae parang diyosa, nakatagilid ito kay Lia kaya kita ang stroke ng haba ng ilong niya, at pati na ang mahahabang pilik-mata niya. She is actually a model looking women.
"No one wouldn't. Celestine is a great desinger," aniya at hinarap ang obra.
"So you are Lalia Monde?" Humarap sa kaniya ang babae at nanlaki ang mga mata niya.
Saka lang niya nakilala ang mukha nito nang makaharap siya. Hindi siya makapaniwalang si Celestine lang naman ang babaeng kausap niya. Para siyang nahiya bigla. Napaatras siya ng kaunti.
"I didn't recognize you, miss. Mas gumaganda ka kasi lalo." Mahinhing natawa si Celestine.
"Tin na lang. Saka no compliment please, puro na lang kasi positive feedbacks ang naririnig ko wala rin namang masamang makarinig ng kaonting flaws." Nagtawanan lang ang dalawa.
Para tuloy siyang nastar-strucks sa ganda ni Celestine. Iba kasi talaga pag sa TV o sa malayuan mo lang siya nakikita.
"Bakit naman kasi kami magsisinungaling? All your designs are just like you." Napangiti si Celestine at hinarap ang kaniyang ginawang obra.
"I struggle to this design. It is a little hard to put into reality. I just want this to be perfect," aniya.
"I believe it will be perfect," nakangiting saad ni Lia.
"My tailor are still working for this one. If ever it's done, you will be my first model to wear this." Napangiti si Lia at biglang nahiya.
"It's my pleasure, miss."
"Tin na lang kasi." Nahiyang tumawa si Lia.
"Tin." Natawa lang silang dalawa.
"This is my first design na naisketch. It's been 10 years since I made this. It wasn't easy to battle with depression. So I wasn't able to finish this one," aniya at may bahid ng lungkot sa boses.
Narinig nga ni Lia ang tungkol sa depression niya kapag may mga interview si Celestine. Mahirap talaga ang ganiyang sitwasyon. Kaya nalulungkot siya para kay Celestine. Pero masaya din siya dahil nalabanan niya din ito. Nakayanan niyang umahon at maging matapang kahit sa dami ng problema.
"I guess it is really hard. Achievement na lang talaga kapag natapos mo ito. I am more than willing to be your model." Ngumiti silang dalawa.
"Jenny sent me one of your design. Maganda siya, elegant at unique. You can ask me anytime, may irerefer akong tailor to help you."
"Maraming salamat talaga, mis– I mean Tin."
"So, let me tour you around." Tumango siya.
Nilibot na nila ang buong studio para ipakita kay Lia ang iba pang designs. May mga umaagaw pansin din kay Celestine para makapagpicture at autograph.
"If you have other time, Lia. You can come sa office. Let's talk about your designs," ani ni Celestine.
"Sure, Tin. If may time ako pupunta ako." Ngumiti si Tin.
"So iwan na kita, may aasikasuhin pa kasi ako." Tumango si Lia at kumaway kay Celestine.
Naiwan na rin siyang mag-isang nilibot ang studio. Marami kasing magagandang design ang mayroon sa loob.
Habang tinitingnan niya ang isang painting na hindi kasama sa exhibition ay may lumapit sa kaniyang lalaki.
"You just caught my eyes. I am actually Greece Palma working at Slyvia modeling agency. If you have time to visit at the office, come any time," ani sa kaniya ng isang lalaking nakasuot ng tuxedo at mukhang professional nga ito.
Pero wala naman siyang interes sa pagmomodel. Binigyan siya ng binata ng business card na tinanggap niya.
"Call anytime, if you have siblings who want to join the modeling. Feel free to refer her," nakangiting saad ng binata saka siya iniwan nito.
Napatingin siya sa calling card. Na may logo ng slyvia agency at ang pangalan ni Greece doon. Gusto niya itong banggitin kay Larah. Pero ayaw naman niyang pangunahan ang kapatid.
Tumalikod na siya. Naisipan niyang umuwi na dahil rin sa pagod kakatayo. Palabas na siya ng studio nang makuha ang pansin niya sa isang lalaking nakatayo sa harap ng isang magarang kotse.
Nakapamulsa ito at napatingin sa kaniya. Nakasuot siya ng isang long sleeve na nakabukas pa ang isang buttones nito at nakasuot ng itim na pants.
Tinanggal niya ang kaniyang sunglasses at pinakatitigan siya. Hindi pamilyar kay Lia ang hitsura ng lalaki pero para bang kilala siya nito.
Nag-iwas siya ng tingin at dumiretso sa sasakyan niyang nakaparada malapit sa sasakyan ng mismong lalaki.
"Lalia?" Hinarap niya ang lalaking naglakad palapit sa kanya.
"Lalia right?" Napakunot lang ang noo ni Lia at di makilala ang lalaking nasa harap niya.
"Yes, mister? Do I know you?"
Napangiti nang malapad ang lalaki nang makumpirmang si Lalia nga ang kaharap niya.
"It's me! Vyn, Vynnx Blood. Did you remember?" Sinuri ni Lia ang bawat parte ng mukha ng lalaki at nanlaki ang mata sa gulat.
Hindi agad niya ito nakilala. Mas tumangkad kasi siya at mas malaki na na ang kaniyang braso kumpara sa batang Vyn na nakilala niya noon.
"Vyn? Oh? I'm sorry. Hindi kita agad nakilala." Ngumiti lang si Vyn. Binatang-binata na ito.
"I thought sa susunod pa na linggo ang balik mo? Napaaga ata?" Umiling siya.
"It's urgent. So, I really need to go back here for business purpose. Nauna na ako kina mommy." Napatango si Lia.
Hindi lang talaga siya makapaniwala na nasa harap na niya ang lalaking first crush niya.