Chapter 1

2265 Words
'DI makapaniwala si Vyn na ganito na pala ka ganda at kadalaga ang babaeng una niyang nagustuhan. Mas lalo tuloy na nangingibabaw ang nararamdaman niya sa dalaga. "What about dinner tonight?" pag-aya ni Vyn kay Lia. "Sure, I'll call Larah." "No, I mean. The two of us?" Napaisip si Lia. Napangiti lang si Vyn at medyo nahiya, "Ah, okay." Kinuha ni Lia ang kaniyang business card at inabot sa kaniya ang card. "Call me where." "Sige. Take care." Ngumiti si Lia at sumakay na sa kotse niya. Nakangiting nagtungo sa loob ng studio si Vyn. Dumiretso siya sa office ni Celestine. "Vynnx Blood. You're early, napaaga ba ang flight?" Humalik siya kay Celestine sa pisngi. Nagkakilala rin sila abroad. Si Celestine lang 'ata ang Filipino na babaeng naging close niya sa switzerland. Hindi kasi talaga siya pala kaibigan. Pero friendly naman si Celestine. Naupo siya sa upuan. Naupo rin si Celestine sa kaniyang upuan. "Business deals. How was the necklase I told you to design?" Napangiti lang si Celestine. "Para kanino kasi 'yon?" natatawang panunukso niya kay Vyn. "Someone special. Magagawa na ba agad 'yon?" Sumandal si Celestine sa upuan niya. "We're waiting for you to give us the items na gagamitin. Since gusto mo talaga cyrstal ang gamitin. So, the item?" "I told someone to deliver. Basta, I need it early this August." Hulyo na ngayon at ilang linggo na lang ay Agosto na. Mayroon din kasing magaganap na party sa hacienda ng mga Monde. Para icelebrate ang anniversary ng kanilang business. He has to be there and give the necklase to Lia. Mas maganda sana kung mamayang dinner ay maibigay na niya. "Sure, Mr. Blood," nakangiting saad ni Celestine. Tumayo na si Vyn, "Can you book me a reservation somewhere special na restaurant? Good for two." Nagningning ang mata ni Celestine. Kitang-kita kasi niya sa inaasta ng binata na in-love ito. Hindi niya 'ata alam na sa ilang taon nilang pagsasama ay may napupusuan na pala ito. "Sure. I'll send you the address later. Enjoy!" Nagpaalam na si Vyn. Bumisita lang talaga siya saglit para sa kaibigan. Kailangan na niyang magpunta sa importanteng meeting. Since, he is taking the seat as a CEO sa company nila. His family trusted him that he can manage the business alone. So, I'm not gonna disappoint them. "Mr. Blood, have you already checked the exterior design?" Tumango si Blood. They're planning to build a taller building, a hotel. So, they hired the best exterior designer and the best Engineer. "Yes, Mr. Diva." Dumiretso siya sa office at nandoon na ang board for meeting. They are going to talk about the on-going construction malapit sa Santos street. That's the best lot that they bought. And these people are one of their investors, trusted members for the development. "I guess, Mr. Diva already hand you the plans? And also the contract?" Tumango sila at nasa harap na nga nila ang kontrata. Binasa na nila ang laman at napapatango. Hindi naman sila nagdadalawang-isip na pumirma. "We all trusted you for this development, Mr. Blood," ani ng isang member. Blood checked his watch and it's already 6:30 p.m. Naalala niyang may dinner pa sila ni Lia. He has to be there first. Nareceive naman niya ang text message ni Celestine kung saang restaurant siya nagpareserve. Villa restaurant, isang sikat na Italian restaurant sa Pinas with mixed Filipino dishes also. Pagkarating niya doon ay tinanong naman siya kung anong pangalan ng reservation. Nakilala naman agad siya ng waitress at dinala sa rooftop kung saan nagseset-up pa lang ng mga ilaw at bulaklak. Nakahanda na rin ang kanilang lamesa na nakadesinyo pa. May mga bulaklak na nakadisplay sa gilid. Perfect for a date. Napangiti siya dahil nagustuhan niya ang set-up. "Just wait for about 20-40 minutes for the food, sir. Please have a sit first while waiting for your date." Naitext na niya si Lia sa address ng restaurant kaya anytime, darating na rin siya. Nakaramdam siya ng kaba, dahil ito lang naman ang unang date na nangyari sa tanang buhay niya. Sa Switzerland puro pag-aaral kasi ang inaatupag nito kaya walang naging oras sa pagdedate. At abala din sa pag-aaral ng taekwondo at sa mga trainings. Napatingin siya sa relos niya at pumatak na ang 7:22 p.m. Masyado pa naman siyang maaga sa time na sinabi niyang 8 pm. Kaya naghahanda pa iyon sa Lia. "SO nakarating na pala siya kanina and he never told us?" Sinabi ni Lalia na nandito na raw si Vyn. Na nauna ito sa Pinas dahil may business itong aatupagin. Nabanggit din niya sa kapatid ang dinner, kaya isasama na lang niya si Larah para isurprise si Vyn. Hindi kasi siya comfortable na sila lang dalawa ni Vyn. Bumili pa nga ng maliit na cake si Larah. Inutusan niya ang katulong para agad itong madala nila sa restaurant. Nakahanda na rin silang dalawa. Malapit na kasi mag 8. "Yes. Gano'n na nga." "Manang, iyan na ba?" Dumating na rin ang inutusan ni Larah at bitbit ang isang maliit na cake. "Yes, ma'am." "Pakilagay na lang sa kotse, manang ah. Pakiingatan please," utos niya sa katulong na umalis na rin sa harap nila. Kanina pa nakaayos si Larah habang inaayos pa ni Lia ang kaniyang kilay. Natapos din siya sa limang minutong paghihintay si Larah. Sabay na silang lumabas dalawa at dumiretso sa loob ng kotse ni Lia. Kita naman ang tuwa sa mga mata ni Lia. Siya pa nga ang mas excited na makita si Vyn. Excited rin naman si Lia pero tinatago lang niya. Pinaandar na niya ang sasakyan. Naitext naman daw ni Vyn kung saang restaurant sila magkikita. Napapasulyap si Lia sa kapatid niyang masayang-masaya. "Excited?" nakangiting tanong ni Lia. "Oo naman," ngumiti siya. "Sobra." Nakarating naman sila sa Villa restaurant. Marami nang mga customers ngayon. Karamihan ay may date. Tiningnan ni Lia ang kapatid. "Mauna ka na magbabanyo lang ako," aniya at tumalikod na. Nasa kamay na ni Larah ang maliit na cake kaya nauna na ito. Nilapitan naman siya ng isang waitress kung saan daw ito. Nang banggitin niya ang pangalan ni Vyn ay sinamahan siya nito sa rooftoop. "Dito na po." Nakarating na nga sila sa rooftoop. Iniwan na siya ng waitress. Napatingin siya sa buong paligid. Nakadesinyo ang rooftop at may mga ilaw pa at may pabulaklak. Dumako ang tingin niya sa lalaking nakatalikod. Sinuri niya lang ang set up ni Vyn. No wonder why, she wasn't told about the dinner. Ngumiti siya at lakas loob na humakbang palapit sa lamesa. "You're here–" tila gulat si Vyn nang hindi ang babaeng inaasahan niya ang nakita. Ngumiti lang si Larah at ibinaba ang cake sa lamesa. "You're here?" "Ano ba 'yan! Para naman akong hindi invited. You set this up? Iba ka talaga." Biglang nahiya si Vyn. Tinawanan lang siya ni Larah. "Don't worry, magbubulagbulagan ako sa nakita ko. 'Wag mo lang ako i-dissappoint," aniya. Naupo si Larah sa tapat niya. Tinawag niya ang ang waiter na nasa gilid lang at naghihintay ng utos. "Sir, could you please add one seat? May hinihintay pa kasi kami." Tumango ito at umalis rin. Humarap si Larah kay Vyn. Tiningnan niya ang buong hitsura nito. Ibang-iba na sa lalaking nakikita niya lang sa call. He is really a grown man. "You changed a lot," ani Larah. Natawa lang si Vyn. Si Larah lang talaga ang nakakausap niya palagi sa call, dahil parating busy si Lia. Kaya hindi rin maitatangging mas malapit silang dalawa. "Kayo rin." Ngumiwi si Larah at may pagtukso ang mukha. "Ang sabihin mo, si Lia! Sus, style mo bulok." Natawa lang ito at napakamot sa kaniyang batok. Alam na naman ni Larah noon pa na may gusto si Vyn kay Lia. Kung alam lang niyang may date ang dalawa ay sana 'di na siya sumama. Pero ayaw naman niyang mapahiya kaya dito na lang muna siya. "Nasaan na ba siya?" "Nagbanyo, miss mo agad?" panunukso ni Larah. Nagtawanan lang ang dalawa. "Of course," aniya at may pagngiti. Dumating na rin ang hinihintay nila, si Lia. Napatingin si Larah sa kaniya at sumunod naman ang mata ni Vyn. Sa likuran ni Lia ay dumating din ang waiter na inutusan nila ng isang upuan. Sumunod na si Lia at lumapit sa dalawa. Ibinaba ng waiter ang upuan sa gilid. Nagpasalamat pa si Lia sa waiter. "Sir, kindly add more meals," utos ni Vyn na sinunod rin ng waiter at saka umalis. Nahiyang naupo si Lia sa pagitan ng dalawa. She smiled so shy. So, he set this up? For the both of us? I don't get it. Nagkatitigan si Vyn at Lia. Ngumiti lang siya at medto na-awkward. Aminin na rin kasing hindi talaga sila malapit sa isa't-isa. Things goes different to the both of them. Tumikhim si Larah, "So? How was switzerland, Vyn?" Binasag ni Larah ang katahimikan. Nagkuwento si Vyn sa mga naranasan niya abroad. Hindi naman daw naging madali sa kaniyang makihalubilo, lalo na't hindi naman talaga siya nakikipag-usap talaga sa hindi niya kakilala. Pero ngayon, nagiging sanay na rin siya lalo na at abala na siya sa business ng pamilya. Nasasanay na rin siyang makipag-usap sa ibang tao lalo na sa mga kaasusyo sa business. Mahalaga rin kasing marunong kang makihalubilo sa kanila para sa ikakatibay ng pundasyon ng business nila. "So, nandito ka for business? Never knew ipinasa na pala ng papa sa'yo ang responsibilidad, hindi naman mahirap?" tanong ni Larah. "Masasanay ka lang talaga, actually we're planning to build a hotel sa Santos Street. Expected date this end of month ang pagpapatayo," aniya. "That's great, 'di ba Lia?" tanong ni Lara at tumango lang si Lia. "Yes, you really are different now. We will be glad to be the first visitor," ani Lia at ngumiti kahit na medyo kinakabahan. "That's for sure." Nakarating na rin ang kanilang pagkain. Inilagay ni Larah ang cake sa gitna ng lamesa. Samantalang nasa gilid ang kanilang pagkain. Binuksan na ni Larah ang cake at sinindihan ito. "Binili ko talaga agad ito upon knowing, at least ngayon hindi na virtual 'di ba?" nakangiting wika ni Larah at nasindihan na ang isang kandila. "Oh ayan! Sabay tayo ah!" ani Larah. "Isa, dalawa, tatlo." Sabay na hinipan ng tatlo ang kandila. Nagtawanan lang sila pagkatapos. "Gutom na agad ako." Nauna nang kumain si Larah. Nagkatinginan lang sina Vyn at Lia. Umiwas naman agad si Lia at kumain na. Natapos ang gabi nila at punong-puno nang kuwentuhan tungkol sa nakaraan nila. "Akala ko ba magmomodel ka?" Nalukot ang mukha ni Larah. "Oo! Ang kaso hindi ko alam kung saan ako mag-apply, alam mo 'yon? 'Yong mababa pa rin ang self-esteem mo," aniya. "Ate, you have the looks and the body. Saka you're not that fat naman, you can still join a modelling agency. The thing is you haven't tried any," ani Lia. "Compliment ba 'yan, Lia? Saka pa, ewan!" Hinanap ni Lia ang calling card sa kaniyang purse at inilapag iyon sa lamesa. "Iyan, it's a calling card sa Slyvia Modelling Agency. They recruited me while on the exhibit, e hindi naman ako interesado. Saka kaya walang nagrerecruit sa'yo e hindi ka naman naglalabas," ani Lia. Kinuha ni Larah ang calling card at tiningnan iyon. "Slyvia? My gosh! Napakahigh standard ng company na ito! I don't think makakapasa ako." "At least try," pagkukumbinsi ni Vyn. Napabuga lang ng hangin si Larah. "But, Lia wala ka ba talagang interes na sumali?" "What? Sa modelling? Never in my dreams, busy ako sa pagdedesign," ani Lia. Natapos na rin silang kumain. Sabay na silang lumabas ng restaurant. "Kailan uli tayo magkikita?" tanong ni Larah. "I can't promise a date, since I'll be busy starting tomorrow." Nalungkot naman si Larah. "Ako na lang 'ata ang walang trabaho, so I should grab this chance," turo ni Larah sa card. "Matatanggap ka niyan, ikaw pa? Ang galing mo kayang rumampa, remember noong nag-video call tayo? Ang confident mo nga," natatawang pagpapaalala ni Vyn. Ngumiwi lang si Larah sa hiya. Natawa lang din si Lia. "Excuse me, bata pa ako no'n. Wala pa akong hiya, iba na ngayon 'no?" "Wala ka pa rin namang hiya ngayon, what's different 'di ba?" "Aba'y magkaibigan nga ba talaga tayo, Vyn?" "Ate, kaunting push lang talaga at alam kung sasali ka rin diyan. Tara na at gabi na." Natawa lang si Vyn, "See you if there's a time." Nagkatinginan muli sila ni Lia. "Mauna na ako sa kotse ah," ani Larah at pumasok na sa loob para bigyan ng oras ang dalawa. "Can I ask you for dinner again? Kapag lumuwag na ang schedule ko?" tanong muli ni Lia. "Sure, just tell me." "Gusto ko sana tayong dalawa lang. May sasabihin kasi ako," nahihiyang wika ni Vyn. Bigla namang nakaramdam ng ilang si Lia. Para kasing alam na niya ngunit ayaw niyang umasa at manguna. "Bakit 'di mo na lang sabihin ngayon?" Napakamot ng batok si Vyn. "Wala ng oras, sige na gabi na kasi, take care." Ngumiti lang si Lia at pumasok na sa loob ng kaniyang sasakyan. Habang nagbabiyahe sila ay napapansin ni Larah ang pagsulyap sa kaniya ng kapatid. "What is it?" Bumuntonghininga si Larah. Kanina pa kasi niya gustong itanong ang bumabagabaga sa isipan niya. "You like Vyn, right?" diretsong tanong niya kaya agad na naapakan ni Lia ang brake ng sasakyan dahil sa gulat. Napalunok lang siya ng laway, "Sorry, may napansin akong aso na tumawid," pagkakaila niya. Muling pinaandar ni Lia ang sasakyan. "Ano nga iyon?" Umiling lang si Larah at nakuha na ang sagot sa tanong niya kahit wala pa namang binanggit si Lia. "Wala, inaantok na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD