"The board will come to visit this place to reassure everything is going fine," ani Mr. Diva.
Nandito sila sa Santos street at nakahanda na ang malaking bulldozer upang maayos ang mga lupa at walang sagabal.
"Make sure to guide them," aniya at nagpaalam na.
Nagtungo siya sa kaniyang kotse at may tinawagan. Umandar na rin ang sasakyan niya.
"Did you received it?" tanong nito sa kausap sa tawag.
"Yes, they are already working on it. Excited much?" pagbibiro ni Celestine.
"Just make sure maayos ang pagkakagawa."
"Of course, wala ka bang tiwala sa akin Mr. Blood?"
Natawa lang si Vyn, "Sinisigurado ko lang, that's very important."
"Alright! I know! Expect it to be finish before the said event," ani Celestine.
Malapit na ang kaarawan ng ama ni Lia at nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa mismong ama nila. He can't skip that day and he'll make sure to be there and give Lia the necklace. Nakarating na siya sa kaniyang malaking tahanan. Mag-isa lamang siya dahil nasa abroad ang mga magulang niya to deal with their business there also at siya naman dito.
Napatingin siya sa kaniyang selpon at itetext sana si Lia nang may biglang tumawag sa kaniya na unknown number. Sinagot niya naman agad ang tawag.
"Hello," aniya.
"Vyn! So, phone number mo nga ito! Puwede ka ba for gala today? Free kasi ako and I'll ask Lia to go out," ani ni Larah na agad naman niyang nakilala ang boses.
"Basta gala ang active mo talaga, okay. I'm free today." Rinig naman niya ang hiyaw sa kabilang linya at natawa na lang siya.
Nag-ayos na siya sa sarili. Feel niya lang magpaguwapo kahit alam niyang guwapo na siya. Lia will be there, so dapat intimidating ang looks niya.
—
"I already sent my application sa Sylvia agency, kagabi pa lang. Hinihintay ko na lang ang response nila," ani Larah sa kapatid na nagwoworkout sa labas.
Pawis na pawis na si Lia, but still she looks good. Nakangiti lamang si Larah sa kapatid.
"Kaya samahan mo na kami sa gala, hm?" pag-aaya ni Larah at nakadungaw pa nang malapit ang mukha sa kapatid.
Seryoso lamang si Lia na huminto sa ginagawang squat at nagpunas ng pawis.
"Bibisita pa ako sa kumpanya, Celestine received my designs already so, I have plans today."
Napangiwi lamang si Larah at umayos na lang nang tayo. Napairap na lang siya.
"Ang boring naman ng kapatid ko, wala na nga akong magawa sa bahay ayaw pa akong samahan. Ayaw mo talaga? Minsan lang naman tayong magbonding kasama si Vyn," anito at nakanguso.
Kinuha na ni Lia ang tubig sa lamesa at uminom.
"Fine, saglit lang at aalis din ako."
Lumapad ang ngiti ni Larah at nagtatalon-talon na pumasok sa loob ng bahay upang magbihis. Sila lang talagang dalawa sa malaking bahay at nasa hacienda naman ang mga magulang nila. Malapit lang kasi dito ang workplace ni Lia.
Napatingin si Lia sa kaniyang phone nang magring ito. Sinagot niya agad ang tawag.
"Hello, Lia. This is Celestine. Actually, natingnan ko na ang designs mo, I actually have plans for tonight. Kaya postpone muna ang meet natin ha? Sorry, talaga."
"No, its okay. Ayos lang sa akin at may ibang araw pa naman." Ibinaba na niya ang tawag at napatingin sa kapatid na ngayon ay bihis na bihis na.
Napailing na lang siya. Excited talaga siya palagi lalo na kapag kasama si Vyn. Lia can sense it. Larah likes Vyn and Vyn is close to her kaya hindi malabong hindi magkalabuan ang dalawa. And her feelings? Is invalid.
Si Lia na ang nagmamaneho sa kanila patungo sa isang mall. Mag-aaracde daw sila at lahat ng laro ay susubukan nila. Nameet nila si Vyn sa loob ng mall. May hawak pa itong tatlong ticket.
"Nakabili ka na? Taray, handa. Pero wala tayong snacks?" tanong ni Larah.
"Ako na ang bibili, mauna na kayo sa loob," pagvolunteer ni Lia.
"Sige reserve ka na namin," ani Larah at nauna nang pumasok sa loob. Napatingin pa sa kaniya si Vyn.
"Kailangan mo ba nang tulong?" mabilis na umiling si Lia.
"Sige na," aniya at umalis na rin upang bumili ng popcorn at maiinom nila.
Dalawang popcorn lang ang binili niya at tatlong maiinom. Larah likes strawberry flavored shake kaya iyon na ang binili niya. Samantalang mango sa kaniya at cookies naman kay Vyn. May lagaya naman ang inumin at popcorn kaya hindi siya nahirapang bitbitin. Pinapasok naman siya sa loob ng sinehan.
Nakita naman niya sa tuktok ang dalawa nang kumaway si Larah. Umakyat na siya sa itaas. Sakto namang kakaumpisa lang ng palabas na 'Cosmic Sin' bagong movie ngayon. Naupo na siya sa gilid ni Vyn nasa kabila naman si Larah.
Ibinigay na ni Lia ang popcorn sa kanila at ang maiinom. Umayos na sila ng upo at inaabangan na ang palabas. Ito namang si Larah ay naeexcite.
"Sa tingin mo ano'ng mangyayari sa ending?" tanong ni Larah kay Vyn.
"Aba malay ko ba, manood ka na lang. Tatanong pa," ani Vyn at umirap lang si Larah.
"Masyadong kj e," aniya.
Ngumiti lang nang mapakla si Lia habang pinagmamasdan sila at nanonood na lang. Inabutan pa siya ng popcorn ni Vyn at marahang kumuha. Napatingin sa kaniya si Larah at ibinogay kay Lia ang popcorn niya.
"Kay Vyn na lang ako hihingi, alam kong paborito mo ang popcorn," ani Larah at tinanggap naman ni Lia ang popcorn at ngumiti lang.
Tila ramdam ni Lia na hindi siya parte sa bonding nila. Feeling kasi niya outcast siya. Sa bagay hindi naman kasi sila malapit kay Vyn. Si Larah lamang ang palaging kausap ni Vyn. Habang pinagmamasdan ang dalawa ay masaya itong magkasama. Gusto ko ni Lia na iisang popcorn lang ang pinagsasaluan nila ni Vyn pero ayaw naman niyang sirain ang mood ng gala nila.
Natapos ang panonood nila at masayang lumabas sila ng sinehan.
"Oh nasaan na ang money! Namatay ang karakter mo e!" parang bata na nakikipagtalo si Larah kay Vyn. Natawa lang si Vyn at kinuha ang isang libo sa bulsa niya.
"Alam mo napakacompetitive mo," ani Vyn pero inirapan lang siya ni Larah at masaya pa na inilagay sa bulsa niya ang isang libo.
"Nagbet pala kayo," ani Lia.
"Oo, ito kasing si Vyn ayaw maniwala." Natawa na lang si Lia kahit na medyo naiilang na siya. Sana 'di na lang talaga siya sumama pa.
"So, saan ang susunod nating pupuntahan?" tanong ni Vyn.
"Arcade!" masayang sigaw ni Larah.
Ganoon na nga ay nagpunta sila sa arcade. Nilaro nila lahat ang puwedeng laruin. Pag may partner na laro ay si Larah at Vyn ang naglalaro. Tumatanggi kasi si Lia dahil ayaw niyang sirain ang saya ng dalawa. Habang ang tataas ng energy ng dalawa ay si Lia ang hina ng energy kahit na nagworkout pa ito kanina.
"Shot!" sigaw ni Larah at nagtatalon pa sa tuwa.
Sinubukan din nila ang claw machine at una si Larah ang sumubok ngunit wala itong nakuha. Sumunod naman si Vyn at nakuha niya ay dalawang nakarali na baboy na stufftoy. Iyong isa kulay pink at iyon isa ay kulay purple.
"Magaling ah! Akin 'yong pink!" ani Larah at inagaw kay Vyn ang isang baboy.
Tiningnan naman ni Vyn si Lia at ibinigay sa kaniya ang kulay putple na baboy. Nakangiting tinanggap ni Lia ang baboy.
"Pagod na ako, what about we eat?" ani Lia sa kanila.
Pumayaw naman ang dalawa at nagpunta sila sa restaurant na pinuntahan nila noong nakaraang araw. Sa Villa restaurant. Si Chin mismo ang nagsilbi sa kanila.
"Enjoy your meal!" ani Chin at iniwan ang tatlo upang makakain na.
"Nakakagutom din kapag napagod ano?" Matakaw na kumain si Larah na katabi pa si Vyn at si Lia sa tapat.
"Ang takaw mo pa rin kahit kailan, kaya bumababoy ang mukha mo," panunukso pa ni Vyn. Sinamaan lang siya nang tingin ni Larah.
"Aba! Nakakainsulto ka ah, maganda pa rin naman ako kahit may pagkababoy." Natawa na lang si Lia sa alitan ng dalawa.
"Kumain na nga lang kayo," suway ni Lia sa dalawa.
"Did you apply sa modelling?" tanong ni Vyn kay Larah habang sumusubo.
"Yup, I submitted my application kagabi. And, actually waiting for their interview."
"Here's your dessert ma'am, sir," ani Chin at marahang inilapag sa lamesa ang tatlong ice cream.
"What's the name of the company again?" tanong ni Vyn. "It would be better if we background check, kung maayos ba silang makihalubilo sa mga models."
"Slyvia Agency, saka known modelling agency iyan Vyn. High ratings. High standard. Siguro strict sila, but it would be the better para sa models."
"Ikaw, but if there's something wrong about the agency. Don't hesitate to quit," ani Vyn.
Narinig ni Chin ang pag-uusap nila at nais niyang kausapin si Larah. Nag-aalala lamang siya na baka masali si Larah sa kahibangan ng dyers.
"I advise you to find a different agency, Sylvia is known for the worst behind the scene," ani Chin at tinalikuran na agad sila.
Natahimik naman si Larah sa sinabi ng babae. Pero bakit? Saka ang alam naman niya maayos ang Sylvia. Maraming benefits. Maganda rin daw ang training ayon sa nababasa niya sa news at sa napapanood niya sa mga media. For her, wala naman sigurong masama. If may worst man, baka sa patakaran at strikto. Sila lang kasi ang nag-ooffer ng stay-in sa mga models.
"Might as well consider to apply to other agency, ate."
"Kapag hindi ako pasado, I'll consider that."
"Oh by the way, Vyn. Did you receive the invitation? For friday night celebration?" tanong ni Lia kay Vyn.
"Yup, I'm preparing for a grand gift kay tito. What do you think would be the best?"
"Wine," sabay na wika ng dalawang kapatid. Nagkatinginan sila at nagtawanan lang.
"Kilalang-kilala niyo talaga pareho ang papa ninyo. Well, I do that. The old wine I treasure the most, tiyak magugustuhan niya iyon."
Nagpatuloy na sa kinakain ang tatlo. Minsan pagsusubo si Lia ay napapasulyap si Vyn sa kaniya at kapag nag-aangat naman ng ulo si Lia ay napapaiwas nang tingin si Vyn. Sumapit na rin ang gabi at nagpaalam na sila sa isa't-isa.
Hinihintay pa ni Vyn na makaalis sila saka nagtungo sa kaniyang sasakyan. Nakatanggap ito ng text at agad nagtungo sa opisina ni Celestine.
"Nasaan na?" bungad nitong tanong. Itinuro ni Celestine ang maliit na box na kulay asul. Kinuha iyon ni Vyn at dahan-dahang binuksan.
Napangiti siya nang makita ang makinang na pendant na isang araw na may crescent sa gitna. Rose gold ang kulay nito at babagay ito sa balat ni Lia.
"In love ka nga talaga Blood," naiiling na wika ni Celestine. Nakaupo lang ito sa swivel chair niya habang pinapanood na ngumiti ang lalaking kaharap.
"Do you think she will like this?"
"Ano ka ba! Sure na sure! Basta galing sa puso mo, magugustuhan niya talaga iyan. Huwag ka sanang maging duwag," panunukso ni Celestine.
"Oh siya! Umalis ka na rito! Nakakabitter ang mga ngiti mo, sana all!" pagbugaw niya kay Vyn.
"Salamat! What about a dinner together? Or do you want to have a blind date? Set-up date? What do you want?" nakangiting tanong ni Vyn.
Napangiwi lamang si Celestine. Mukha ba siyang desperada na magkajowa?
"Alam mo! Nakakainsulto ka rin! Fvck off, Blood!" Natawa lang si Vyn sa reaksyon ng kaibigan. Kahit kailan ay pikon talaga ito.
"Well, I can't blame your marupok na puso. Alam ko namang gusto mo pa rin ang taong nanakit sa puso mo," anito.
"This is my last warning Blood," seryoso na ang boses ngayon ni Celestine.
"Chill! Aalis na!" natatawang wika ni Vyn. "By the way, thank you! Gotta go!"
Napailing lang si Celestine sa kaniya. Ang lapad nang ngiti ni Vyn habang hawak-hawak ang kulay itim na box na may kulay pulang ribbon sa gitna. Itinago niya iyon sa loob ng sasakyan niya.
Plano na niyang sabihin ang nararamdaman niya kay Lia ngayong biyernes. At gusto niya ring hingin ang permisyo ng mga magulang niya bago manligaw.
Habang nagmamaneho si Vyn at biglang may tumama sa bintana ng kaniyang sasakyan. Napahinto na lamang siya sa gulat at napatingin sa labas. Madilim na ang paligid at wala ng gaanong sasakyan.
Napalunok na lang siya ng laway dahil sa gulat. Papaandarin na sana niya ang kaniyang sasakyan nang mapansin ang isang papel na dumikit sa binata ng sasakyan niya. Ibinana niya ang bintana at kinuha iyon. Binuksan niya ang maliit na papel ay may nakasulat sa loob.
Napakunot na lang ang noo niya at hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Isa lang naman itong calling card at may nakalagay sa ibaba na;
If anything happens about the modelling, call this number. They will help you.
"About the modelling?"
Napailing na lang siya at inilagay sa loob ng sasakyan ang papel upang itago. Napatingin pa siyang muli sa paligid pero wala namang taong naglalakad. Huminga siya nang malalim at pinaandar nang muli ang sasakyan.
Kailangan pa niyang maghanda para sa selebrasyon. Inihanda na rin niya ang ireregalo niya kay Mr. Monde ang napakahalagang wine niya na galing pa sa Switzerland. Binili niya ito 3 years ago sa halagang forty-thousands. Natutukso tuloy siyang inumin iyon pero ireregalo pa niya ito.
Inilagay niya iyon sa loob ng isang mahabang gift bag at itinabi. Naupo naman siya at tiningnan muli ang kuwentas at napangiti.