Chapter 16

4173 Words
Pagbaba ko ay naabutan ko si MJ at si Sabel sa may sala. Katatawag lang ni John at excited na daw itong umuwi kaso hindi kami magpang-abot bukas dahil aalis ako bukas ng alas kwatro ng madaling araw. Dumiretso na rin ako sa kusina habang andun pa si mama, papa at si lola. Si Kevin, hindi ko lang alam kung saan ito nagpunta ng ganito kaaga. "Minerva, sumama ka na lang sa amin pabalik sa hospital." "Opo ma." "Hija, are you okay? You're eyes seems puffy." Sabi ni papa Jonas habang hinihigop nito ang kape. "Ok lang po pa." "Goodmorning mommy.... Can we have some brownies please?" Tumakbo si MJ palapit sa akin at yumakap sa mga binti ko. Napangiti ako at hinalikan ang noo nito. "Yes boss." At kaagad itong nagbalik sa sala kaya dali-dali rin ang kilos ko na gumawa ng request nito. Palibhasa bata eh kaya spoiled din minsan. "Bukas na tayo magsisimula, Min. Don't forget to get home early tonight para maaga tayo bukas." Sabi ni Mama. "Opo ma. Noted ma." "Where's Kevin?" Tanong ni Lola. "Kakaalis lang. Dumaan daw yung si Queenie, Mama kaya ayon lumipad pagkatapos magpaalam sa bata." Napalunok ako ng laway sa sinabi ni Mama Grasya. Ok fine, hindi ako dapat magseselos baka naman ito na ang babaeng sinasabi nitong papakasalan nito pagkatapos ng annulment namin. Get hold of yourself, Minerva. "Hija, babalik ka pa ba sa Seattle? Are you're studies okay?" Tanong ni papa habang nagmamasa ako ng mga ingredients ng brownies. Babalik pa ba ako doon? Andito ang anak ko at hindi ko madadala dun pero paano naman kapag bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at pagtripan na naman akong takutin ni Kevin at Mama Grasya na ipapakulong nila ako? Ayokong pagdating ng panahon ay ikakahiya ako ni MJ dahil wala akong kwenta o di kaya ay paglaki ni MJ ay tatawagin siyang walang silbi ang ina nito dahil walang alam na trabaho? Titiisin ko na lang. "Opo pa, nagka-usap na kami ni MJ na babalik muna ako dun para sa internship ko. Pagbalik ko from Voluntary Mission ay baka babalik muna ako dun." Natahimik silang tatlo sa sagot ko. "Iiwan mo ang bata?" Tanong ni Mama. "Para na rin may panahon si Kevin sa bata, ma..." "Gusto mo bang dito ka sa hospital mag-iintern?" Napangiti ako sa sinasabi ni Mama. "Opo naman ma. Malapit lang ako kay MJ kapag dito ako mag-iintern." "Oh I remember Blast Parker, anak pala siya ni Dr. Ismael, Jonas. Why don't we recommend them para naman may experience sila sa hospital natin. Hindi naman tayo nahuhuli pagdating sa technologies and in our services. "Okay we'll find some ways to that." Sabi niya at lihim akong nagpapasalamat sa kanila. After fifteen minutes ay natapos ko na ang brownies at naghanda para sa maliit na batang mahilig sa brownies. Hindi mahilig sa sweets ang tatlong doktor kaya sapat lang ang ginawa ko para sa dalawang paslit. "Para kay Ate Sabel...and para kay MJ, Dahan-dahan mainit pa yan. MJ, you careful." Sabi ko habang isa-isang nilagyan ang mga plato nila ng brownies na requested ni MJ. Busy ang dalawa sa pag-drawing sa sala dahil binigyan nito si Sabel ng Drawing at Coloring Book na dala nito. Malamang nagpapabida ito sa artwork nito. "Thank you mommy." "Thank you tita." Sabi ni Sabel. Magandang bata si Isabel at bagay talaga sa kanya ang pangalang Isabel. Matalino din ito at Matangkad din na batang babae, masasabi talagang hindi yun nakukuha kay Jing actually walang features ni Jing, matangos din ang ilong ni Sabel at maputi ang kutis tamang alaga lang ni Jing at ng mga magulang nito, at kulot ang dulo ng mahaba nitong buhok at crush ko ang ganyang style. Sobrang haba na rin ng buhok ko na hanggang beywang na at wala pa akong panahon para ipapagupit ko ito. Kapag may pagkakataon na siguro. "MJ, papasok sa work si mama. You behave here." "Yes mommy. I love you." Sabi nito kahit anong sabi ko na mama ang tawag nito ay sinusunod pa rin nito ang sinasabi ng ama. "Love you too." Binigyan ko sila ng tig-iisang baso ng gatas at nagpatuloy sila sa ginagawa nila. "Mamaya niyan, sila ang magkatuluyan. Heheheh. Tingnan mo nga ate uh, tsk ang gandang lahi lang eh." sabi ni Jing na parang kinikilig pa talaga habang pinagmasdan ang dalawa. Si Jing ang pinili ni Kevin para maging yaya ni MJ at tuwang-tuwa naman si Jing dahil aliw na aliw nga daw siya kay MJ. Napatingin ako sa dalawang bata. "Hmmm, malay natin. Pero masyadong bata pa para mag-isip ka ng ganyan sa dalawang bata. Mamaya niyan playboy ang anak ko paglaki niyan naku wag mo lang sisihin kung marami yang ede.date.." "Hmmm, malamang playboy talaga yan sa gwapo niyang yan. Maraming babae ang maghahabol panigurado. Tsk, hindi ko na lang irereto si Isabel sa anak mo, dahil paniguradong maraming magagandang babae ang aagaw sa atensyon ng anakins mo." "Papasok ako sa trabaho mag-ingat kayo dito. Ok?" "Ok ate. No problem." At nagsalute pa ito sa akin. Pumanhik na ako para magbihis. Pinili ko ang uniform na binigay sa akin ng admin kahapon at dali-daling bumaba. Nahihiya pa ako ng nasa sasakyan na sila mama at papa. "Mommy." Tumawag sa akin si MJ na nasa katabi ni lola at lumapit ako sa kanya para halikan ito. "Bye sweetie. See you later be a good boy, got it?" "Yeap. Take care mum." "Yap. Lola, aalis na po ako." At nagmano ako sa kanya at ginaya naman ako ng dalawang bata kaya napangiti ako. Sumakay ako kaagad ako sa front seat at umalis na kami. Pagdating namin ay dumiretso na kami sa admin at pina.fill.in na naman ako sa mga may nag-absent na empleyado. Wala ng interview interview dahil approve kaagad ni Papa Jonas na habang andito ako ay magtatrabaho ako with pay kahit nursing student pa lamang ako. Practicing daw ang tawag nito. Anong alam ko eh sa kanila ang batas. Ok lang di Hindi naman mahirap ang trabaho ko dahil ang gagawin ko lang ay ibibigay sa mga assigned doctors para magpapa-perma. Binasa ko ang listahan at kahit anong iwas ko ay talagang dadaan din ako kay Dr. Kevin Joon Montero Ph.D. Kevin's POV Katatapos lang ng may nagpapa-check up kaya lumabas muna ako para magpahangin pero bigla na lang may umabrecete sa braso ko at si Queenie na naman. "Yung utang mo po." Pa.inosenteng sabi nito. Inakbayan ko ito at humagikhik lang ito. "Kumusta ang check up mo?" "Aish, sabi ng doktor may kunting galos ang tiyan ko akala ko mamatay na ako eh kaya dinaanan talaga kita kanina para ma.priority din ako." Ginulo ko ang buhok nito."nang-aabuso ka na po." Bulong ko sa kanya at tumawa ito ng malutong. "Oh pinsan mo oh. Hello." Napalingon ako at nakita ko si Minerva na nakatingin sa amin ni Queenie. Abot-abot ang kaba ko------wait, ano ngayon kung titingin siya? Wala naman kaming ginawang masama ni Queenie? She can't overreact right? And why the hell did she wear that uniform? Nagtatrabaho ba siya dito kaagad? Dito ba siya mage-intern?? Whoah. "Hello din." Sabi nito. "Ah pasensya ka na. Alam mo naman itong boyfriend ko masyadong na.miss ako." Sabi ni Queenie and I swear, sarap ilagay sa basurahan itong si Queenie. Bakit ba pinalandakan nitong boyfriend niya ako. I know Minerva won't think na girlfriend ko si Queenie right? "Ah.. ganun ba? Sweet. Bagay po kayo. Sobra mo pong ganda." The f**k she said? Bagay???? Kami ni Queenie bagay??? "Actually pupunta ako sa office ni Dr. Montero dahil may ilalagay akong kailangan niyang permahan." Kalmang sabi nito. Galing magtago ng selos ng babae na to ah. or hindi ba ito nagseselos man lang? "Wait--Diaz ka pala? Paano ka naging pinsan ng baby Kevin ko?" Baby??? Baliw na ba tong si Queenie? Lihim kong kinurot ang siko ni Queenie pero hindi niya ako pinansin. "Ah--" "Put that on my table." Sabi ko at tumango naman si Minerva at nagpaalam pa kay Queenie. "You go home now. Sinira mo ang araw ko. Baby??? Nababaliw ka na yata." Bulong ko kay Queenie pero tumawa lang ito. "Ang galing ko di ba? Sabi mo papaniwalain natin ang family mo na may girlfriend ka na. Kailan mo ba ako ililibre para tatahimik na ako?" "Ewan ko sayo."  At dali-dali akong umalis at sinundan si Minerva. She can't misinterpret it dahil halata namang nagbibiro lang si Queenie sa sinasabi nito. "Hey man." Napalingon ako sa tumawag sa akin at si Hector yun. My best friend. "Hey kailan ka pa dumating?" Sabi ko habang nakikipagkamayan sa kanya. Tinignan ko ulit si Minerva na lumabas na sa office ko. Bakit parang sumisikip ang dibdib ko na isiping malungkot ito dahil sa biro lang ni Queenie. Actually Queenie is Hector's ex girlfriend at bakit siniseryoso nito ang joke na yun. Anyway, hindi niya naman alam kung ex ba ito ni Hector or not "Chicks yun ah." Napaangat ang kilay ko ng lingunin ko si Hector na tumingin din kay Minerva kaya tinulak ko ito. "That's my wife, dude." Seryosong sabi ko sa kanya. Mabuti na ang magiging klaro para walang gulo sa kaibigan kong ito. "Oh I am sorry. Bakit hindi ako imbitado sa kasal na yan?" "Siya yung sinasabi ko." Sabi ko at pumunta ako sa office ko ulit at sumunod rin naman si Hector. "Whoaaaah. Minerva??  Wow, after four years????" "Yeah. Tsk, ano bang ginawa mo dito?" "Tsk, sinamahan ko lang ang kaibigan ko...so tell me what happened ng pagbabalik niya." "What else? That's all. Mag-asawa pa rin kami." Para itong natalo sa lotto at pabagsak na umupo sa sofa. "So you must be so aggressive imagine four years?" "Bakit hindi na lang kayo ulit magbalikan ni Queenie at ng maging ok kayo? Kesa naman magiging nosy ka dyan di ba?" "Hahahah dream on. Bakit naman kami magkabalikan kung meron na akong bago? Goodness. Bayaan na natin ang babaeng ma.pride. so tell me, nakabuo na ba kayo ng nagbabalik mong misis?" halakhak nito. Sos, as if hindi nagiging tanga noon sa babae. "Pinagsasabi mo. May three years old son na nga ako ng wala akong alam." Sabi ko sa kanya at muli ay para itong nabuhayan ng dugo sa balita ko. "Fuck." "Yeah." "Where the f**k did she hide at talagang umabot ng four years? M*therfûck bro." "Itanong mo na lang kay Harold kakainis kayong magkapatid kayo." Riiiiing. Hindi ito nakapagsalita ng biglang nag-ingay ang cellphone nito. "Hindi na ako magtatagal baka tapos na sa check up ang kaibigan ko." Tumayo ito at dali-daling lumabas ng silid ko. Paniguradong babae ang tinutukoy nitong kaibigan. Nagkasala na naman ang loko. Sa pag-iisa ko ay naisip ko na naman si Minerva. I should explain---no! Why the hell would I explain it to her? Tumayo ako at dali-daling lumabas at hinanap siya. Actually I paged her to come to my office right away. Wala pang ten minutes ay kumatok na ito sa labas na halatang tumakbo pa galing dahil hinihingal ito. "Yes Dok." Sabi nito. "Yeah pinatawag kita dahil may ikaklaro lang ako sa nakikita mo kanina." Nakita kong umiwas ito ng tingin at nakatutok lang sa sahig. Minerva's POV "Yung nakita mo kanina, naalala mo naman siya di ba?" Tanong niya at mabilis akong tumango. Paano ko malilimutan yung girlfriend niyang maganda. Matangkad ito at maganda at sobra nilang bagay. Masakit para sa akin dahil nagseselos pa rin ako pero wala na akong magawa dahil alam ko naman kung saan ako lulugar. Ang surrogate mother ay surrogate mother. "Hindi na sana ako mag-eexplain kaso kailangan kong iklaro sayo that you are nothing to me. Whether I cheat or not, it's up to me, tama?" Tumango ako ulit. "So I am expecting from you na hindi mo gawing rason si Queenie para ilayo mo ulit si MJ sa akin. Same as wala akong pakialam na nagka.boyfriend ka at natulog sa hotel na hindi ko alam gayung nasa bahay ang bata at iniiwan mo.. hindi ko alam kung ganyan ka bang klaseng ina sa anak ko kung saan ka man tumira." Napatingin ako sa kanya para sabihin na hindi ako nagka.boyfriend pagkatapos kong umalis four years ago at wala akong kasamang lalaki sa hotel nung gabing pinalayas ako pero mahaba ng usapan. Magagalit na naman ito sa akin baka maging ground pa ito na ilayo niya sa akin ang anak ko. "Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya. "Ngayon lang ako magsasalita kaya lulubusin ko na. Alam ko kung saan ako lulugar Kevin, Hindi mo kailangan ipaalala sa akin. Mula noon hanggang ngayon ay alam ko sa sarili ko kung saan ko ilalagay ang selos ko. No, hindi ako dapat magseselos dahil hindi yan nababagay sa isang surrogate mother.  Ang surrogate mother ay surrogate mother at hindi ako dapat magagalit sayo pagdating sa isang babae. Kung naging attached man ako sa bata ay dahil ina rin ako. Kahit saang anggulo ay ako ang ina ni MJ at ako nagluwal sa kanya, kahit sabihin mong wala akong anak dahil binayaran niyo ako ay hindi nabubuo si MJ kung hindi ako ang naging ina niya. Nagagalit kayo sa akin kaya tinatanggap ko ang parusang pinatong niyo sa ulo ko. Sinasampal, pinagbintangan at pinalayas ako ay tinanggap ko dahil kulang pa yun sa nagawa ko basta huwag lang makita ng anak mo. At bago niyo husgahan ang pagbubuntis at pagiging ina ko sa anak mo ay sana naman naisip mo yung ibang babae na pumapatay ng sarili nilang mga anak sa sinapupunan nila para lang matawag na mga dalaga at masabing walang krimen na ginawa. Hindi ko yan naisip kahit isang beses dahil mahal ko ang anak ko, Kevin. Hindi dahil ganito lang kababaw ang estado ng buhay ko ay makapag-salita ka ay parang napakalaking kasalanan ang lumaki kang mahirap. Pasensya na kayo kung nangarap din akong makapagtapos kaya kita iniwan bihira lang kumatok ang pagkakataon. Tawagin mo na akong gold digger pero nagawa ko lang yun dahil malaking utang na loob ko ang lahat kay lola at gusto ko siyang alagaan hanggang sa tumanda na ng husto ang lola mo. Kaya wag mo akong pinaparatangan kong anong klaseng tao ako sa ibang bansa na namumuhay." Pinahid ko ang luha ko at nakatulala siya sa sinasabi ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa dahil lumabas na ako ng silid nito. Sobra na. Sobrang sakit na niyang magsalita sa akin kaya tumakbo ako papunta sa rooftop at doon ko inilabas lahat ng masasakit na dinamdam ko. Paratangan na ako at lahat wag lang ang pagiging ina ko sa anak ko dahil ginawa ko ang lahat para mapabuti ko ang pagpapalaki ni MJ. Sobrang dali lang tawagin ang pagiging batang ina pero ang gampanan ang responsibilidad bilang magulang sa anak mo ay hindi madali. "AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!! " sigaw ko sa abot ng aking makakaya. "SOBRA NA KAYO. HINDI AKO PUMATAY NG TAO PARA GANITO ANG TRATO NIYO SA AKIN NA PARANG MAMATAY TAO!!! Huhuhuhuhuhuh! " Tumingin ako sa baba at nakita ko ang mga tao na parang mga langgam lang na naglalakad sa baba ng hospital. Kung tatalon ako dito ay paniguradong kahit nasa b****a na ako ng gamutan na to ay hindi ako mabubuhay pero hindi ko gagawin yun para lang sa sinasabi niya. Meron akong anak na naghihintay sa akin na umuwi. Merong MJ na nagmamahal sa akin. Pinahid ko ang luha ko at umupo sa bench ng ilang minuto. .nagpapasalamat na rin ako dahil nailabas ko ang saloobin ko sa kanya. Naintindihan ko naman kung galit pa rin ito pero wag naman sanang umabot pa kung anong klaseng ina ako sa anak ko dahil hindi iyon madali. "ang ingay mo." lumingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang doktor sa dulo na umiinom ng kape. "pa?" kaagad kong pinahid ang luha ko at baka pagalitan ako ni papa sa ginawa ko dahil lumalapit na ito sa akin. Umupo ito sa bakanteng bench at naka-dekwatro pa. "I can tell na inaaway ka na naman ni Kevin. Sit down." mwestra nito at sumunod naman ako. "naintindihan kita sa ginawa mo at nagpapasalamat ako sayo dahil hindi mo pinabayaan si Mama. Actually, alam ko ang lahat dahil sinabi sa akin ni Mama pero one year na yata si MJ nun." Napatingin ako kay papa na mukha naman kasing seryoso sa sinasabi nitong alam ang lahat. "Paano niyo po nalaman pa? Bakit hindi alam ni Mama Grasya?" "Dahil alam kung sasabihin nito kay Kevin kung nasaan ka." "Bakit hindi kayo pumunta dun pa?" "His pictures are enough. Masaya ako na nag-aaral ka as well as maayos mong ginagampanan ang pagiging ina mo sa apo namin." "Galit po ba kayo sa akin pa?" "hindi. Naintindihan kita sa desisyon mo. Hindi natututo ang isang tao hija kapag palaging pilit pinaninindigan ang mali. Kung naging desisyon mo ay ganun, hindi ako galit sayo. Ako na ang humingi ng paumanhin sa ginawa ng Mama Grasya mo nung isang gabi. Mahal ka nun at dala lang yun sa emosyon niya." Hindi na ako nagpapakipot pa at niyakap ko si papa Jonas ng mahigpit at pinahid ko na naman ang mga luha ko. "Naintindihan ko po pa." "Tahan na. Tibayan mo lang ang loob mo alam ko namang malalampasan mo lang to." "Syempre naman po." "Mauna na ako. Ubos na eh." Pakita nito sa tasa nito na wala ng laman. "Dito ako tumatambay kapag nag-iisip at pasalamat na rin ako dahil pumunta ka na rin dito sa wakas." Sabi niya at umalis na ito sa rooftop. Sobrang init ng panahon pero hindi ko yun nararamdaman dahil sa sobrang lakas ng hangin. Magandang tambayan dito baka dito na rin ako tatambay during break time pag.nag.intern na ako. Fifteen minutes more at bumaba na ako. Kevin's POV Location: Scenario "Anong problema bro?" Pukaw sa akin ni Knight. "Wala naman."  Sa katunayan ay iniisip ko si Minerva at hanggang ngayon ay hindi nawawala ang paninikip ng dibdib ko. "Bro, alam mo bang buntis si April?" Balita nito sa akin. Hindi ko narinig ang balitang yan. Ang alam ko lang ay divorce na ito kay Gael. "Oo buntis siya nakita ko siya malaki na nga yung tiyan niya. Actually kaya nga ako andito dahil andun siya nakikipag.chikahan sa bahay." "Buti at pinaalis ka ni Kayla?" "Pumayag naman. Nasa bahay naman ang yaya kaya wala akong ipag-alala para sa baby namin. Naaawa na nga ako sa misis kong yun, nangangayat na sa pag.aalaga ng anak namin lalo na ngayon na nilalagnat ang bata dahil sa ngipin nito." Sumagi na naman sa isip ko si Minerva. Nasaktan ko ito kanina... Bakit ko na naman nasabi yun at inaamin kong may mali talaga ako. Inisang lagok ko ang alak ko at nagsalin ulit. Galit ako sa kanya pero hinahanap ko ang presensya niya sa tuwing wala ito sa tabi ng anak ko. Galit ako sa kanya pero gusto ko ang pakiramdam na katabi ko siya ng tulog. Ilang taon akong nangarap na makasama at makatabi siya and it took times bago ko siya nadala sa tabi ko and I missed her scent too much. I miss her body and I long to touch her just like last night but I guessed hindi ko na naman magawa yun dahil galit ito sa akin dahil sa nabitawan kong mga salita. Kinabukasan nagising ako sa init ng araw na tumatama sa mukha ko, sobrang sakit ng ulo ko at sobrang pagod ng katawan ko na parang dinaganan ako ng maraming kanyon. Wala si MJ sa tabi at alam kong---wait, bakit ako hubo't hubad? Sinong kasama ko dito? Pilit kong inaalala ang nangyari kahapon at tanging sa Scenario lang ang huli kong alaala. "Hi. Long time no see." Naparami na ang inom ko pero kilala ko pa rin ang babaeng lumapit sa akin. "Long time no see, Steph." Sagot ko sa kanya. I must be watchful of my own actions baka mauwi na naman ako sa gulo nito. "Mukhang naglalasing ka talaga ngayon ah. Mind if I join?" "I'd love being alone." Sabi ko at inabot nito sa akin ang isang baso ng alak "Don't bother. I can pay." "Relax. I am with my cousins and that's for the 'met-my-ex-unexpectedly'. Nakakasakit ka naman ng damdamin kung tatanggihan mo pa yan." Itinabi ko ang baso ko na walang laman. Ininom ko ang alak ko bottom's up and she clapped her hands happily. Masaya nitong ibinahagi ang buhay nito pero unti-unting umiikot ang paningin ko. s**t, lasing na ba ako? "Hey Kevs, are you okay?" Tawang tanong nito habang pinisil-pisil ang kandungan ko. "Fck. Anong ginawa mo Stephanie???" "Ha? Wala. Talagang lasing ka na. Come on ihahatid na kita." Bulong nito sa akin at talagang umiinit ang katawan ko. Gusto kong maghubad dahil sa init ng katawan ko. "Knight. Tulong." Mahinang tawag ko kay Knight. "Kevin? Hey man, are you okay?" Inaninag ko ang mukha ng lalaki pero hindi ko maklaro ang mukha niya pero si Karlos ang naririnig ko. "b***h , you drugged  him. Anong pinag-iisip mong babae ka?" Sabi ni Karlos at naramdaman ko na lang na nasa sasakyan na ako. Hinubad ko ang polo ko dahil sobrang init ng katawan ko. Wala na akong maalala pagtapos nun. Bumangon ako para maligo para mawala ang p*******t ng katawan ko. Half an hour later... Paglabas ko ay nasa loob si MJ nagtatalon sa gitna ng kama habang itinapon-tapon sa ere ang balloon na may kaliitan. Binigyan siguro ito ni Sabel... "Goodmorning daddy." "Goodmorning. Careful baka mahulog ka dyan." Sabi ko at naghanap ng maisusuot sa walk-in cabinet. "Daddy can you blow my balloon? Ate Sabel blew this one but nanny called her out kasi bawal daw pumasok kaya marami pa akong balloon dito." Sabi nito habang tumalon-talon pa rin ito sa kama na sinasalu-salo ang maliit na balloon sa ere.. Bayaan na, bata eh. "For a while. Give it to me." Sabi ko at isinuot ang itim na fitted shirt ko and my khaki shorts. Dali-dali itong bumaba at pumasok sa walk-in cabinet. "Here." Nanlaki ang mga mata ko sa inabot ng anak ko. Nanlaki ang mga mata ko sa bagay na ibinigay niya. f**k. Where the f**k did he get these used condoms? "Miguel Joon, where did you get these? Hindi ito balloons and these are dirty. Tell me where did you get this?" Tanong ko at inagaw ko ang condom na ginawa nitong balloon. Promise, para akong tinakasan ng dugo sa nakita ko. "Daddy I found it on our bed dad. Some were on the floor and I got ten pieces of balloons.." Paliwanag nito at ano namang mapapala ko wala namang alam ang bata kung condom ba ito o hindi. s**t, hindi naman ako nagdala ng babae habang andito si Minerva di ba? f**k! Of course nope. These are my old stocks condoms at never kong ginamit dahil sa trip noon ni Knight at niregalo sa akin. "Don't play these dirty things again. Got it? Where's mummy kid?" Itinapon ko sa basurahan ang mga condom at inayos ang magulo kong kama at sa ilalim ng unan ay may nakaipit dun na puting bra at panty. Kinuha ko yun at tinanggal lahat ng beddings dahil sa amoy na talagang amoy mula sa isang steamy scene. "Work daddy. Didn't you sleep together last night? Daddy was so drunk and mommy had to tack you to bed." Napalunok ako. Ibig sabihin, ginamit ko yung mga condom kagabi? "Where did you sleep last night?" "With lola. You kept on hugging mommy and I have to sleep with lola coz lola said, she was scared of momo." That's it. Hindi ko nga maalala pero alam ko na ang puzzle sa isip ko kung bakit nagsilabasan itong mga bagay na to na sobrang tagal ng nakatago sa drawer. I should talk to her I need to say sorry but I just can't baka lalo itong magagalit. f**k. Nagiging bakla na ba ako dahil sa nangyaring ganito. f**k man. Kahapon pinaiyak ko nga siya, kagabi naman ay para akong baliw sa ginawa ko. f**k it bud. Paano ko ba sasabihin to sa kanya mamaya? Should I say sorry? No, maiinsulto siya. Should I say let's forget it??? Damn, wala nga akong maalala, paano ko malilimutan. "Miguel, dito ka lang lay lola ha, aalis muna si daddy. Susunduin muna si mommy." "But mommy's so far away with grandma and grandpa." Inosenteng sagot nito habang naga-assemble ito sa laruang lego. Does he means, nasa Voluntary Mission si Minerva? Dali-dali akong lumabas at naabutan ko si lola sa garden nito. "La." "Goodmorning, gising ka na pala. Si MJ?" "La, sumama ba si Minerva sa Tacloban?" "Yes. Sinabi niya sayo kagabi na matutulog siya ng maaga dahil aalis sila ng madaling araw but you were so drunk at ayaw kumawala sa kanya." Aish. Anong alam ko kung sinabi niya yun? Bakit hindi niya ako ginising kanina para man lang maihatid ko sila sa airport. Bakit ba nagdedesisyon siyang mag-isa without confirming me in the first place??? Humanda ka pag-uwi mo. end of Chapter 16
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD