Location: Hotel
Maaga akong nagising para bumili ng bagong simcard dahil hindi ko naman magagamit ang number na meron ako. Hindi pa ako nakaligo at naka.pajama lang ako na lumabas ng hotel. Pag-upo ko ay kaagad kong binuksan ang simcard slot--
Ding Dong
Tok tok tok
Wala akong inaasahang bisita ngayon baka hotel staff ang nasa labas at may pakay lang o di kaya ay may emergency kaya dali-dali akong tumayo para pagbuksan ang nasa labas.
"Bakit po--- Kevin? Anong ginagawa mo dito??" Kaagad akong tumingin sa paligid baka andito si mama Grasya pero wala ito at galit na galit si Kevin habang tinulak ang pintuan at kaagad pumasok ng silid ko. Pumunta ito sa kusina then sa kwarto. Anong nangyari sa kanya? Paano niya nalaman na andito ako?
"Kevin, anong ginagawa mo dito? Si MJ?" Tanong ko na para akong tuta dahil sunod ako ng sunod sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Mayaman ka na ba at nag-hohotel ang isang Minerva? May lalaki ka na ba kaagad dito? Pack your things right now!" Panimula na naman nito ng gulo sa akin habang inisang kamay nitong itinapon sa gitna ng kama ang maleta ko.
"Anong lalaki ang pinagsasabi mo? Di ba ikaw ang nagpalayas sa akin kagabi? Pinalayas niyo ako."
"NI HINDI MO MAN LANG INIISIP ANG BATA NA BUONG GABI KANG HINAHANAP??? MATINO KA BANG INA NA NANG-IIWAN NG BATA SA MGA TAONG HINDI NIYA PA KILALA???"
"Iniisip mo rin sana yan bago niyo ako palayasin."
Pilit ko mang pigilan ay talagang hindi nagpapaawat ang hikbi ko. Bakit ba nila ako ginaganito?? Naglayas lang ako para sa kinabukasan ko at hindi ko naman alam na nagbuntis na pala ako bakit kung parusahan ako ay para akong walang kwentang babae na nakilala nila. Bakit ba nila ako iniipit?
"Huwag mo akong iniiyakan Minerva."
"Umalis lang naman ako kagabi sa takot na ipakulong niyo ako. Huhuhuhuhuh natatakot ako na hindi ko na ulit makikita ang anak ko huhuhuhu. Naglayas lang naman ako at bakit para niyo akong pinaupo sa silya elektrika? Bakit hindi niyo na pang ako patayin para mawala na yang galit niyo sa akin."
Tumahimik lang si Kevin at umupo ako sa gilid habang humihikbi. Sobrang sakit nilang magsalita na para bang pumatay ako ng tao sa ginawa ko. Pinatay ko ba si MJ? Naging bastos ba akong ina at nagdala ng iba't-ibang lalaki sa bahay?
Sa pag-iyak ko ay hindi ko alam kung anong ginawa ni Kevin. Maya-maya ay hinila niya ako palabas ng kwarto ko kahit hindi ko pa suot ang tsinelas ko at dala nito ang maleta ko. Wala itong pakialam na pinagtitinginan kami ng mga tao sa hotel kaya pinahid ko ang luha ko. Dumiretso kami sa kotse nito na naka.parking sa harap ng hotel at ito na rin pala mismo ang nagmaneho. Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa huminto kami sa isang pizza parlor at lumabas ito. Nangako nga pala akong bilhan si MJ ng pizza pagbalik ko pero hindi ko alam kung nadala ba ang pera ko. Tanging cellphone at simcard lang ang hawak ko at nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Bumalik si Kevin na may dalang tatlong boxes ng large pizza. Umuwi kami na tahimik lang. Ayoko namang magsalita baka mamaya niyan ay masagad ko ang galit nito sa akin.
Hanggang sa makarating kami sa mansyon ay wala ni isa sa amin ang nagsalita at kaagad kong nakita ang anak ko na nakikipaglaro ng habol-habulan sa isang batang babae.
Kevin's POV
Para akong nasaniban ng masamang espirito ng makita ko itong nagmamadaling pumasok sa hotel na sinasabi sa akin ng mommy ko. Tumatakbo ito na para bang may naghihintay sa kanya kaya dali-dali din akong sumunod sa kanya dahil samu't saring scenario ang pumasok sa isip ko.
Kaya pagdating ko sa kwarto nito ay malakas kong kinatok ang pintuan at sa nakikita ko ang takot at pagkabalisa nito habang tumitingin sa paligid. May hinihintay ba siyang bisita kaya pumasok ako kaagad at tinignan ang loob dahil talagang makikipagpatayan ako kung may lalaki itong nilalandi.
"Umalis lang naman ako kagabi sa takot na ipakulong niyo ako. Huhuhuhuhuh natatakot ako na hindi ko na ulit makikita ang anak ko huhuhuhu. Naglayas lang naman ako at bakit para niyo akong pinaupo sa silya elektrika? Bakit hindi niyo na pang ako patayin para mawala na yang galit niyo sa akin." Parang kinurot ang dibdib ko na nakita ko siyang humahagulhol sa sulok. Inilagay ko lahat ng gamit nito sa maleta at hinila ko siya palabas ng hotel. Nasa kotse na kami ng mamataan kong nakapaa lang ito at napalunok ako ng laway.
Galit din ako Minerva sana naman ay intindihin mo rin sana ang nararamdaman ko ngayon na pinagtataguan mo ako ng maraming taon. Sobrang sakit din para sa akin at wala akong mapagbuntunan ng galit ko kundi sa aking sarili at nadadamay din kita.
Naalala kong binanggit ni MJ na magpapasalubong ito ng pizza sa ina nito kaya dumaan muna akong pizza parlor. Ayoko namang bumaba ito dahil nakapaa lang. Hanggang sa umuwi kami na walang imikan at sa napansin ko ay sobrang kapal ng talukap nito sa kakaiyak.
Pagdating namin sa mansyon ay bumaba ito kaagad at tumakbo papunta sa anak namin. Medyo matagal din silang nagyayakapan at panay ang halik nito sa bata. Bumaba ako at dinala ang pizza.
"Hey bud, want some pizza? Bring your friend along."
"Come on in." Sabi nito sa kaibigan na anak ni Jing at tumakbo sila papasok ng bahay na iniwan si Minerva. Sinadya kong hinaan ang biyas ko para hintayin siya pero paglingon ko ay kausap na nito ang Mommy Grasya kaya pumasok na lang ako at dumiretso sa kusina.
"Mommy mo yun?" Narinig kong tanong ng bata kay MJ.
"Yah. You're mommy's here too, right?"
"Ha? Hindi kita maintindihan eh."
Napangiti ako sa sinasabi ng batang babae at binigyan ko sila ng tig-iisang slice ng pizza.
"Wow. Salamat po sir."
"You're welcome." Bumalik ulit ako sa sala at nakita ko na lang na wala na sila mommy sa labas.
"Kevin." Napalingon ako kay lola na kakalabas lang ng kwarto nito.
"Lola."
"Di ba aalis kayo ngayon?"
"Ah opo."
Minerva's POV
"Sorry po ma pero hindi ko po alam na sumugod doon si Kevin at dinala ang mga gamit ko."
"Sundan mo ako sa study." Sabi ni mama at tumalima naman ako kaagad at sumunod sa kanya. Nakita kong pinapakain ni Kevin si MJ at ang bata ng pizza. Pagpasok ko sa study room ay nakaupo si mama sa mahabang sofa nito.
"Upo ka muna. Yung sinugod ka niya ay sinabi ko sa kanya, Wala akong magawa dahil desisyon yan ng anak ko. Ang magagawa ko lang ay baka pwedeng dito sa bahay ay iwasan mo na lang siya."
"Opo ma." Sagot ko na nakayuko.
"Bibigyan mo naman siguro ng pagkakataon si Kevin at si MJ na magsama ngayon di ba?"
"Opo ma."
"Good. Para hindi magtaka si MJ ay sabihan mo na lang ang bata na pupunta ka ng hospital dahil may ipapagawa ako sayo. Di ba nursong student ka?"
"Opo ma."
"You go to the admin and inform the personnel na isasama kita sa medical mission ko at hindi mo ito sasabihin kay Kevin." Napaangat ako ng mukha sa sinasabing mission ni mama Grasya. Ibig sabihin, malalayo ako sa anak ko?
"That is just one week mission para sa nasalanta ng bagyo sa Leyte... Let's start your training ground para sa internship mo ay hindi na bago sayo ang gagawin mo."
Great opportunity pero paano si MJ dito???
"Hindi naman po ilalayo si MJ ma?"
"Minerva, sa panahon ngayon kung gusto mong tanggapin kita ulit sa pamilya na to ay baka naman mag.focus ka sa magiging future mo? Bakit naman ilalayo ni Kevin ang bata kung andito naman si Mama?" Strikta si Mama Grasya pero sa kaloob-looban ko ay nagpapasalamat pa rin ako dahil ginawan niya ako ng paraan para magkasundo kami ulit.
"Ok po ma."
"You may go now."
"Salamat sa opportunity mama." Sabi ko pero hindi na ito sumagot at naintindihan ko na yun.
Paglabas ko ay nakita ko si Kevin at si Lola sa sala kaya lumapit ako para batiin si lola ng goodmorning.
"Saan ka nagpunta kagabi? Alam mo bang pinag-alala mo ako ngayon na wala ka pala dito sa bahay?" Sabi ni lola.
"Lola, nag.check in lang po ako sa hotel at nag inquire sa anong gagawin ko. Pupuntahan ko muna si MJ lola ha?"
Tumakbo ulit ako papunta sa anak ko at pinagpag ko siya ng halik.
"Thanks for the pizza mommy.".
"Daddy bought this. Hello, anong pangalan mo?"
"Isabel po."
"Hmmm ang ganda naman ng name mo. Friend mo si MJ ha wala kasi siyang kalaro.. Hmmm MJ may sasabihin si mama sayo. Makinig ka ng maigi. Okay?"
"Ok po."
"Aalis kayo ngayon para mamasyal."
"Hindi ka po sasama?" Malungkot na tanong nito sa akin at pilit kong ngumiti sa kanya at bumulong.
"Gagawa ng brownies at favorite food mo ang mama dahil cheat day natin ngayon. Gusto mo ba yun?"
"Really??????"
"Opo. So ligo muna tayo para fresh ka po?"
"Ok. Sure. Sabel, ayaw mo ba talagang sasama? Sama tayo please.. daddy, let's bring Sabel please." Nanigas ako ng malaman na nasa likuran pala si Kevin kaya to make an alibi ay kinarga ko si MJ.
"Sure. Sabel, magsabi ka muna sa mama mo na sasama ka sa amin para namam may kausap si MJ sa lakad natin."
"Ok po." Tumayo si Sabel at tumakbo itong lumabas ng kusina.
Dali-dali akong umakyat at pagpasok ay kaagad pumunta sa banyo para maligo na si MJ. Ok fine, kapag banyo ay hindi na naman namin mapapansin na maglalaro talaga kami ng anak ko sa bathtab ng mga bubbles na yan.
"I love you mommy." Sabi niya sa akin.
"I love you more po."
"Wag na po kayo mag-cry. Look at your puffy eyes. You're getting ugly."
"I misssssssss you so much kagabi po. Sobraaaaaa po kitang na-miss kung hindi ka ba umiyak."
"Hindi po. You told me to behave when daddy is here. I sleep early and did not asked for milk because I'm scared."
"Don't be scared. Daddy is such a good man and he loves you so much."...
"Yeah I know mama."
"Mama, are we not going back to our house?" Napatingin ako sa anak ko.
"Why? Don't you like here? Daddy is here, grandma, grandpa and lola are here."
"But you're not here." Tumingin ako sa kisame para mabara ko ang luha na nagbabantang lumabas.
"Because mama is working so hard too."
"How about school?" Napangiti ako sa kainosentehan ng anak ko kaya ginulo ko ang buhok nito na may bubbles..
"Mama's going to finish school too and next month, I am going back there to process my internship."
"Are you gonna tag me along?"
"Huh? Hmmm I'm afraid I can't do that. Kids are strictly not allowed in my workplace eh and don't worry, dad's here. Daddy and lola will cry if you go back with me in Seattle.."
"Can you promise to bring my Piccacho?" Aah ang life size piccacho nito na regalo ni John sa kanya last year.
"Of course, Piccacho already missed you so hmmm Mama's going to take Piccacho only if you behave well."
"Of course. I won't give you headaches."
"That's my boy. I love you."
"I love you too mama. Oh mommy, daddy said 'It's mommy.' " napatawa ako nang ginaya nito ang boses ng sarili nitong ama.
****** ******
Kevin's POV
Oo, masaya ako ngayong araw para sa anak ko na labis-labis ang tuwa habang nasa Enchanted Kingdom kami kasama si Jing at ang anak nito at ang mommy ko... Hindi naman pwedeng si Jing ang magbabantay sa dalawang bata kaya sinusulit ko na lang ang pagbabantay ko sa anak ko. Though bigla na naman akong nainis kanina nung paalis na kami dahil inutusan ni mommy si Minerva na papuntahin sa hospital. Hindi naman pwedeng hindi kami tutuloy sa lakad dahil sobrang excited na ng mga bata kaya ibinaba ko na lang siya sa harap ng hospital...
Pagkatapos namin sa Enchanted Kingdom ay dumaan kaming mall para bumili ng mga laruan ng mga bata at ilang mga gamit nito at least bilib na ako kay Minerva pagdating sa pag-alaga ng bata dahil talagang marunong itong magdala ng mga damit para sa bata at malusog namang tingnan si MJ. Bibong bata si MJ at hindi nito hinahayaang ma.out of place ang bata ni Jing na madalas tawagin nitong Ate Sabel.
Minerva's POV
Magrereklamo pa ba ako kung hindi madalas makasama ang anak ko ngayon? Sapat na sa akin na hindi nila ako pinakulong at inilayo sa akin si MJ. Kaya kahit anong utos ay gagawin ko at least makikita kong masaya ang nag-iisa kong anak. Pagkatapos kong magpa.affirm sa personnel para sa Voluntary mission ni Mama Grasya at Papa Jonas ay pina.comply kaagad ako ng ilang requirements at pina-fill in ako para sa mga may nag-absent. Ok lang at least hindi ko masyadong ma-miss ang anak ko kaya gabi na ako nakalabas sa personnel department. Nag-text sa akin si lola na nakauwi na daw sila mula sa buong araw na gala kaya dali-dali ako lumabas at nakita ko si Kuya Ben sa labas ng hospital kaya nilapitan ko ito.
"Kuya Ben."
"Pinapasundo ka sa akin ni Dra. Minda." Ngiting sabi ni Kuya Ben habang pinagbuksan ako ng pintuan kaya sumama kaagad ako..pero hindi pa pumasok si Kuya Ben dahil may kausap pa sa cellphone.
"Kuya Ben. May hinihintay po ba kayo?" Tanong ko.
"Ah si boss. May kinuha lang sa opisina nito hintay lang tayo saglit."
Napalunok ako ng laway ng ibig sabihin ba nito ay si Kevin kaya umupo ako sa pinakasulok na bahagi ng kotse. Eksakto namang tumawag si Tatay kaya dali-dali ko itong sinagot.
"Hello Tay."
"Oh anak, nakauwi ka na raw? Kumusta kailan kayo dadalaw dito? Miss ko na ang apo kong yun."
"Tay wag ka pong mag-alala. Baka dadalaw ako dyan pagkatapos ng Volunteer Mission kasama si Mama Grasya."
Naramdaman kong bumukas ang pintuan at pumasok si Kevin. Parang tinambol ang puso ko sa sobrang kaba at parang may paru-paru sa sarili kong tiyan dahil sa naramdaman kong tumingin ito sa akin. Tay, sorry pero kailangan ko pong makausap ngayon ng mahaba dahil natatakot ako sa katabi ko ngayon.
"Talaga?? Dadalhin mo ba ang apo ko?" Sa katunayan ay alam na ni tatay ang tunay na nangyari na nabuntis ako kay Kevin pero hindi niya alam na magkahiwalay kami ni Kevin.
"Hindi nga po tay eh. Bawal sa trabaho."
"Ah ganun ba. Ok lang.."
"Di bale dadalaw po ako dyan. Susurprisahin ko po kayo."
"Babalik ka pa ba dun sa pinag-aralan mo anak?"
"Opo. Kailangan ko pong bumalik tay, umuwi lang naman po ako dahil bakasyon pa po. Marami pang requirements para sa internship ko po."
"Hindi ka ba matulungan ni Kevin na dyan lang sa hospital?"
"Tay. Napag-usapan na po natin yan. Si Van po?"
"Heto nag-aabang talaga na makausap ka. Ibigay kita."
"Ate!! Kumusta naman ka??" Masiglang sabi ni Van.
"Ang ingay mo po, galing mo ng mag-bisaya Van. Nakakaiinggit ka po.".
"Oo nga eh. Asan ba si MJ para VC tayo. Miss na kita sobra ate."
"Miss ko na din kayo ni Tatay, Van."
Mahaba pang kumustahan at kwentuhan namin ni Van at hanggang sa naramdaman kong nasa mancion na kami at lihim akong natuwa dahil medyo hindi ko na napansin na andyan pala si Kevin sa tabi. Nauna itong bumaba at parang naiinis yata dahil deretso lang ang lakad nito at iniwan ako pero okay lang. Pagdating ko ay nasa kwarto na si MJ at nang malaman na tumawag ang tito ay naglulundag ito sa tuwa habang nakikipag-video call. Lumabas na ako at nagdala ng maisusuot sa kwarto ni lola.
"Hi po lola. Sorry ngayon lang po ako nakauwi la."
"Kumusta? You look so tired."
"Talagang inaantok na po ako pero bayaan niyo po muna akong masahiin ang mga paa mo po." Tumabi ako kay lola pagkatapos kong magbihis.
"You can relax now bukas mo na lang ako masahiin."
"Nah. Nasanay na din yata ang mga kamay ko na masahiin ang binti niyo po."
Tumawa lang si lola at tumabi ako nagsimula na sa masahe habang nagkwentuhan kami tungkol sa hospital.
Hours passed by....
Naalimpungatan ako ng bumibigat na yata ang braso ni lola na dumagan sa balakang ko dahil dito na ako natulog sa tabi ni lola kagabi matapos ko siyang masahiin. Inaantok na ako para bumangon at gusto ko munang bigyan ng pagkakataon ang dalawa sa silid. Wala akong pakialam kung nakakapanibago ang ambiance basta matulog lang ako ulit. I am so exhausted para mag-isip.
Teka...
Hindi naman kami nagyayakapan ni lola na matulog ah. Kinapa ko ang katabi ko dahil hindi ko naman makita dahil madilim. Maliliit na braso.
MJ??
Ah baka lumipat si MJ kagabi ng kwarto. Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko na gumanti din ng yakap sa akin baka mahulog pa ito dahil ako ang silbing napagitnaan nina lola at natulog nalang ako ulit.
Umusod ako ng kaunti baka naiinitan si lola but a strong arms suddenly draw me closer next to it's body again.
KEVIN???
Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug.
Abot-abot ang hininga ko
Imposibleng si lola ang nasa likuran ko dahil hindi naman ganito kalakas si lola. Nagkunwarian akong tulog baka magising si MJ at baka pagsabihan pa ako ni Kevin na ang sobra kong arte. Kumabog ng husto ang dibdib ko sa sobrang kaba. Paano ako napunta sa silid nito???? Promise hindi ako lumabas ng kwarto kagabi.
Napalunok ako ng maraming beses dahil sa sobrang dikit ng likod ko sa dibdib niya na alam kong nagba-boxer lang ito.
"Sleep, my queen." Paos na sabi nito sa taenga ko at bumibigat ulit ang paghinga nito tanda na tulog na ulit ito. Saan ko nga ulit narinig ang pangalan na yan?
Queen?? Maging sa pagtulog nito ay ang girlfriend parin nito ang iniisip gayung Ako ang niyayakap ng mahigpit?? E di sana pumunta siya sa girlfriend nito. Dahan-dahan akong lumayo sa pagkakayakap nito pero hinihila pa rin ako nito palapit.
Lahat na lang yata ng antok ko ay nawala dahil sa inis ko sa sarili ko. No hindi to pwede malamang pag magising ito ay sasabihan ako na minamanyak ko siya gayung hindi naman.
*****
Hindi ko alam kung anong oras ako bumangon. Basta hinintay ko lang na lumabas si Kevin at si MJ. Kanina pa ako gising at dito ako magaling dahil marunong akong magkunwariang tulog talaga.
Unang nagising si MJ at lumipat ito sa gitna namin ni Kevin na lihim kong pinagpapasalamat. Nagising din si Kevin dahil sa kakadaldal ni MJ, knowing my son, early bird palagi. Kahit tulog ang ama ay kinakausap nito na para bang gising. Hanggang sa sabay silang naligo sa banyo at lumabas para daw magkape. They're good buddy. Father and Son.
Bumangon na rin ako para lumipat sa silid ni lola. Naabutan kong nag exercise si lola sa harap ng malaking bintana.
"Good morning, lola."
"Good morning too hija. Anong nangyari sa mata mo? Kahapon pa yan namamaga. Come here."
Kaagad akong lumapit kay lola at hinawakan nito ang kamay ko.
"Po?"
"Namamaga. Umiiyak ka ba kagabi? Nag-away ba kayo ni Kevin ulit? You know it is not good lalo na kapag makikita ng anak nyong nagtatalo kayong dalawa. Please, wag kang umiiyak ng madalas hija. Baka iisipin ni MJ na kasalanan niya kung bakit ka umiiyak."
"It is nothing lola. Aside sa mahapdi siya ay hindi naman po siya masyadong masakit.. Dahil siguro straight na ang tulog ko." Palusot ko. Sino ba naman ang mag-aakala na mamaga pa rin ang mga mata ko ng ganito.
"Hmmm, dito ka muna at maliligo ako."
Matapos maligo ni lola ay kinunan ko siya ng blood pressure. Normal naman ang dugo nito kaya walang problema.
"Lola, mauna na po kayo sa baba. Maliligo po muna ako. Okay lang po ba na dito lang din ako maliligo para naman malamigan ang pamamaga ng mga mata ko?"
"Of course, take your time hija. Hindi yata ako naalala ng kulit kong apo dahil sa ama nito." She is referring to MJ, oo nga naman sobrang engrossed ng bata na makasama ang ama. Maging ako ay hindi ito nag-good morning sa akin. Una nitong nilapitan ay ang ama nito. Bayaan muna, bata eh.
"Lola, nag-sleep walk po ba ako kagabi? Di ba magkatabi tayo ng tulog kagabi?"
Ngumiti si lola ng matamis. I hope she always smiles like that. Walang inaalalang problema.
"Parang ganun na nga. Bigla ka na lang lumabas kagabi eh."
Ano???? Ibig sabihin kusa akong lumipat ng silid kagabi? Yuck nakakahiya pala ang ginawa ko? Nagpagitna pa ako kagabi sa kama. May pasabi-sabi pa ako na hindi ako magbibigay motibo? May pa emote-emote pa ako nang marinig ko ang ' goodnight, my queen' kagabi?
"Ah ganun po ba? H-hindi ko na kasi naalala na lumipat ako kagabi lola. Sige maliligo muna ako." Dali-dali akong lumabas ng silid. Nagmamadali namang paakyat sa kwarto ni Kevin.
My Queen.
Naiinis na naman ako ng maalala ko ang bulong nito kaninang madaling araw. Dumiretso na akong pumasok sa silid at dali-daling hinagilap ang bathrob na nakahanger.
********
Kevin's POV
What the...?
Napalunok ako ng maraming beses. I sneak on my buddy that bulge and ache for that woman who walk down the stairs. Busy ito sa kausap sa cellphone at hindi ko alam kung sino. For four long years, paganda siya ng paganda. Sobrang kinis ng balat nito na sarap dilaan. Lunok. Sobrang sexy nito sa suot na backless na kulay asul at itim na bulaklaking shorts. Magulo ang pagkapusod ng buhok nito but I found it very hot. Pero naiinis pa rin ako sa kanya.
Tulad pa rin siya ng dati na heavy sleeper. Hindi basta-basta nagigising kapag binubuhat. Napangiti ako ng maisip ko ito kagabi. Tulog na si MJ sa kama. Oo na Sabik na sabik ako sa anak ko kaya tumabi ako sa kama habang hinihintay kong bumalik si Minerva dito sa silid naming mag-asawa. Galit ako sa kanya pero mas magtataka ang anak namin kung bakit nakabukod ang ina nito.
Nagising ako na hindi pa rin siya bumalik. Is she cheating on me? Dali-dali akong bumangon para hanapin ko siya at baka naglayas na naman ito.
Paglabas ko ng silid ay patay na ang lahat ng ilaw sa ibaba so I assume na hindi pa siya lumabas sa silid ni lola. Pagpasok ko naman ay nakahiga na siya sa tabi ni lola. Iniiwasan ba niya ako? Not this time. Maghihiganti pa ako. May plano pa ako.
"Apo? What are you doing here?" Gising pa pala si Lola.
"My wife is here, la. Andun ang anak namin sa silid namin and yet she's here? Nagigising si MJ na hinahanap si Minerva para mayakap."
"Apo, huwag mo sanang saktan ng todo si Minerva. Ginawa niya lang ang mga bagay para deserving siya sa pamilya natin."
Napalunok ako sa sinasabi ni Lola.
"She loves you, apo. Ilang beses mo siyang sinaktan noon. Hindi niya sinasabi sa akin ang katotohanan but I know everything, still hindi ka niya sinumbatan. Gumawa ka ba ng paraan para man lang sumaya siya bilang asawa mo? Noong nasa Seattle kami, alam kong nahihirapan siya bilang single mom. Aral sa umaga, ina sa gabi, but I didn't hear any complain---"
"That's not true lola. Humingi ako ng pagkakataon sa kanya pero iniwan niya ako. Hindi siya makakaranas ng ganun kahirap kung nanatili siya sa tabi ko. She chose it at ang paglihiman ako ang talagang nagpapagalit sa akin. Marami kayong pagkakataon na sabihin sa akin ang totoo oero wala ni isang salita ang lumabas sa labi niyong dalawa." Binuhat ko siya para dalhin sa kabilang kwarto.
"I understand her. I hope you will, someday."
"Goodnight, la."
"Good night Kevin."
Ilang beses kong iniisip ang sinasabi ni lola habang pinagmasdan ko si Minerva. Ilang beses akong nakawitness ng mga babaeng nanganganak sa delivery room sa ospital but I didn't have the opportunity to be with her during her labour. Gaano niya kailangan ng tulong ko nung manganganak siya sa anak namin. I wasn't there during her prenatal check ups, when MJ was sick, during his check ups, when she was still sore. I lost all those chances because she left me all behind.
Still, she is my wife and my only queen. Foreplay lang naman namin ni Queenie ang nangyari dun sa airport.
Ilang oras pa at hindi pa ako dinalaw ng antok. Ninamnam ko lang ang makatabi ko siya sa kama. Siguro kung wala pa si MJ ay matagal ko ng ginising ang babaeng to. Naramdaman kong nagising ito at kinapa ang katabi nito. Alam kong nabigla ito nang akma itong umusod ay hinila ko siya. I like this position. I can feel her butt pressing me down there.
"Goodnight, my Queen."
******
Napakurap ako sa naisip ko kagabi Hindi rin ako makapaniwala sa sarili coz I've been celibate for all this years dahil ayokong magkasala ulit sa marriage na 'to na minsan ng nawasak dahil sa katangahan ko. But punishing her is not yet done. Galit pa rin ako at gusto ko pang maghiganti.. Galit ako sa kanya na sinusundo na nga ni wala man lang thank you? Talagang umiiwas ito sa akin at buong araw akong naiinis dahil hindi ito kasama ni MJ... Though naiinis at galit ako sa kanya ay kailangan pa rin siya ni MJ.
Shit. I hate you work. s**t you
__________end of Chapter 15__________