Chapter 14

3847 Words
Kevin: Titig na titig ako kay Rom na naglalaro sa cellphone ng ama nito habang kumakain ito ng ice cream at kumakalat na sa mukha na ang kinain nitong ice cream. "So what's the surprising call at nangangailangan ka ng kausap? Wala ka bang duty at andito ka para makita lang si Rom na kumakain?" Alam kong nagbibiro lang si Harold kaya napatawa ako sa sinasabi niya. Hindi ko alam paano ko sasabihin kay Harold ang lahat. "Where's Aya?" Bigla ay nagbago ang timpla ng mukha nito at inirapan ako. Bakit ba napaka-overacting ng lalaking ito kaya napangiti ako. "Unless you wanted a death wish? Hinahanap mo ang asawa ko?" Bulong nito para hindi marinig ni Rom. "No. Gusto ko kasing uminum at alam mo namang bawal dalhin ang anak mo."  Anyway, Rom is their second child. Oh di ba? Ang bilis lang nitong makabuo ng supling? Hindi nalalayo ang edad ni Rom sa bata na nasa bahay. She called him MJ so I assume that it was the name. "Awh, papunta na si misis dito kasama si Guia. Bakit parang seryoso mo? Mag-aasawa ka na ba ulit?" Napatawa ako sa sinasabi niya. As if. Kababalik nga lang ng misis na yun. "Stop joking." "Love." Kaagad napalingon si Harold sa babaeng kakapasok lang at hawak kamay nito ang batang maldita na si Guia. Well that's a compliment na maldita si Guia, I've never seen such a kid na marami ng alam at alam kaagad paano protektahan ang sarili sa mga taong nananakit sa kanya. She's a bright kid. Gusto ko rin magkaanak ng babae. "Mommy." Napatingin ako kay Rom na masayang sumalubong sa ina nito at kinarga naman ito kaagad ni Aya. "Love, wag ka masyadong magpapagabi...at pinapakain mo na naman ng ice cream ang bata." "Umiiyak na kasi love. Don't punish me later baby.  I love you all, mag-iingat kayo sa pag-uwi." "Yeah. Kevin, wag ka masyadong naglalasing ha. Wag mong idamay ang asawa ko." Sabi ni Aya at nag-thumbs up lang ako. Tumingin ako sa ibang dereksyon ng humalik pa si Harold sa asawa nito. Hahaha we're in the same status na may asawa pero magkaiba kami ng kulay sa buhay dahil sobra na nilang colorful at saya. Nakakaiinggit yun. Pagkaalis nila ay lumipat kami kaagad sa Scenario at doon nilunod ko ang galit ko kay Minerva... "She's what??? She's back?????" Gulat na tanong ni Harold pagkatapos kong sabihin na bumalik na si Minerva sa bahay. "Yeah. With my son." Inisang lagok ko ang tubig ko este ang alak ko at kaagad sinalinan ang baso ko. "You got a kid with your surrogate wife?" Parang nagpanting ang tenga ko sa sinasabi niyang Surrogate. Bakit parang nakakagalit ang salitang yun? Sinabi ko yun kay Minerva at wala akong pakialam kung nasaktan ko ito dahil mas galit ang nasa dibdib ko ngayon pero hindi ko gustong marinig yun sa ibang tao. "He's a year older than Rom if I am not mistaken. " "Wow. Congrats bro. Hindi ka dapat malungkot. Celebrate it. What's the plan. f*****g s**t, I am so damn happy for you. Congrats, you have the right to celebrate with me during Father's Day. What's the plan?" "I am going to get my son. Kung maayos makikipag-usap sa akin si Minerva ay hindi kami aabot sa korte." "Ha? You mean, hindi kayo okay na nagbalik siya? come on, wag mo na la" "Why would I be happy for her comeback??? What's the reason? The f*****g hell would I do that? I hate her to my bones. The guts of her? Umalis siya ng walang paalam at pangalawa, she kidn*pped my son I can sue her." "Do you not love her anymore?" "Do I have to love a woman who broke her promises without a reason?" "Alam mo pare, idaan niyo muna sa usapan yan. May anak kayo at malilito ang bata kung bakit kayo naghiwalay. Come to think on the child's perspective. Walang ibang kawawa kundi ang anak mo. " "I don't know pare. Gusto ko siyang saktan pero hindi ko magagawa yun sa isang babae. She's still a mother of my kid at baka ayawan ako ng anak ko." "Weeh? Natatakot kang ayawan ka ng anak mo? O natatakot ka sa pagbabalik ni Minerva?" "Come on. Wala na akong feelings sa kanya pre. Kung naaawa man ako ay sa anak ko na. She's a total nothing to me." "No offense meant pero sasabihin ko na lang. Paano mo naman nasabing sa iyo ang bata? Baka naman iba ang ama ng bata bro? Sorry to say this pero baka naman may lalaki na siyang kinakasama." "With my grandmother around? Ang kapal naman? If you just saw the kid ay talagang kamukha niya ako nung bata pa ako." "Oo isa pa yang si Lola mo, paano kayo naloko ni Lola? She surely knows how to keep a secret baka mamaya niyan, triplets pala ang anak mo." "That's impossible. Hindi naman niya siguro dadalhin ang isa habang iniiwan din ang iba." "Umuwi ka muna at mag-usap kayo ng matino ni Minerva pare. Listen to her side first kung bakit ka niya iniwan." "Still I won't forgive her." "I can't do that to my very own wife pre. Malaki akong tao at maliit lang si Aya but I am proud to tell you that I am a complete idiot pagdating kay Aya. Under de saya kung baga but I love the feeling na under niya ako. I feel so much inlove with her the moment I witnessed how she carry Rom for nine months. Malay mo hindi rin niya ginustong umalis pero huli na ng malaman niyang buntis din siya pero pinaninindigan din niya ang pag-alis? Widen your thoughts about women pare lalo na sa asawa. I don't want to say this but what if... What if...  Muntik na siyang namatay during labor at nagbalik lang sayo ay ang anak mo wala na ang ina nito? Mananatili ka pa rin bang galit sa kanya?" "You were not in my shoe, pare. Nahihirapan din ako." "Well that's in your side bro. Isa lang ang solution dyan" "What?" "She already gave you an heir, I think settle the annulment na ang kasunod niyan? May kanya-kanya na kayong buhay e di quits na." "Annulment, that's already on my head. And I am going to talk to my lawyer tomorrow." "Yeah. Process it right away. Mind you this, ang bata ay hindi nakokontento kapag wala ang ina nito. Mas mahilig sa mommy ang mga bata lalo na sa edad ng anak mo. You have to swoon your kid first bago ka mag-isip na kunin mo siya. Mas attached yan sila sa kinalakihan nila kesa sayo na stranger pa rin. Ngayon maglalasing ka. Malay mo, hinihintay ka pala ng anak mo sa bahay mo para makipaglambingan sayo. Baka masama ang first impression niya sayo lalo na uuwi kang lasinga niyan." Sinipat ko ang relo ko at pasado alas nuwebe na ng gabi. Napatango ako sa advice ni Harold. Ano ngayon kung uuwi akong andun pa si Minerva? Wala akong pakialam kung saan ito matutulog ngayong gabi basta sa akin katabi ang anak ko. Tumayo ako at ngumiti kay Harold. "Galing ng advice mo ah. I think I should go home first." "Gee, wag mong ipakita sa bata kung mag-aaway kayong dalawa." Sabi niya at sinigurado ko talagang itanim ko sa utak ang advice niya. Mansyon: Sharp 10 na ng makarating ako sa bahay at sa labas pa pang ay maririnig na ang tawa ng bata. Gising pa pala ito? Naramdaman ko sa ka.loob-looban ng puso ko ang tuwa. Hindi nila ako napansin ng pumasok ako. Bibo siyang magsalita sa lolo't lola nito. Hindi pa niya ako nakilala at nakita dahil tulog ito ng sinundo ko sila kanina kaya paniguradong iisipin niyang isa lang akong estranghero. "Hi." Sabi ko at nanlaki ang mga mata nito na naglalaro ang tuwa at kaagad itong tumakbo itong tumakbo palapit sa akin.. "Daddy." Tanging sabi nito at parang kinurot ang dibdib ko as I meet him halfway. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak. "I miss you so much daddy and I love you too.." Sabi nito. "I miss you more. You've grown up so great huh? How did you know I am your daddy boy?" Kinarga ko siya at umupo ako sa couch na nasa kandungan ko lang siya. "Come on dad. Mama and lola has your pictures. Sabi ni Mama, she stayed with the superheroes dahil you saves lives.. lola, grandma, grandpa and daddy .so gusto doctor din ako and mama will soon become an assistant superhero too." Lihim kong tinignan ang paligid at hindi ko nakita ang presensya ni lola at ni Minerva. Baka, magkasama na naman ang dalawa. "Assistant Superhero? why?" "She'll become a nurse soon daddy. She will assist you, so she's an assistant superhero." Napangiti ako sa anak ko sa pinagsasabi niyang mga superhero. "Are you hungry?" "Hindi pa. But I am tired.." Bumaba ito at hinila ako para pumunta sa silid namin. "Say goodnight to grandma and grandpa first." Sabi ko at tumakbo ito pabalik at humalik sa kanila then run again. Hindi yata naglalakad ang anak kung ito. Well, he's still a kid. Pagdating sa kwarto ay nagkalat sa sahig ang mga gamit. Actually, organized siya pero sa sahig nga lang nilalapag ang mga gamit nito. Dumiretso ito sa kama but one thing caught my attention. Pinulot ko ito at dinala sa kama. It was wallet size picture of MJ showing off his two frontal teeth happily smiling at the camera and his mommy carrying him and sweetly look at the camera. Napalunok ako ng laway at pilit kinalma ang sarili ko. Medyo gabi na at hindi ko napansin ang ina nito. Nagtatago nga ito sa palda ni lola. "Son, what's your full name?" "I'm Miguel Joon Diaz Montero and I am three years old and I live in -----, Seattle." "Do you want to stay here with daddy?" "Of course daddy. I'm sure mama will be too happy to hear that." Hmmm, wala naman sigurong masama kong itatanong ko sa anak ko ang posibilidad di ba? "Back in Seattle, do you happened to have a new daddy?" Kaagad itong umiling-iling at napabuga ako ng hangin. "Don't tell mommy about that okay?" "Ya sure." "You go to sleep now." "...but I miss my mama." Kumunot ang noo ko. Ibig sabihin nagising ito na hindi alam ni Minerva? "It's mommy." Sabi ko sa kanya. "You're mommy is tired and she needs some rest too." Tumahimik lang ito at yumakap sa akin. Okay fine iintindihin ko muna kung nakatulog na ito na hindi napansin ang bata na nagising. It was a long flight indeed malamang na sobrang pagod ng katawan nito kaya kailangan ko na ring patulugin ang bata. "I'm going to buy toys tomorrow with grandma, daddy." Sabi nito na nakapikit na. "Really? Then you sleep ahead and wake up early tomorrow lil bud." Sabi ko and sing him some lullaby. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko ito naranasan pa. Binigla lang ako ng pagkakataon. Tinitigan ko ang mukha ng anak ko and kiss his forehead. "You're way too mature for your young age. Don't grow too fast a'right?" Bulong ko sa kanya pero hindi na ako nakakuha ng sagot sa kanya. Bumangon ako at nagbihis ng tshirt and wore my boxers at nahiga na sa kama. Kinuha ko ulit ang picture sa tabi ng kama at hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil kahit papaano ay nasa mabuting kalagayan ang dalawa. She's glowing and she's pretty and... She look so hot momma. Harold scared me. Bumalik sa isip ko ang sinasabi niya, what if she died during that time? How am I supposed to accept that? Tumingin ako sa kisame, wait.. hindi naman niya nakita ang mukha niya diyan, right? Oh s**t, I need to repaint that tomorrow first thing in the morning. Pag nakita niya yan iisipin pa niyang hindi pa ako naka-move on sa aming dalawa. "Minerva, you've gone too far and I can't find some answers on how to forgive you this time. Nagagalit ako dahil mag-isa mong inako ang responsibilidad na pwede ko namang gampanan. You're stepping my ego. " Inilagay ko sa wallet ko ang picture ng mag-ina at bumangon ulit. Patay na ang lahat ng ilaw sa sala kaya dali-dali akong bumaba at dahan-dahan akong pumihit sa doorknob ni lola. Pero naka-lock yun. Is she that scared? Nakakahiya namang maghanap pa ako ng spare key kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko at natulog.                  ******    ****** Quarter to five a.m. at gising na ako. Tulog mantika pa ang nasa tabi ko kaya pumunta ako sa kabilang kwarto and start my workout. Ayokong tumaba at mukhang pangit. I need to burn some fats nakakahiya naman sa kasama ko mamaya. Hindi kay Minerva ha, kundi sa anak ko. Sasama ako sa anak ko today. Bahala na si Minerva kung sasama ba siya o hindi. It is better kung hindi muna para may time naman kami ni MJ. Exactly 6 a.m ay lumabas na ako at wala na si MJ sa kama kaya naligo na ako kaagad. No duty for today dahil lalabas kami ni MJ. Kailangan kong lumaan ng oras sa kanya. Pagbaba ko ay nakita ko sila na nasa hapagkainan.   "Kev, what do you think of this high chair? I asked my friend to deliver this first thing in the morning at dumating na kaagad." Sabi ni mommy. "Wow. Do you like that bud?" "Yes daddy." "Good morning la." Bati ko kay lola. "Morning." Dumiretso ako sa counter para gumawa ng sarili kong kape sa coffee maker. Hindi ko na naman napansin si Minerva, kagabi pa ito wala sa paningin ko. Did she takes it seriously na iiwas siya tuwing makikita niya ako? "Si Minerva la?" Tanong ko pagkaupo ko dala ang kape ko. "Lumabas." sagot ni lola kaya umangat ang kilay ko. "Ang aga naman. Hindi man lang niya pinuntahan si MJ??" "She works----" -MJ "MJ darling, excited ka na ba para mamili ng toys??" Napatingin ako kay mommy na kaagad binara ang sinabi ng anak ko. Is there something's wrong na hindi ko alam? "Yes grandma. Can we wait for mama too? I miss her already, she promised to buy me pizza last night." Binaba ko ang kape ko. "What did you say? Where's your mommy again last night?" "She said she had to work para bili ng milk." Alibi. That's purely an alibi. Ibig sabihin kagabi pa ito umalis ng bahay? Ni hindi man lang iniisip kung okay ba si MJ sa mga tao na nakapalibot na ngayon niya lang nakita? "Kevin, did you send her off?" Mahinang tanong ni daddy para hindi marinig ng bata kaya nangunot ang noo ko. "MJ, can you please get my vitamins on my room darling please?" Sabi ni lola at kaagad naman itong kinuha ng kasambahay para makababa sa high chair ang bata. "Sure thing lola." At tumakbo ito. "Bakit mo hinahanap ang tao kung ikaw mismo ang nagpapalayas?" Sabi ni lola. "Yeah it's true I said that pero hindi man lang niya iniisip kung okay ba ang bata na mag-isa dito sa bahay. Bakit hindi ba niya anak si MJ para umalis siya ng walang pag-iisip?" "Kevin, you send her off? Ni hindi mo man lang iniisip na dilikado na sa labas ng subdivision? At least man lang, pinatulog mo yung ina ng anak mo dahil sobrang layo ng byahe nila? Nakakapagod kaya yun.." Saan ko hahanapin si Minerva ngayon??? Paano kung napahamak ito sa daan kagabi?? Paano kung may siraulong---no. Kaagad akong tumayo at pumanhik. Sa loob ng kwarto ay wala nga dun ang maleta na nakita ko kahapon. "Kevin." Lumingon ako at nakita ko si mommy na may dalang brown envelope. "What's that?" Kaagad kong binuksan ang envelope at hindi ako bobo para hindi maintindihan ang laman nun. "Para saan to?" "Son, listen. I know, hindi mo magugustuhan ang ginawa ko pero I am protecting this family Kevin at sa tingin ko kailangan na nating kausapin ang attorney natin. I sent her off last night at wag mo na siyang hanapin. Look nasa atin na ang anak mo---" "Wait ma. Anong sabi mo? Pinalayas mo siya kagabi??? Ni hindi mo man lang iniisip kung anong mararamdaman ng anak ko kung wala ang nakasanayan nitong kasama sa bahay??? Saan mo siya dinala?" "Kevin please!" "Ma, this is my damn problem! Bakit ka nakikisawsaw?" Pak!!! Sapo ang mukha ko ng bigla akong sinampal ng ina ko dahil sa sagot ko. "As much as I wanted her to stay pero hindi!! Ayokong nasasaktan ka dahil sa kanya dahil iniwan ka niya. Alam mo ba kung anong naging naranasan mo ng bigla siyang naglayas noon? Ayokong maulit yun. Higit sa lahat ayokong makita ng apo ko nag-aaway kayo dito sa bahay. So I have to send her off para hindi kayo nag-aaway dito." "It's my own problem to deal with ma. Ako lang ang dapat nagpaparusa sa kanya. Hindi kayo." "Kevin. Do you think papayag ako na ganyan ka? Lalayo ang loob ng anak mo sayo kapag mapansin niyang inaaway ang mommy nito." "What the fck Ma Grasya! Gusto mo bang kaming tatlo ang aalis sa bahay nato para gusto mo ng tahimik? Annulment???  Superhero indeed. Ni hindi mo man lang kinausap yung tao na baka pwede pang maayos ang pagsasama namin?" "Kevin." "Ibalik niyo dito ang ina ng anak ko kung ayaw niyong kami mismo ni MJ ang lalabas sa bahay na to para hanapin ang ina nito. Stop treating me like an idiot. Ginawa mo akong walang kwentang tao. Malaki at matanda na ako para mabigyan ko ng solusyon ang problema namin ni Minerva." "Kevin." "You're a wife too as well as a mom. Hindi kompleto ang araw ko kung lumaki akong wala ka na gumagabay sa akin. Isipin mo rin si MJ kung wala sa Minerva. Naghihintay ang bata sa sinasabing pasalubong ng ina nito. Wala itong bukambibig kagabi kundi mahal na mahal nito ang ina nito.. Kung may problema man kami, wala na kayo dun. Hindi ako nangangailangan ng kakampi." Sabi ko at umalis sa harapan ng ina ko. Pagbalik ko sa hapag ay kumakain pa rin si daddy, lola at si MJ. Wala na akong ganang kumain kaya inubos ko lang ang kape ko. "I'll let Ben fetch her." Sabi ni mommy ng sumunod ito sa akin at umalis din kaagad. Naghari na naman ang katahimikan sa amin dahil kay MJ. "I am sorry if I jumped into conclusion." Sabi niya. Minerva's POV Kababalik ko lang mula sa tindahan para bumili ng bagong simcard para matawagan ko si lola. Miss na miss ko na si MJ at halos hindi na ako makatulog dahil sa kakaiyak kagabi. Ding Dong TOK TOK TOK TOK TOK TOK napapitlag ako ng may nag-doorbell at malakas na katok ang nasa labas. Dali-dali akong bumangon baka may emergency sa hotel. "Bak--" Galit ang mga mata niya at walang paalam na pumasok sa unit ko at dumiretso sa kwarto. "Kevin. Anong ginagawa mo dito?? Paano mo nalaman na andito ako?" Hindi ito nagsalita kaya sinundan ko ito at parang wala lang na binalibag ang maleta ko sa gitna ng kama at ipinasok ang mga damit ko. "Kevin, ano ba?" Agaw ko sa mga damit ko. "Mayaman ka ba at may pambayad ka na ng hotel? May ibang lalaki ba na nakapasok dito?" Wala akong panahon para makipag-away sa kanya kaya tumahimik lang ako. Pagkatapos ay hinila niya ako palabas ng unit ko. Ni hindi ako nakapagsuot ng tsinelas. "Hindi ka pwedeng lalabas ng mansyon. Hindi ako bobo para maisahan mo ako." Galit talaga si Kevin at hindi ko alam kung bakit. "Bitawan mo ako!!" Pilit kong hinila ang kamay ko para maka-alis sa pagkakahawak nito at talagang umiiyak na naman ako.. "Umalis ako kagabi hindi para maglandi! Natatakot akong ipakulong at hindi ko na makita ang anak ko!." "Save that for yourself. Ni hindi mo man lang iniisip na buong gabii umiiyak ang bata dahil hinahanap ka?!?!?!" Singhal niya sa akin kaya natahimik ako. Sa pagkakaalam ko ay excited makasama ng bata ang ama pero kapag galit nga lang naman talaga palagi si Kevin ay paniguradong matatakot ang anak ko sa sarili nitong ama. "Ni hindi niyo man lang ako kinuha??" "Ni hindi ko nga alam kung saan ka nagtago?" "Tinanong ko sana kay Mama Grasya." Inis kong sagot sa kanya at tumahimik na ito. "Dinala mo na lang sana ang bata dito at kakausapin ko siya. Makikinig si MJ." "I don't need your explanation. Ang kailangan ko ay mapakalma ko ang bata." Pagbaba namin ay hindi ko na pinansin ang  mga tao na nakatingin sa akin na walang sapin sa paa at wala akong pakialam. Nag-alala ako para sa anak ko baka napaano na ito. Tahimik lang din kami lulan sa sasakyan. Daming pumasok sa isip ko. Isa na dun kung anong masasabi ni Mama  Grasya kapag nakita niya akong bumalik. Ah bahala na si Batman basta pinilit akong umuwi ni Kevin kahit sinasabi kong dalhin na lang sa akin ang anak ko. "Bibili muna ako ng pizza. Nangako ako sa kanya na papasalubungan ko siya." Sabi ko at bigla itong lumiko sa may kanto at after five minutes ay huminto kami sa isang pizza shop kaya kaagad kong binuksan ang pintuan pero naka.lock yun. "Kevin, buksan mo ang pintuan." "Lalabas kang naka-paa? Naka-pajama? Magulo ang buhok at wala pang hilamos?" "Ano ngayon? Lumabas nga ako kanina para bumili ng simcard?" Sabi ko at inirapan lang ako nito at bumaba. Kevin's POV "Ano ngayon? Lumabas nga ako kanina para bumili ng simcard?" Para akong nainis sa sinasabi niya. Bakit naman niya kailangang lumabas ng ganun ang suot niya. Ok fine nakapajama siya pero naka.fitted sando siya. Nagpapainggit ba siya sa ibang lalaki? Lalaki lang din ako at masasabi ko na parang hindi galing dun si MJ sa tiyan niya. Pagdating namin sa bahay ay nasa labas ang bata at nakikipaglaro ng habul-habulan sa isang batang babae. Ah anak yun ni Jing na dinala nito kapag Sabado. Tahimik lang na bumaba si Minerva bitbit ang dalawang box ng pizza at lumapit ito sa bata. Andito lang ako sa loob at pinagmasdan ang tatlong nilalang na masayang nagyayakapan. Damn, parang magkapatid lang yata ang dalawa. For Four years, malaki na ang pinagbago nito. She became a hot and sexy swan. Bakit bagay sa kanya ang ash gray na kulay ang hanggang beywang nitong buhok na ewan ko kung pinasadya bang pinakulot ang dulo ng buhok nito. Lalo itong pumuti. f**k it Kevin. Shut the f**k up. Hindi mo naman siya pinagnanasaan di ba? Fuck. I do.  Bago pa ako makapag-isip ng masama ay lumabas na ako at kinuha ang malita nito. "Kami na po sir." Sabi ng dalawang kasambahay. "Sa guest room po ba ito sir?" "No. Sa kwarto namin." Maya-maya lang ay pumasok ang tatlo at kumain ng pizza sa kusina. Nakikinig lang ako dito sa may hagdan kung saan makikita ko . Miss nga siguro ang ina dahil kumandong pa talaga ito sa ina nito at binibida sa batang babae. Fluent naman palang magtagalog ang anak ko at nakikipagsukatan pa ako ng english sa kanya kagabi baka lang naman hindi ito marunong magtagalog. "Mommy can we tag her along?" "Hmmm, itanong mo muna kay grandma. Hindi kasi makakasama si mama sa lakad niyo today." "Why?" "Hmmm busy si mama kasi so Have fun with daddy." "But.... Okay. You" Bumaba ako ulit at pumunta sa kusina. Anong kaartehan na naman nito at ayaw sumama. Napahinto ako sa paglakad ng mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Knight Lumabas ako ng bahay para doon na lang makipag-usap sa kanya. Akalain pa ni Minerva nagpaparinig ako sa kanya na may kausap ako. Babalikan ko na lang sila mamaya sa kusina at itanong kung anong drama nito at ayaw sumama sa amin ngayon.              End of Chapter 14
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD