Chapter 13

3391 Words
Limang araw lang si Lola sa Seattle at nakapag.decide na uuwi siya kasama kami ni MJ. Nagpapasundo siya sa driver sa airport na uuwi kaagad si lola pero bigla na lang akong naging kati-kati dito sa eroplano dahil tumawag si Kevin na ito na lang ang susundo kay lola dahil inutusan daw nito ang driver ni Lola. Mag-aalas kwatro pa ng hapon pero gusto ko ng biglang maglalaho dito sa loob ng eroplano habang nagsilabasan na ang mga pasahero. Karga-karga ko si MJ dahil natutulog ito dahil labing apat na oras ang byahe namin at hindi ito sanay kahit naman ako ay may jetlag pa rin ako. May nag-assist kay lola na stewardess pagbaba sa eroplano dahil hindi ko naman siya maalalayan. Si John naman ay gusto sanang sunduin kami dito sa Pinas pero may hearing ito sa kanyang client. Pahid ako ng pahid sa pawis ko kahit malamig naman ang panahon dito sa pinas dahil makulimlim. "Lola, hindi ako komportable. mag hotel na lang kaya kami ni MJ o ako na lang." Bulong ko kay lola. Tama naman, bakit naman ako uuwi sa bahay nila kung naglayas nga ako. "Hindi pwede. We have to take a rest hija at dun tayo. We can't escape Kevin forever.. andito rin lang tayo di ba? Haharapin na lang natin ang lahat para matapos na ang kinatatakutan nating dalawa." Kunsabagay tama naman ang sinasabi ni Lola. Hindi habangbuhay akong magtatago dahil malalaman din naman ni Kevin ang lahat. May nag-assist na rin na dalhin ang mga bagahe namin dahil marami rin ang dinalang gamit si MJ kahit drawing book ay dinala pa rin nito pasalubong daw niya sa ama nito. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin kapag malakaman ito ni KEvin. Itatago ko na lang kaya sa probinsya ang anak ko? Hindi. Excited si MJ na makita ang ama nito. "Lola, over here.!" Someone's familiar voice take my breath away. Nagtama ang mga mata namin at Galit ang rumehistro sa mga mata nito ng makita ako. Palipat-lipat ang tingin nito at sa batang karga ko. Pero hindi ko alam kung bakit parang piniga ang puso ko ng makita ko ang kasama nitong magandang babae. Matangkad ito. Layung-layo sa limang talampakang height ko. Hiwalay na kayo Minerva kaya kumalma ka lang jan. Humalik si Kevin kay lola pero nakatingin pa rin sa akin. Gwapo pa rin ito walang kupas. Matikas ang katawan pero may bigote nga lang na hindi yata naalala dahil siguro sa sobrang busy nito. s**t, lihim kong kinurot ang sarili ko sa pinag-iisip ko. Hindi makakabuti ito dahil wala na kami. "Lola, meet Queenie, my...  girlfriend. Queen, my grandma and my cousin, Minerva." Pilit na ngumiti sa akin si Queen nang edeadma lang ito ni lola. Pinsan pala ha. Sabi na nga ba eh parang hindi ko kayang umuwi dito dahil nasasaktan na naman ako. Kahit wala akong karapatang masaktan. "Hi. Anak mo?" Tanong nitong parang wala namang kwenta. Alangan namang pinulot ko lang sa tabi-tabi para kargahin pero tinanguan ko lang siya. Titig na titig si Kevin sa bata at galit naman ito kung titingin sa akin. Pagsakay namin ay kaagad akong nag-chat kay John kung ano ang gagawin ko siyempre. Nakita kong tumingin si Kevin sa akin mula sa rear mirror kaya todo iwas talaga ang mga mata ko. Ramdam na ramdam talaga ang tensyon dito sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung natatakot ba talaga ako dahil kabang-kaba ang dibdib ko ngayon. Tahimik ang buong byahe namin hanggang sa huminto kami sa isang malaking bahay. Tahimik lang si Lola sa tabi habang bumaba si Kevin para pagbuksan ang Queen niya. Napalunok na naman ako. Kahit pagbukas ng pintuan hindi nito kaya. Napatingin ako sa ibang dereksyon nang makita kong humalik pa ito sa labi. E di sila na ang inlove at bakit ba ako bitter. I choose this kaya wala akong dapat ikakagalit. "Lola. uuwi na lang ako kina Tatay? Natatakot po ako eh." Pinisil lang ni Lola ang kamay ko nang sumakay na si Kevin sa sasakyan. "Save an explanation, Dra. Montero when we're home. . Sobrang haba ng panahon na naloko mo din ako dahil sa manok mong yan." Sabi ni Kevin at Medyo mabilis na ang takbo nito pauwi sa mansyon. Naramdaman kong tahimik lang si Lola sa tabi. Hindi ito ang lola na nakilala ko. Hindi natatakot ang isang Doctora Luzviminda Montero. Kahit anong mangyari dito lang ako sa tabi ni Lola kaya pinisil ko ang kamay ni lola na nanlalamig din. Pagdating sa mansyon ay inalalayan pa nito si Lola. Sa kabilang pintuan naman ay ang driver nito ang umalalay sa akin. "Hand's off, Ben. Kaya niyang bumaba ng walang tulong mula sa ibang tao." Tawag ni Kevin. Ayaw man ay nginitian ko na lang si Ben at kinuha na lang nito ang mga bagahe mula sa sasakyan. Nangangawit na ako dahil talagang sobrang bigat ni MJ kaya dumiretso ako sa pagpasok ng mancion at nakita ko si Jing na sobrang gulat at maging yung ibang kasambahay na nandito ay nakiki-echos at gulat ng makita ako ulit. "Stop there, woman. Sa pagkakatanda ko ay hindi ka dyan huling lumabas nung umalis ka." Tawag ni Kevin mula sa pintuan nang papihit na ako sa pintuan ni Lola.  "Kevin, nangangalay na ako. Kanina pa tulog ang bata sa eroplano." "THE ROOM IS STILL THERE!" Galit na turan nito habang galit na tinuturo ang dating silid naming mag-asawa. Galit ang anyo nito kaya tumalima na ako kesa magising pa si MJ at iiyak na lang bigla dahil sa takot kay Kevin. Surprisingly, kung ano ang huling sulyap ko dito sa silid noon ay ganun pa rin ang hitsura nito. Maging kurtina na kulay pink na pinagtatalunan namin noon ay ganun pa rin. What made me astounded right here nang tumingin ako sa bubong ay isang malaking mukha ko na nakangiti. Medyo bata pa ang mukha ko. Ibinaba ko na si MJ pero bigla na lang itong humawak sa akin ng mahigpit at naghahanap ng gatas. Kaya dali-dali akong naghanap ng bote sa bag ko para magtimpla ng gatas. Hala wala pala akong dalang gatas dahil bawal sa airport. Teka anong gagawin ko? Tatawagan ko ba si John?  Hindi, aalis muna ako saglit. "Mama will buy milk muna ha? Lola is right there. Sleep ka muna ulit." Tumango naman ito at natulog ulit.  Pagbaba ko ay printing nakaupo si Kevin sa upuan at si Lola. "Kaninong bata yun, Minerva?" Buo at matigas nitong tanong sa akin at galit ito habang nakatingin sa akin. Gusto kong mag.collapse dahil sa sobrang takot at hindi ako mahanap ang boses ko. "Sagot!!!" "Kevin, baka pwede tayong mag-usap mamaya na lang? Kailangan kong bumili muna ng gatas. Hindi pa nakainom si MJ mula kanina." Huminga ito ng malalim at tumayo para kumuha ng pera bulsa nito. "Anong klaseng gatas. Si Ben ang uutusan ko, wag kang gumawa ng rason na takasan lahat ng tanong ko. Sit down right here baka ngayon mismo ay ipapakulong kita." Sabi nito. "Come here Ben, bumili ka ng limang lata ng gatas sa sasabihin ng babaeng yan. Nagugutom daw ang batang ninakaw nito." Nanlaki ang mga mata ni Ben at kahit ako dahil sa sinasabi ni Kevin. Tumalima naman si Ben ng utusan.  Napalunok ako ulit nang makita ko ang pagiging thoughtful ni Kevin sa anak niya at least, hindi nito dinamay si MJ sa galit nito sa akin. "Now, will that answer my questions?" "Apo,..." "Isa ka pa lola, for four long years kaya pala ang tagal mong tumira dun sa America because you know everything! You manipulated everything!  Kaya ba ibinigay mong bigla ang kayaman mo nung umalis yang babaeng yan?" "Apo, I am so sorry." Nakita kong umiyak si lola. Nasaktan ako dahil nasasaktan si Lola kaya lumapit ako kay lola at niyakap ko siya. "Kevin, wag mo namang ginaganyan si Lola. Ako ang may kasalanan ng lahat!" Sabi ko at hindi maiwasang hindi manubig ang mga mata ko. "Shut up!!! Malaki ang atraso mo sa akin. Wag mo akong susubukan baka sa isang iglap lang ay hindi mo na makita ang anak ko at ipapalasap ko sayo ang buhay sa kulungan. Want that?" Ito na nga ba ang kinatatakutan ko sa lahat ng bagay. Hindi ko mapigilan ang hikbi sa posibilidad na mangyayari. Kayang-kaya akong ipakulong ni Kevin anumang oras kung magagalit ito sa sagot ko. "Bakit bigla kang nagbalik, Minerva? Di ba nagtatago ka ng apat na taon? You dare to come here huh? What do you want?" "Kevin, I told Minerva tungkol sa sinasabi mong magpapakasal ka na kaya siya umuwi." "for what? I just said that dahil gusto kong sanayin ang sarili ko na wala akong asawa. you are the very last person na naisip ko na maniniwala sa sinasabi kong magpapakasal where I can't her para ma-annul ang kasal namin,. Good thing at naniniwala kayo, para maibalik sa akin ang anak kong masyadong matagal na yatang inaalagaan ng surrogate mother na ito." "Apo, don't do that to Minerva. She was still young at that time." "Umuwi ako para makuha ang kagustuhan mong ma-annul. Pwede ka namang gagawa pa ng anak Kevin. Please isipin mo na lang na patay na ako at hindi kami nag-exist.  Magpapakalayo kami ng anak ko para hindi kami maging sagabal sa pamilyang bubuohin mo." Just a blink of an eye ay nabasag ang center table na tempered glass nang suntukin ito ni Kevin. Nahintakutan ako sa nakita kong bubog na tumusok sa kamay nito. Si lola naman ay umiiyak sa tabi. "Apo, I am so sorry. Tell me what to do just you can forgive us.." "This woman is joking in front of me. Have you forgotten, woman?. Anak ko ang batang iyon at sa pagkakaalam ko ay baby maker  ka lang. Anong klaseng nilalang to lola? She is opted to stay away when the child is born but she took my son away. Hindi mo siya anak sa pagkakaalam ko. Ang sa usapan ay magbubuntis ka lang sa ANAK KO, sa tagapagmana  ko.. hindi ang itakas para ampunin mo. Don't worry, ma- annulled ang marriage natin but don't expect to get along with you for the sake of my kid. Pwede kang umalis pero iiwan mo sa akin ang bata. Itakas mo ulit ang bata at ipapakulong kita."  Napahikbi ako sa takot. Nangyari nga ang kinatatakutan ko. Nasa isip nga ni Kevin ang agawin ang anak ko. "hindi mangyayaring iiwan ko ang anak ko. Paano mo nasabing anak mo siya---" "I'm a doctor Minerva, baka ngayon din mismo ay ipapa-DNA ko ang anak kong yun at para matapon kita sa kulungan. Sinasagad mo ba ang pasensya ko?" Sigaw nito at nagkalat na sa sahig ang mga dugo mula sa kamay nito kaya hindi ko mapigilan ang maiyak ng todo.  "I am sorry Kevin." "Huh. Sorry????? Seryoso ka bang tatanggapin ko yan??? Ipapakulong talaga kita tandaan mo yan." Kaagad akong tumayo at lumuhod sa harapan niya. Gusto kong pigilan ang hikbi ko pero hindi ko mapara ang sarili ko. Natatakot akong malayo sa akin ang anak ko. "Please wag. Please. Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong ilayo sa anak ko." "You don't have a child cunning woman. Nagka-anak ka lang that's true. Okay fine, sa pag-alaga mo ng mahabang panahon sa kanya, you can visit my child occasionally, untile riuiitr we're divorce kung nasa trabaho ako hindi ka magbabantay, kukuha pa rin ako ng matinong yaya hanggang sa masanay na itong wala ka.. Hangga't andito pa ako sa bahay at wala sa trabaho ay wag na wag mong lalapitan ang anak ko. Don't treat him as your own. During my off, get yourself out of this house. You're good at it right? Find some ways na hindi ka madalas nakikita ng bata. Either you work or whatever." Napanganga sa sinasabi ni Kevin. Paano ko magagawa yun sa sarili kong anak? "Kevin---" "Unless gusto mo talagang ipapakulong kita. Hindi naman kita ka.anu-ano. wag na wag mong ipamukha sa akin na nagkaanak ako na wala talaga akong ka.idea na nagiging ama na pala ako ng mahabang panahon. Nagkaintindihan ba tayo?" Pinahid ko ang luha ko at marahang tumango. "I swear Minerva, hindi ko alam kong paano kita mapapatawad sa ginawa mo. Gusto kitang patayin sa ginawa mo, pasalamat ka dahil nagtitimpi pa ako.  You find your own place bumalik ka lang dito tuwing umaga kung gusto mo pang makita ang anak ko." Tumayo ito at lumabas na ng bahay saka pa ako napahagulhol at naramdaman kong yumakap sa akin si Lola. "Hindi ko kaya ang hiniling sa akin ni Kevin lola... Huhuhuhuh. Hindi ko kayang malayo sa akin ang anal ko. Lola, anak ko si MJ.... Napakalaking kahilingan na yun ni Kevin.." Some part of me regretted too much kung bakit ko pa dinala si MJ. Uuwi rin sa wala ang lahat. Mawala lang sa akin ang lahat wag lang ang anak ko dahil ikakamatay ko yun. "Lola, magpahinga muna kayo please. Wag mo munang alalahanin ang nangyari." "Okay ka lang ba dito?" "Opo. Doon lang ako magbabantay kay MJ." Tumayo si lola at dahan-dahan ang lakad nito papasok sa silid nito. Maya-maya pa ay pumasok ako sa silid kung saan natutulog pa rin si MJ. Lalo akong napa-iyak habang tumabi ako ng higa at niyakap ko siya ng mahigpit. "Ikakamatay ko anak kung kukunin ka ng papa mo sa akin. Sana hindi na lang kita dinala dito kung kukunin ka din niya sa akin." Nasa ganun kaming posisyon ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa dun si Mama Grasya. Napabangon ako at ngumiti sa kanya. Dali-dali akong lumapit sa kanya dahil na-miss ko din siya. Pak!!!! "Traydor ka. You almost killed my son dahil sa kagagawan mo ngayon nagbalik ka??? For what? Money?? Tinuring kitang tunay na anak pero ito pala ang igaganti mo sa amin?" Akala ko ubos na ang mga luha ko pero ok lang naintindihan ko kung magagalit sa akin si mama Grasya. Pinahid ko ang luha ko at nakikinig sa sinasabi nito. "Ma sorry. Ma baka pwedeng doon na lang tayo sa labas. Baka magising si MJ." "Lumayas ka." Sabi ni mama ng mahina at nanghina ang mga tuhod ko. "Ma. Sorry" "Wag mo akong tawaging mama dahil hindi kita anak." Umiiyak na sabi ni mama sa akin. "Lumayas ka o baka gusto mong hilahin kita palabas ng bahay?" "Mama?" Kaagad kong pinahid ang luha ko at ngiting lumapit sa anak ko na umiiyak. "Don't hurt my mama, please." Sabi nito na umiiyak kay Mama Grasya at lumapit sa amin si mama. "MJ, hindi niya ako sinaktan, paano mo yan nasabi?" "You cried." Yakap nito sa akin na umiiyak. Pinahid ko ang malalaking luha nito at hinalikan siya.. "Come on big man. Umiyak lang kami dahil miss na miss ko na ang grandma mo. Alam mo bang miss na miss ka na ni grandma mo? Sobraaaang bait ni grandma kaya wag kang nag-iisip na inaway niya ako" "Really?" Kaagad tumayo si MJ at niyakap siya ni Mama kaya pinahid ko ang luha ko habang mahigpit na niyakap ni mama ang bata. "I really don't know you've grown up well, my little boy." "You go back to sleep my little one. We must go out early tomorrow. You want some toys. I'll buy it as many as you want." "Is it okay, mama? Can I go out with my grandma tomorrow?" Masayang sabi ni MJ at napatingin ako kay Mama na blangko ang mukha nito sa akin kaya ngumiti lang ako kay MJ. "Syempre. Busy din naman si mama bukas. I'm going to look for a job para may milk ka po." Sagot ko. "Want some milk mama." Kaagad akong tumayo para bigyan sila ng pagkakataon ni mama at ang anak ko kaya bumaba ako para ipagtimpla ng gatas ng anak ko. "Ate!" Biglang kay yumakap sa likuran ko at nakita kong nakangiti si Jing sa akin. "Kumusta ka na Jing? Kumusta kayo dito?" Ngiting tanong ko sa kanya. "Ayos lang te. Na.miss kita." "Ako rin Jing." "Baby niyo ba yun?" Tumango ako sa kanya habang nilagyan ko ng tubig ang bottle ni MJ. "Sabi ko na nga ba eh sobrang gwapo at gaganda ng magiging lahi niyo ate." "Minerva, let's talk." Natigilan ako ng magsalita si mama sa likuran ko at kaagad umalis si Jing sa tabi ko. "Ma." "Quit that innocence, hindi mo ako madadala sa paawa." "Ma, patawarin niyo po ako ma kung nagawa ko yun." "Minerva, I am going to protect my son from you. Hindi mo alam kung gaano ako nagka-problema kay Kevin nung umalis ka tapos ngayon babalik ka? Process the annulment right away. I don't want to lose a son just because of you." "Mama, katulad mo bilang isang ina, hindi ko rin kayang mawala si MJ sa akin. Aalis ako kapag dala ko ang anak ko ma. Mag-aasawa naman si Kevin, makakabuo pa siya ng pamilya ma." "Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi ba at surrogate wife ka lang?" "Ma, nagawa ko pong iwan si Kevin dahil sinasaktan niya po ako. Kaya po ako umalis dahil gusto kong makapag-aral at para deserving sa kanya. Hindi naman po kasalanan--" Pak! Pumikit ako ng mariin sa ginawa ni mama. Naintindihan ko naman kung ganito siya kagalit dahil ina din siya kaya hindi ako magagalit kahit sasampalin niya ako ng maraming beses basta lang hindi makikita ng anak ko. "Leave. I'll send you to a hotel tonight, basta wag ka lang dito tumira. I can even offer you a job para Minerva please, ina ka rin ng apo ko, ikakamatay mo rin na makikitang nasasaktan ang anak mo dahil sa taong minahal nito. Dito lang si MJ dahil kung susubukan mong dadalhin ang bata ay ako na mismo ang magpapakulong sayo. Tulad ni Mama, I can manipulate this para hindi ka makita ng apo ko. Hindi naman ako magagalit kung dadalaw ka dito. I am protecting you too from Kevin. Masasaktan din ako kapag sinasaktan ka ni Kevin. Kahit pa gusto kong dito ka lang kasama ang apo ko, pero paano naman ang anak ko? " Marahan akong tumango at kaagad pinahid ang luha ko. "Okay po ma. Ibigay ko lang kay MJ ang gatas niya." Tumalikod ako at bumalik sa kwarto ng anak ko. Naabutan ko itong nakaupo sa sahig at naglalaro ng dala nitong mga laruan. "Hi, can I leave you for tonight with your daddy?" Pilit kong ngumiti sa kanya at nagulat ito sa sinasabi ko. "Already? But it's already dark." "Mama works day and night." "Okay. Can I please have a pizza when you come back?" "Of course. Makakalimutan ko ba yun?" Tumayo ito at yumakap sa akin. "I love you so much mama." Sabay halik nito sa labi ko. "I love you so much more baby. Come here, gutom ka na ba?" "No. Don't want to eat, I'm sleepy mama..." "Gising ka lang later and ask for food ni daddy. i have my night shift but if you miss me of course, you can call me anytime." Pagsisinungaling ko sa anak ko na may trabaho ako ngayon, ayokong makulong dahil sa takot na makalimutan ako ng anak ko.. "Ya sure but you have to rest first." Cute na sabi nito pero ginulo ko lang ang buhok nito. Humiga ito at tinanggap kaagad ang bote ng gatas nito. One thing na nagpapasalamat ako kay MJ, madali siyang makakasabay sa mga tao na nakapaligid sa kanya. Sinuklay ko ang buhok nito at hindi pa nangangalahati ang gatas nito ay natutulog na ito. Kinuha ko ang maleta ko baka papasok na naman si mama at magising ang bata. Lumapit ulit ako sa anak ko at hinalikan siya. "Babalik si mama ha." Ayokong magising ko pa ito kaya lumabas na ako ng silid dala ang maleta ko. Paglabas ko ay naghihintay na si Mama Grasya sa may pintuan at si Ben sa sasakyan. "ma..." "hindi ito malalaman ni Kevin na sa hotel ka natutulog... I can make an alibi. Bukas, let's process the annulment paper together. That's in our term.." "ma, huwag niyo pong ilayo sa akin ang anak ko." "Hindi ko ilalayo ang bata, Minerva but please do consider my feelings as a mother too. Ako ang bahala kay Mama, hindi ka pupunta dito hangga't andito siya. Ayokong umabot pa sa point na magkasakitan kayo lalo na't andyan ang bata.. kapag nalaman yan ng apo ko, isipin mo rin kung anong mararamdaman ni Kevin kung magagalit siya sa ama niya." Natahimik ako sa sinasabi ni mama at makasarili na ba ako kung ayaw kong bigyan sila ng pagkakataon? Ito lang ang pagkakataon na gusto ni MJ na makasama ang ama nito. I lied enough. "Ma, sorry." sabi ko pero hindi ako sinagot ni mama kaya lumabas at hinatid na rin ako ni Ben. __________end of Chapter 13__________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD