Kevin's POV
Bago pa ako nagsimula sa operation ay nagtext muna ako kay Minerva at kinilig pa ako dahil first time naming mag-text sa isa't-isa. Sana pala maaga akong nagising sa katotohanan na mahal ko na pala ang asawa ko. Panay pa ang I love you namin at hindi ako nagsasawa. Mag-isa lang ito sa bahay dahil kasama namin si Lola para sa check-up nito and was advised na kailangan ng mahabang pahinga.
"Hijo, sabay na tayong umuwi." Sabi ni lola na nasa couch nakaupo habang panay ang scroll sa cellphone nito.
"Ok la. Ok lang ba sayo na dito ka maghihintay? Hindi ko kasi alam kung ilang oras akong matapos sa operasyon ngayon."
"Of course. Papunta naman dito si Dr. Sy at may edi-discuss lang ako. Then we'll go upstairs to watch your documentation for today's operation."
Tumayo na ako nang pumasok ang assistant nurse ko.
"I'll go ahead la."
"Fighting."
Pagpasok ko sa operating room ay kaagad akong naghugas ng kamay at isinuot ng mga assistant ang surgical gloves at operating gown ko.
12 hours later....
Gabi na ng matapos ang dalawang operation namin. Sobrang sakit ng katawan at likod ko but worth it naman ang lahat dahil successful. Pagpasok ko sa office ko ay naabutan kong andun na si Mommy at Daddy para sabay-sabay na daw kaming uuwi. This is odd.
Bago kami umuwi ay nag-text muna ako kay Minerva na pauwi na kami at hindi ako nakatanggap ng text. Baka tulog na ito. It is good for her anyway, she looks good on her na nagkalaman na ang pangangatawan nito.
Pagdating namin sa garahe ay sinalubong kami ng mga kasambahay at may inabot ito kay lola, mommy at isa para sa akin na inabot sa akin ni Jing na naging kaibigan ni Minerva dito sa bahay. kaya binasa ko yun kumuyom ang kamao ko at takbong pumasok sa bahay at pumunta sa silid namin. Lahat ng ugat ko ay nanginginig sa galit habang binuksan ang cabinet at kaunti na lang ang natitirang mga damit ni Minerva dun at kadalasang naiwan ay mga whole dresses. Kaagad kong tinawagan ang number nito pero wala. Hindi ko ito makontak.
"s**t. MINERVA!!!!! MINERVA!!!! Minerva asan ka!" Tumakbo pababa at nasa sala na silang tatlo at tahimik na umiiyak si lola at si mommy. Nakita ako ang kasambahay sa labas.
"Jing, Nasaan si Minerva? Sagot!! Di ba magkaibigan kayo? Tell me is she?!!"
"Dok, hindi ko po talaga aaalam. Dali-dali po itong uuuumalis pagkatapos iabot sa akin ang sulat na ibigay ko raw sa iyo po." Iyak nito kaya binitawan ko ito at sinuklay ang buhok ko sa mga daliri ko ng paulit-ulit.
"Sinong kasama niya?"
"Hhhhiindi ko po alam dok. Pramis."
John tama. Tinawagan ko si John pero hindi ko ito makontak... So I tried to contact him thru VC and thanks goodness ay nag-ring ito.
"Hello?" Napaangat ang kilay ko dahil babae ang sumagot.
"Hi, may I speak to John?" I tried to sound calm baka babaan ako ng tawag nito.
"Yeah sure. Babe?, Someone's calling you."
Hinintay ko pang lumabas si John at maya-maya ay nakita ko na ito at bagong ligo ang lalaki.
"John, kasama mo ba si Minerva? Saan mo siya itinago???" Diretsahan kong tanong at para itong nagulat sa tanong ko.
"Hey man, relax. Anong alam ko? Nung isang araw pa ako dito sa Italy pagkauwi ko galing sa inyo nung isang gabi, binisita ko ang girlfriend ko dahil miss ko na ito at anong ibig mong sabihin na magkasama kami ni Minerva, you mean nawala si Minerva??? Nilayasan ka?? Come on, are you serious na naghahanap ka??"
Napabuga ako ng hangin sa sobrang galit.
"f**k you.."pinatay ko ang tawag dahil wala akong mapapala kung ipapaalam ko ito kay John. This is damn s**t. Saan ko ba siya hahanapin? Saan ba siya ngayon nagpapahinga at gabi na baka napaano na ito sa daan.
"MINERVAAAAAAA" Sigaw ko at wala akong pakialam kung marinig ako ng mga kapitbahay dahil makipagpatayan talaga ako kung may papalag sa akin. Sarap pumatay ng tao sa sobra kong galit ngayon kahit buo kong kalamnan ay nanginginig sa sobrang galit... Hahanapin ko si Minerva. Hindi ako titigil.
______________________________________
1 week later
Kahit saang lugar ko na siya hinahanap at may mga tauhan din akong binabayaran para mahanap ang asawa ko pero wala akong nakuhang magandang balita. At ngayon andito ako sa airport dahil hinatid ko si Lola. Lagi itong nakatulala kaya sinabihan ko siyang kailangan niya munang tumira sa bahay namin sa Amerika para magpahinga.
"Hindi ako sasama sayo dahil hahanapin ko pa ang asawa ko at ayokong malungkot ka lang dito habang iniisip mo ang babaeng yun. Sa oras na mahanap ko yun ay matinding parusa ang ipapataw ko sa kanya."
"Kevin. Magpahinga ka muna. Nangangayat ka na apo. Kung umalis man si Minerva ay bayaan na Lang natin ang batang yun... "
"She's my wife lola at kung napaano ito sa daan ay talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ano ang masasabi ni Tatay Melchor sa atin??!"
"Kevin, baka na.suffocate na sa atin ang bata. Alam mo naman ang nga batang ganun ang pinag-iisip. Mas makakahanap ka pa ng iba."
"She's still my wife."
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot dahil wala ako sa mood. Naghintay lang si mommy at daddy na dumating ang departure time ni lola, wala ako sa mood mag.emot kaya dumiretso na ako sa Scenario . Sa ngayon ay walang ibang laman ang utak ko kundi mahanap si Minerva at kung may iba man ito ay aagawin ko siya.
Minerva's POV
Seattle
"La. Kumusta na po si Kevin?" Tanong ko habang nagkakape kami dito sa kusina. First time ko makakita na umuulan ng snow kaya nagkakape kami dahil sa lamig. Kagabi pa dumating si lola at sinundo ko lang siya sa airport at siyempre dahil sa haba ng byahe ay hindi na kami nagkakwentuhan ng matagal.
"Ayon galit na galit. Muntik ko ng masabi sa kanya ang katotohanan dahil naging despeardo ito sa paghahanap sayo pero pinigilan ko lang ang sarili ko."
"Maraming salamat la. Tatanawin ko talaga itong utang na loob habang buhay. Kung okay lang sana sa inyo ay magpapart-time po ako habang wala pa pong pasok."
"No Minerva, you came here to study. Kahit mag-aral ka lang dito sa loob ng bahay buong bakasyon ay okay lang wag mong isipin yang mga trabaho dahil hindi kita papatayagan dyan. Malaman pa yan ni Kevin ay mayayari tayo."
Tumayo ako at niyakap ko si lola. Bakit ba ang bait ni lola Minda na hindi nakikita ni Kevin. Siya na nga ang pinakamabait na lola. Siguro dahil wala akong ina na kinalakihan kaya sobra akong attached kay lola at para ko na rin siyang tunay na ina.
"Go change quickly, bibili tayo ng mga susuotin mo dito. Ipapasyal muna kita sa mga lugar na gusto mong makita." Sa tuwa ko ay kaagad na akong tumakbo para magbihis.
Lumabas kami ng bahay na balot na balot ang katawan ko dahil hindi ko kaya ang panahon. Sobra talagang lamig at kailangan ko pang masanay.
Sa Mall na mapapasukan namin ay maraming pinili si lola para isukat ko at lahat ng nababagay sa akin ay binili niya. Mura sa head dress hanggang sa makakapal at mahahabang boots ay binili ni lola kahit pinigilan ko na siya. Daming pera ang nasasayang peri walang paki si lola kung ilang tindahan at ilang shopping bags na ang bitbit ko. Hanggang sa umuwi na kami na sobrang bigat ng dala ko.
Sa loob ng isang linggo ay masaya kami ni lola, binuksan nito ang library at namangha ako sa dami ng libro nito na related din sa mga trabaho nila. Ang yaman talaga ng mga Montero.
"Hija, maputla ka, may sakit ka ba?" Napaangat ang tingin ko at ngumiti kay lola.
"Mabigat po kasi ang ulo ko. Parang naninibago pa ako sa paligid la."
"Pansin ko nga. Nangangayat ka ng husto. Sensitive ka din sa mga pagkain. Sabihin na nating naninibago ka sa mga pagkain dito sa US. Or... Tawagan mo si Melchor kong miss mo na sila."
"Tapos na po. Nakausap ko na si tatay at sinabi kong mag-aaral na ako la."
"Hmmm. Wala bang balita na nagkita sila ni Kevin?"
"Wala po. May nagtatanong daw po sa kanya pero sinabi ko na sa kanya na wag e.entertain ang mga tao na yun."
Bigla ay hinawakan ni lola ang pulsohan ko at tinitigan ako sa mga mata.
"Answer me honestly, may boyfriend ka na ba dito sa Seattle?"
"Ha? Wala po. Wala nga akong kaibigan dito la."
"Bago ka umalis, may nangyari pa ba sa inyo ni Kevin?"
Uminit ng husto ang mukha ko at tumango kay lola...
"I've been a doctor for 50 years at hindi na bago sa akin ang hitsura mong yan, hija. Nagdadalang-tao ka."
"Ha??????" Para akong nabingi sa sinasabi ni lola. Di ba negative yung result na ginawa namin nung nakaraang buwan? Pwede bang magkamali yun???
"Yari na tayo nito kay Kevin. Pero sobrang saya ko. Magkakaapo na rin ako sa wakas.."
"La... Pero... Paano... Baka nagkamali lang po kayo."
Tumayo si lola at may hinalungkat sa drawer ng cabinet at inabot sa akin ang isang maliit na box.
"See for yourself." Sabi nito at pumasok ako sa banyo.
Pinahid ko ang luha ko habang tinitigan ang resulta ng PT. Double line. Kanina pa kumatok si lola at panay din ang sabi ko na ok lang ako at maya-maya ay lumabas ako at napahagulhol na yumakap kay lola.
"Lola.... Anong gagawin ko... Baka mapatay ako ni Kevin kapag nalaman niyang itinakbo ko ang anak niya. Huhuhuhuh"
Nanubig din ang mga mata ni lola at niyakap ako.
"Come on. Makakasama kay baby yan. Isipin mo munang mag-aaral ka pa. Don't worry hindi naman kita pababayaan."
"Natatakot po ako. Huhuhuhuh"
"Alagaan at palakihin mo ang batang yan. Anak niyo yan at hindi ka kayang saktan ni Kevin."
Paano ko ba ito masasabi kay tatay. Ayoko namang bigla akong umuwi dun at may dala-dala ng bata na wala siyang ka.alam alam si Tatay at natatakot din ako kay Kevin, mabuti sana kung hindi na kami magkikita muli at maitago ko sa kanya ang katotohanan.
"Lola, baka malaman to ni Kevin. Sa kulungan ako pupulutin kapag nalaman niyang nabuntis pala ako. Promise, hindi ko po talaga alam na magbunga pala yung nagawa namin bago ako umalis."
"Tahan na hija. As of now, hindi muna natin sasabihin kay Kevin kahit ako ay natatakot din ako baka magalit siya sa atin na tinulungan kitang makaalis." Meron na naman akong nagawang hindi pinag-iisipan ang mga bagay. Ginawa ko pang sinungaling si lola sa harap ni Kevin. Nadamay ko pa si John nung umalis ako at nagsinungaling pa ito sa girlfriend nito na dinalaw lang niya dahil miss niya gayung hinatid niya ako hanggang dito sa Seattle.
"Sorry po lola."
"Don't say that. You're just in time na bigyan mo ng tagapagmana si Kevin. Actually nakay-Kevin naman talaga nakapangalan ang will ko dahil siya lang ang apo ko. But the lil angel is here, I already set some of my asset for you and the baby. Thank you so much, Minerva."
Hindi ko masagot si lola dahil wala akong mahagilap na salita kung good news ba talaga ito o bad news kay lola.
Kevin's POV
Shooting Range:
BANG!
BANG!
BANG!
BANG!
"Tigilan mo na yan Kevin. Ganyan ka ba talaga kagalit kay Minerva at parang siya yang binaril mo?"
Tapik ni Harold sa balikat ko.
"Nasuntok mo nga ako noon dahil hinalikan ko yang yaya ng anak mo. Gayung ako hindi ko alam kung sinong susuntukin ko dahil hindi ko alam saan naglayas ang asawa ko. Hindi naman siya makakaalis ng bansa ng walang pagpapaalam kay Tatay at Van."
"I feel you, pero paniguradong matatakot sayo si Minerva kapag ganyan ka."
"Si Aya ba natakot sayo?"
Suddenly he scoffed.
"Of course, matapos tayong magrambolan sa Scenario para itong tinakasan ng kaluluwa dahil sa nakita niya."
"But I just can't forgive Minerva bro. Nilayasan niya ako. Para akong inutil dahil biglang umalis yung babae ko."
"Karma is real bro that's what my father said to me. Kung kailan tayo magseseryoso ay magiging huli pa rin dahil mas naunang nagising sa katotohanan ang babae bro."
Binalik ko ang baril at umupo at naisip si Minerva dahil ilang beses ko siyang pinakitaan ng sobrang nakakasakit sa damdamin niya.
"I missed her as well as I resent her this much."
"Calm down. Bayaan mo munang mag-isip si Minerva baka babalik yun next week."
Napapikit ako sa sinabi ni Harold at hindi ko mapigilan ang mapaiyak ako sa pinaghalong galit at pangungulila kay Minerva.
Minerva, please come back. Make it soon.
4 years later...
"Lola, kumusta po ang byahe?" Sabay halik ko kay lola at nagyakapan kami.
"Heto nakakapagod pero excited na excited na makita ang apo kong makulit." Sinundo ko siya dito sa airport para sa regular check up dito sa Seattle. For six months ay dito siya at six months after ay uuwi na naman siya. Mostly sa Christmas at New Year ay dito kami nagse-celebrate.
Ako na ang naglagay ng mga bagahe nito sa trunk ng sasakyan. Wala kaming maid dito sa ibang bansa dahil hindi naman yun kailangan. Kaya ko naman kahit nahihirapan ako noong una ko palang dito lalo na nung nagbuntis ako sa baby ko. Mabuti na lang at multiple entry si lola kaya nung nanganak ako ay siya lang ang meron akong mahihingan ng tulong.
"Bakit hindi mo dinala si MJ? Hindi ba niya alam na darating ako ngayon?"
"Excited na excited nga yung bata lola eh Nagkataong may final exam siya kay Teacher Jonie. Susunduin na lang natin siya dun, la."
Sa buong byahe ay tahimik lang si lola. Parang may gustong sasabihin ito. Baka mamaya na sa bahay. Lahat ng gastusin namin ni MJ ay sagot lahat ni Lola. Gusto kong magtrabaho ng part timer noon habang nagbubuntis ako pero ayaw naman ni Lola dahil ayaw niyang mapahamak ang baby. Nang malaman namin na buntis ako ay andito na kami ni Lola sa Amerika. Kaya walang alam si Kevin na may anak kami hanggang ngayon at hindi pa rin ako handa para magkita kami dahil paniguradong kukunin niya ang anak ko.
Pero masaya si Lola dahil kahit iniwan ko na ng tuluyan si Kevin ay natupad pa rin ang pangarap noon ni Lola na magkaapo mula kay Kevin. Si lola ang unang tao na malapit sa akin na nakakarga sa anak namin ni Kevin at lahat ng yaman ni lola ay nakay Kevin at ang personal savings naman ay napunta kay MJ.
Ngayon ay nasa 3rd year college na ako bilang nursing student at sa anim na buwan na pamamalagi ni Lola dito ay ako mismo ang private nurse niya. Masaya ako na inaalagaan ko si lola. Pagka-graduate ko ay hindi ako papayag na hindi siya ang kasama ko sa Graduation Rites. Gustuhin ko mang kasali si Tatay ay sobrang laking kahilingan na yun at mahal ang gastusin papunta pa lamang dito.
Pagdating namin sa bahay ay kaagad pumunta si Lola sa silid ni MJ. Nakangiti siya habang tinitignan ang mga pictures ni Mj na naka-frame at mga laruan nito na malinis nitong nilagay sa lalagyan.
"He is growing responsible."
"Yes lola. Ayaw ko sanang nagmamadali siyang lumaki pero parang nag-mature na si MJ, lola eh."
"He is a replica of his father, hija."
I remain silent. Hanggang ngayon ay parang may punyal pa rin sa dibdib ko sa tuwing iniisip ko ang ama ng anak ko.
"I guess he is happier with someone now." May bumikig man sa lalamunan ko ay isinatinig ko pa rin.
"I don't know. Bigla na lang siyang nagbago. He became so loner now. Very isolated person. He is so near to us yet he's so far. But I guess, you have to come with me this vacation."
"Huh? Bakit po lola?"
"He want an annulment hija. Sabi niya during our dinner ay pinapahanap ka pa rin niya not to have you back but to get married with somebody else. Magpapakasal na daw siya sa long term gf niya as soon as possible pero hindi ko alam kung kanino wala naman akong nakitang babae na kasama niya or pinakilala sa amin. Baka private relationship."
Annulment. baka naman si Stephanie. Bibigyan na nito ng kataposan ang marriage status namin. Walang gabi na hindi ko siya iniisip dahil mahal ko siya pero ginawa ko pa ring iwan siya kaya wala akong karapatan na hindi ibigay ang kagustuhan nito. Ayokong maging makasarili habang buhay dahil karapatan iyon ni Kevin.
"Hindi ba pwedeng si John na lang ang kikilos para sa akin lola?"
"Sa katunayan gusto kong magkabalikan kayo ulit at para mabuo ang pamilya ninyong dalawa lalo na may anak na kayo. Kung ayaw mo naman ay wag mong ipagkait sa anak mo ang pagkakataon na makita at makilala siya ni Kevin. The kid is a Montero at baka pagdating ng panahon ay magsisisi ka."
Huminga ako ng malalim. Mahal ko ang anak ko. Natatakot din ako na isipin na kamuhian ako ng sarili kong anak dahil sa pansariling interest.
"Natakot ako baka kunin niya sa akin si MJ. Ikakamatay ko po ang malayo ako sa anak ko lola."
"Anak rin ni Kevin si MJ hija. Humingi tayo ng tawad sa kanya baka hindi pa niya ilayo sayo ang bata. Baka maunahan niya tayo ay malaki ang kasiguruduhan na makuha niya si MJ hija."
"Pag-iisipan ko po lola. Alam ba niya na andito ako nagtatago lola?"
"No hija. Sa pagkakaalam ko ay wala siyang alam. Alam kong pinapahanap ka niya pero walang trace na umalis ka nung araw na yun."
Oo naalala ko ang araw na yun. Huling yakap ko sa kanya pero unang iyak na nakita ko mula sa mga mata niya.
"I am not here for my regular check up, hija. I am here to pick you up. You two should talk. Kung wala ng pagkakataon na magkabalikan kayo at least maayos kayong maghihiwalay. Hindi naman siguro ganun kasama si Kevin para kunin niya ang bata."
Tama naman siguro si Lola. Ang kinatatakutan ko lang ay baka ilayo niya sa akin si MJ dahil sa inaakala nitong baby maker pa rin ako para sa kanya.
Pagsapit ng oras ng uwian ni MJ sa school ay sinundo namin siya ni Lola.
"Lolaaaaaa." Tumakbo ng mabilis ang maliliit na paa nito palapit sa amin ni lola. Kahapon pa ito kating-kati na makita si Lola at ngayon masaya silang nagyayakapan. Hindi ko mapigilan ang luhang walang paalam na lumabas sa mata ko. "Welcome back, lola. I love you. Mama, let's go home. I have to cook my lola my specialty." Proud nitong sabi. Matagal nga nitong pinag-aaralan ang gumawa ng herbal cookies.
Excited na excited kaming umuwi sa bahay. Pagdating dun ay nagbihis naman ito kaagad at naghanda ng gagamitin sa cookies nito.
"Lola, my teacher asked me what I wanted to be."
"Oh really? Then what is your answer apo?"
"I told her that I wanted to become a professional doctor just like my papa. Right mama? The man in your phone?"
Napatingin ako kay lola na ngiting ngiti na tumingin sa akin habang nagbe-blend. Actually, kilala ni MJ ang ama nito pero hindi nito alam na nag-exist pala siya sa mundo. Gusto kong umiyak dahil guilty ako.
"Is that so baby? I thought you wanted to become a great chef?" Sabi ko sa anak ko.
"Nope. Not anymore. Lola, please tell papa not to work too much. He had no time to play with me. Si Tito John na lang palagi and Tito John is busy din po sa work."
"Maraming patient ang papa mo, apo. He is very busy, he saves life. So you have to help papa someday."
"Just like my classmate's dad. His father is working abroad. But it's okay, as long as I have mama with me. Di ba po mama. Love you." Na-cutan ako sa pinagsasabi nito kaya pinisil ko ang ilong nito.
"I love you too."
"Sa tingin ko apo magugustuhan mo ang plano ng mama mo."
"Ano po yun mama?"
"Gusto mo bang makita na si Papa mo?"
"REALLLY??? OF COURSE MAMA! Is he coming home now?? Can I play with tito Van? Is tito Van coming too?" patalon-talon pa ito sa sobrang saya. Ganun ko ba ipinagkait sa anak ko ang kasiyahan nito? Hindi ko naman narinig sa kanya ang tungkol sa papa nito. Hindi ko alam na umasa din pala siya kahit sa picture lang nito nakita.
Bakit naman hindi nito makilala ang ama e pinagbiyak na mangga ang dalawa? Si MJ kahit tatlong taon pa lang ay matangkad na. Sobrang puti nitong bata dahil ganito rin daw si Kevin noong bata pa, Mapusyaw ang balat.
"Why won't you start packing your things, baby? We'll have our vacation the day after tomorrow. Mama will be there later. Tatapusin ko lang 'to. " Tumakbo na itong lumisan sa sobrang excited at iniwan ang nagawang dough.
"Lola paano kung malilito si MJ bakit biglang nag-asawa ulit ang papa niya?"
"Hindi ko rin alam ang sagot hija. For now, give them the chance to be together. You see how much he care and hope for his father?"
"Siguro kailangan ko pa ring bumalik dito kapag back to school na lola."
"Yeah."
Babalik ako dito kapag pasukan na naman. Mabuti na lang at naka finals na si MJ. Ako naman ay ok na sa pasukan, may training na ako, hindi ko alam kung sino ang magbabantay kay MJ pagdating ng panahon.
Iba na talaga kapag isa ka ng ina. Isasantabi na ang personal mong kakailanganin dahil uunahin at uunahin ang anak.
Habang nagbe-bake kami ng apple cake at nagluto naman si lola ng ulam ay may nag-doorbell. Kaya binuksan ko ang pintuan at napangiti ako dahil andito ang mga pinoy at pinay friends ko pagkatapos kong e.text sa kanila na uuwi muna akong Pilipinas.
Natuwa din si lola dahil kilala niya pala ang mga magulang ng mga kaibigan ko....
"I never thought that Blast Parker is one of my granddaughter's friend. You're father is one my junior before."
"Good evening madam and it's my pleasure to meet you in person madam."
"Come in." Sabi ni lola at tumalima naman silang tatlo. Walang kawala dahil sabay-sabay kaming kumain ng hapunan at lahat ay na.interview ni lola.
"Saan niyo balak mag.intern this year?" Tanong ni lola.
"For me, just here. My mom won't allow me to go abroad." Sabi ni Sylvia.
"Yeah since she's a solo parent."
"Me too if Sylvia won't work abroad then I will look for a job here too. I can't leave my friend." At nagtawanan kami sa sagot ni Yul.
"How about you Blast?" Tanong ni lola.
"If given the opportunity, I would like to work in your big hospital. "
"Good. Then I'll recommend you." Napangiti ako dahil sa magandang balita at nag uphere kami ni Blast at nag-thumbs up ako sa kanya.
Pero hindi pa rin maitago ang kaba at takot. Kung ako ang papipiliin ay dito lang ako sa Seattle pero ayoko dito kapag wala si Lola at si MJ. Tighten your seatbelt, Minerva....
__________end of Chapter 12__________