Minerva's POV
Namangha ako sa pinasukan naming restaurant. Ang bonggang-bongga, ngayon lang ako nakapasok simula noong nasa poder ako ng mga Montero. Ang ganda ng mga ilaw, ang sahig na parang bawal talaga tatapak-tapakan ng naka-paa ka lang baka mag-iwan pa ng mga bakat. May chandelier na katulad ng nasa mansyon ang ganda. Lahat ng mga bagay at gamit ay puro original at mamahalin. May live orchestra sa gitna ng hall. Feeling ko nilalamigan ang likod ko dahil sa lamig na binubuga ng aircon.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong restaurant. Maging ang mga waiter ay bawal yata ang mga pandak at hindi pleasing personality dahil ang gwapo nilang lahat. Maging ang mga babae, ang tatangkad naman nila. Walang-wala ang kapandakan ko ngayon na flat five lang. Ang tangkad ko di ba? Hanggang balikat lang ako ni Kevin eh. Ang mga waitress para silang mga Miss Manila, ang tatangkad at ang gaganda nila. Nagpapatunay ngang hindi ako nararapat na dito kaain.
"May ganito palang lugar la?" Bulong ko kay lola pero si John ang napangiti. Sisikmurahin ko na talaga tong si John pag naubusan ako ng pasensya.
"Ano ngayon kung ignorante pa ako hindi naman ako nagpapahalata ng ganun ah?" Bulong ko kay John.
"You're not ignorant but innocent, Mine.."
Bigla akong pinamulahan ng mukha sa sinasabi nitong mine. Tse!
"Mine mo mukha mo."
"Hahahah, assuming ka talaga. Mine short of Minerva." Ganting bulong nito sa akin at napangiti ako sa hiya. Inirapan ko lang siya at kindat ang inabot ko sa gwapo nitong mukha. Lihim kong tinampal ang sarili ko dahil kinikilig ako. Babae din naman ako at kung wala lang kaming kasunduan sa mga Montero ay malamang single na single pa ang status ko.
Inalalayan si Lola ni John habang may lumapit naman sa akin at inilahad ang kamay. Nakakahiy
"This way, maam." Maginoong sabi ng isang lalaki at napatingin ako sa kaya. Naku ang gwapo niya. Kung andito lang si Kevin ay itotodo ko talaga ang ngiti ko para makita niyang deserving din akong magkagusto ng lalaki...
"You are so lovely, maam." Alam kung puri yun ng waiter sa akin kaya ngumiti lang ako sa kanya.
"Salamat."
Ipinaghila pa niya ako ng upuan, ang bait naman niya. Naks. at kahit ganito ay na-appreciate ko ang kilos nito sa mga customers. Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto kahit ganito lang na gestures nila ay talagang ma-appreciate mo. Kilalang kilala na yata si Lola dito dahil nag bow ang mga waiter at mga waitresses sa amin at binabati si lola. Nakakahiya namang tanungin kung kaninong restaurant tong pinasukan namin.
"What's your order hija?" -si lola at tinignan ko ang nasa menu at dinugo na ang ilong ko dahil wala akong maintindihan sa menu. Puro masasarap ang pangalan pero lahat din ay hindi ko pa nakain o natikman man lang pero hindi ko yun kinakahiya.
"Lola, wala po akong alam sa mga pagkain dito. Kayo na lang po ang bahala basta ice cream po ang dessert ko po at saka may lechong paksiw po ba?" Mahinang sabi ko sapat na para marinig yun ni lola.
Napangiti si Lola, nanlaki naman ang mga mata ni John at ngumiti.
"You like lechong paksiw?" -John
"Yes they have it hija." -lola
"Bayaan mo muna ngayon lang ako makakain ng ganyan eh." Bulong ko kay John para walang makakarinig at bigla itong pinamulahan ng mukha.
"Ay ako na ang bahala sa order ni Minerva lola." Sabat ni John
"Ok hijo, you're Such a gentleman."
At pumili na si Lola at si John. Ang sosyal ng mga pagkain na binanggit nila at kung ako lang ang magbabasa ay katawa-tawa akong pakinggan. Nakakatakam namang isipin lalo na sa mga pangalan nitong mga sosyal at kumilos naman ang waiter.
"Minerva, wala ka bang gustong kainin at yan talaga?.dati paborito mong kainin lechong manok Lang eh. Sira ang diet mo niyan. Hindi mo naman siguro paborito ang mga lechon ano?? " Tanong ni John.
Ano ba naman yang tanong na yan, oo noong bata pa ako nuh hindi ko rin naranasang kumain ng ganitong ulam.. Ngayon iba na. Pansin ko nga nakakatakam ngayon ang mga lechong paksiw nakakasuyang kainin pero teka....
"Dati? Anong ibig mong sabihin? MAgkakilala ba tayo?" Nagtataka kasi ako sa sagot niya syempre. Hindi pa nakasagot si John ay andito na ang mga order namin kaya napangiti ako dahil ang sarap ng nasa hapag at lapangan na.
"Hija, sa tingin ko ay may sasabihin yata si John sayo about him." Sabi ni Lola. Oo nga pala, parang weird ngayon si John parang ewan.. feeling close ba? Pero ok lang.
"John, may problema ka ba? Sabihin mo na makikinig naman ako eh." Sabi ko baka kasi bakla ito at ayaw umamin sa mga kaibigan nito.
_______________________________________
John's POv
"John, may problema ka ba? Sabihin mo na makikinig naman ako eh."
Maybe this is the right time na sasabihin ko na sa kanya ang katotohanan. Gusto ko lang isipin niya na hindi siya nag-iisa dito sa mundo ni Kevin. Lalo na kay Kevin na walang kwentang Doktor sa balat ng lupa. Malayo lang sa squatter, doon kahit mahirap ay hindi mga plastic ang mga kaibigan mo. Marami nga lang ang mga adik kahit ako ay Ayokong babalik si Minerva dun.
"Hui John." Pukaw Niya sa akin.
"Minerva, actually magkakilala tayo nung bata pa tayo eh. I am John Sampiton. Naalala mo pa ba? Yung kalaro mo?"
I look at her priceless reaction at nanlaki ang mga mata nito nang isubo nito ang kanin. Ang cute niya talaga.
"Ano? Sino ka kamo? Wala kasi akong kilala na Sampiton."
"Ako si John Sampiton. Yung madalas kalaro mo sa bahay nyo sa squatter. Yung madalas kasama mo kahit bully ako sayo nun. Yung kasama mo maligo dun sa... Alam mo na? (Ilog) Si boy galos? Sumabit pa nga yung paa mo dahil tinulak kita noon?"
Huminto ito sa pagkain. Parang Hindi makapaniwala at nakatingin lang talaga to sa akin. Palipat-lipat ito ng tingin sa akin at kay lola na parang humingi ng saklolo.
Maya-maya ay nanlaki ang mga mata nito at tinakpan ang bibig nito sa sobrang amuse nito.
"Oh my, sabi ko na nga ba eh., gusto kong matawa sa sobrang saya pero nahihiya ako sa mga tao dito. Seryoso ka ba? Ikaw ba talaga si John yung kuya-kuyahan ko noon? Kuya boy??" Bigla ay namula ang mga mata nito at nagbabanta ang mga luha nito.
I nodded.
" you still remember that kid? That was me." Mahinang sabi ko para hindi kami makahatak ng atensyon sa ibang kumakain.
"Oh my... Gusto kitang yakapin eh. Na miss kita ng sobra. Ang laki ng pinagbago mo. Ang gwapo mo na ah. Lola, dalawa na kayo ang kakampi ko. Alam mo ba lola na sobra kong saya ngayon. Dalawang beses mo akong sinusurpresa lola eh. Oh, nahihiya talaga ako ngayon." Makikita naman kasi ang sobra niyang saya at masaya ako na masaya siya ngayon. Masaya nga ba siya ngayon? Bakit naman siya iiyak?
But being with Kevin was never easy for her. Lumaki ako na kilala ko ang style ni Kevin at alam kong walang pag-ibigan na namamagitan sa dalawa. I may came in too late pero hindi pa rin huli ang lahat para makalayo si Minerva.
"I told you John. She will be very glad if you tell her the truth. He told me that hija over the phone when I was in America. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala na magkakilala kayo."
Sabi naman ni Lola.
"Oo nga lola eh. May peklat pa nga po ako sa binti."
"I am sorry, Mine." Sabi ko sa kanya. "This is the perfect time lola. Nag-alinlangan kasi ako baka bigla akong awayin nitong babaeng ito. Kung alam mo lang talaga, palaban yan eh."
"Hindi po yan totoo la. John, dami mong utang na kwento sa akin. Naku, kakain nga muna tayo at talagang tatadtarin kita ng tanong pagkatapos.."
"Hahah yari na ako nito." Sabi ko and we eat happily. Marami pa kaming kwentuhan, sa gusto ko talaga makausap si Minerva ng mga kung anu-ano.
Masaya kaming nagtapos ng hapunan then went out to go somewhere. Syempre hindi alam ng babae, busy sa kakatanong sa akin.
"Take a look at this hija, maganda ba to?" Si lola na may inabot kay Minerva na isang brochure.
"Wowww. Nag-exist ba to lola? Ang ganda naman nito. Parang sa probinsya lang la."
"Syempre naman. Gusto mo bang makapunta diyan?"
"Opo naman. Basta kasama ko kayo." Sagot nito na hindi man lang umalis ang tingin nito sa brochure. "Gusto mo bang pupunta dito la?"
"Syempre naman. Why not?"
Napangiti ako. Still the innocent Minerva. Napaka-Swerte ni Kevin at si Minerva ang babaeng magiging ina ng anak nito. I am so against of that plan pero wala akong magawa kung napapayag na din si Minerva.
"Lola, saan po tayo pupunta. Hindi yata ito ang daan pauwi?" Tanong nito nang umangat ang mukha nito at tumingin ito sa akin at ngumiti lang ako.
"We'll going to Marco Polo hija. Let's take a break. Di ba sabi mo gusto mong pumunta sa lugar na yan??"
"Ha? Talaga po? Pero gabi na lola, kailangan mong magpahinga eh. Kakauwi mo lang lola."
"Who told you that? Umuwi na ako kahapon at nag-check in lang ako sa hotel to surprise you."
"Pero Paano po ang asawa ko po ah ang ibig kong sabihin si Kevin? Baka hinihintay niya tayo at mag-alala siya kung bakit hindi tayo umuwi ng bahay la?" Asawa? Para naman akong nasaktan na tinuring niyang asawa si Kevin gayong hindi naman ganun ang turing ng binata sa kanya. She's naïve after all. Bakit ba siya nag-alala sa binata eh wala naman itong pakialam sa kanya? Yan ang weakness niya, mabilis siyang tumanggap ng tao. Si Kevin, ni hindi nga nito gusto ang makasal na kahit sinong babae at bakit ang bait niya pa rin sa lalaking yun na hindi siya iginalang bilang asawa? Humigpit ang hawak ko sa manibela dahil gusto ko ring turuan ng leksyon si Kevin sa p*******t nito sa asawa nito.
"Wag muna nating isipin ang apo kong hindi ko alam ang gagawin. Bigyan din natin siya ng break, I know, yun din ang hanap niya. Let's take a break hija at mag-isip, hindi ko pa rin napapatawad ang babaeng may gawa niyan sa mukha mo. I want to have peace for now. For sure abala din ang apo kung yun sa mga babae niya. Baka abala sa Stephanie na yun at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ikakamatay ko pa yan." Halatang nagagalit na naman si Lola sa kalokohan ni Kevin.
"Lola naman. Wag ka ngang ganyan magsalita la.."
Mas maigi na ang masaktan si Minerva sa katotohanan kesa naman mananatili siya sa poder ni Kevin na walang pakialam sa kanya at ako na ang naawa sa kaibigan ko. Paano ko ba siya matulungan? Naiipit siya sa sitwasyon na ganito but she still tried her best to be a good wife to a total jerk..
"Lola, andito na tayo. Ok lang ba talaga sayo ang mag chopper?"
I asked. May history si Lola pero ayun at bibong-bibo at excited pang pumunta sa isang isla kahit gabi na. Well, wala namang magagawa kahit sinong anak at apo kapag kagustuhan nito. Lola, is a terror and scary one. Si Minerva na tunay na mabait ay dito na lumambot si lola. Dapat ko na talagang bigyan ng medal ang kaibigan kong yan dahil sa kabaitan niya sa lahat. Kaya nagkakasugat dahil hindi niya kayang protektahan ang sarili niya.
"Talaga mag-chopper tayo John?"
Mas lalong excited ang isang to.
"Ahahaha as if naman first time mong sumakay. But yeah mag-chopper tayo papuntang airport then we'll go there by plane." Paliwanag ko sa kanya.
Nang dumating kami sa isang five star hotel ay may sumundo pa sa amin and guide us to their helepad.
"Fasten your seatbelt ladies." I announced at napangiti ako dahil talagang naaliw ako sa kaibigan kong ito.
"Marunong ka palang magpalipad? Kulang ako ng tiwala sayo." She said and I just smiled at her. Alam ko namang biro lang ang sinasabi nito at hindi ko yun dapat siniseryos. Pagdating namin dun ay Siguruduhin kung magiging masaya ang kasama ko.
It's your loss, Kevin.
__________________________________
Kevin's PoV
Hinintay ko lang silang umalis at umalis din ako kaagad pabalik sa Scenario at naabutan ko ang barako na andun pa rin sa lungga namin.
"Oh himala at nakabalik ka, dok?" -Chase.
"Sana hindi na lang ako umuwi eh." Sabi ko at umupo sa tabi ni Harold.
"Asan si John?"- Knight
"Hmmm ginawang driver ni lola magdi-dinner daw sila."
"Hahahahah sabi na nga ba eh, hindi na lang siya dapat umalis pa. Silang dalawa lang?" -si Karlos at alam kong nakikibalita ito.
"With Minerva."
"Ayos yun ah. Nakaka-point si Johnny niyan ah. Bakit kaya si John ang dinala ni Lola imbes na ikaw na asawa ng Minerva na yun?" Tanong ni Dexter at napaisip din ako sa sinasabi niya. Bakit nga ba?
"Naku, kapag dinner posible din na nakipagkwentuhan na si John sa asawa mo--" Knight.
"Shut up. She's not my wife. Papel lang yan."
"Ahw, ayos yun ah. Traydor din itong si John. Napansin ko lang ha, Kaya pala panay ang tingin nito sa isang picture kanina pa. Asawa mo pala yung pinapakita sa amin? I mean, surrogate mo pala yun? Mamaya niyan si John ang sasalo pag nag-divorce kayo, Kevin."- Chase.
"Ano naman ngayon? Wala namang feelings na namagitan sa kanila ni Kevin at paniguradong hindi sila maaapektuhan. Kapag may anak naman sila ay ang tibay naman ng sikmura ni John kung makakaya nito."
"Will you stop talking about them? Ano ngayon kung sasaluhin siya ni John? Problema na niya yun. Kung papayag naman si Minerva, e di mas lalong wala akong choice kung gusto nito si John. She's just a surrogate wife afterall." Sabi ko at tumahimik sila sa kakasalita tungkol kay Minerva. Bayaan munang ako lang ang mag-iisip sa posibleng mangyayari. Hindi ko lang alam kung ok ba talaga sa akin, where in fact ako ang unang lalaki sa buhay ni Minerva at masaya ako dyan ibig sabihin, wala akong karibal sa katawan nito. She has the sweetest body I've ever tasted at hinanap-hanap ko yun pero kailangan ko lang pigilan ang sarili ko.
Inisang tungga ko ang shot ko at lumabas and went home without telling them.
Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa bar counter and grab myself something to drink. Naalala ko ang paraan ng pagtingin ni John sa asawa ko at punung-puno iyon ng paghanga. I drink again. Panay ang tanong nito sa buhay naming mag-asawa at parang sumisikip ang dibdib ko dahil sa ginawa nito kaninang umaga na nakikipag-picturan sa babae at sinabi ni Chase na panay ang titig nito kay Minerva. Tinungga ko ulit ang alak at sobrang init sa lalamunan ko pero lalong sumisikip ang dibdib ko dahil si John ang kinuhang driver ni lola at ang sexy ng suot ng babae na kitang-kita ang likod nito kanina, emphasizing the shape of her body. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa suot nito. She's supposed to be loyal to me right? Pero wala siyang kasalanan dahil naka'y John ang pakiramdam na hindi tama. He's striking me on my back at kung gagawa ito ng moves ay malamang na mahuhulog ang babae at kahit pa siya ang surrogate wife ko ay pwedeng magkagusto ito kay John kung kukulad-kupad ako. Pero ayoko pa ng matatawag na may-asawa na ako.
"Baby." Napalingon ako sa taong biglang yumakap sa likuran ko and plant small kisses on my nape.
"Wife." Mahinang sabi ko at dahil sa kasabikan ay hinalikan ko siya ng sobrang mapangahas. Maging siya ay napaka-wild nito. I kissed her as if I punished her going out with someone I don't like. She unbuttoned her dress just like that and it made me smile and want myself to get inside of her as fast as I can. Medyo lasing na din ito kaya dinala ko siya sa silid.
"Oh baby..." Her growls makes me so weak as I kiss her little boobies.
"Kevin....." She grunt at napatingin ako sa kanya. Wait. Am I crazy????
"Stephanie??? Are you crazy? bakit ka andito? Asan ang asawa ko? Fuck." Sabi ko at hindi ako makapaniwala dahil talagang si Minerva ang nakikita ko kanina.
"Please... Hindi ako makakapayag na maghiwalay tayo ng ganun-ganun na lang. Promise, magpapakabait ako at hindi ko na sasaktan pa si Minerva. Kahit pa sasaktan nita ako hindi ako gaganti." Sabi nito at panay ang yakap nito sa leeg ko kahit panay din naman ang tanggal ko nito.
"Please... Let's share our bed together. Promise magpapakabait ako." Napalunok ako ng maraming beses dahil sa kamay nito na unti-unting tinanggal ang sinturon ko.
This is crazy.
Inisang kamay ko lang siya at binuhat ko siya at itinapon sa kama at todo naman ang ngiti nito.
"Ngayon lang 'to." I said to myself.
At dahil sa spirito ng alak ay hindi ko na rin napigilan at nag-iisang katawan na kami ni Stephanie.
.............
"Thank you baby." Sabi nito pagkatapos ng ginawa namin.
Hindi ako sumagot dahil talagang nahihilo pa ako dahil sa iniinom ko.
"Babe, malinis naman ako. I assure you that. Baka pwedeng wag na tayong gumamit nito?" Nagdilat ako at tumingin sa condom na sinasabi nito.
"You're not my wife at ayokong magkasakit... And worst, ayokong magkasakit si Minerva dahil sa akin."
"Can we at least skip her name for a moment?"
"Then you shut up." Sabi ko at pumikit ulit. Sumiksik ito sa akin at yumakap ng mahigpit.
"I swear, mag-iingat ako. And I swear wala ng lalaki pa ang makakahawak sa akin, ikaw lang." Mahinang sabi nito at napangiti ako sa sinasabi niya. Where does she thinks this lust would last? As far as I know, wala akong pinapatagal at wala ni isang babae ang nag-dictate sa akin kung kailan magtatapos ang laro namin.
"Woman, you must not forget. I'm a married man at hindi ikaw ang master sa ating dalawa. I will dump you whenever I want to. Either I keep or dump you for good. So keep that ideas of yours to yourself." Sabi ko sa kanya at hindi ito nakasagot..
"I will behave myself at hihintayin ko kung kailan kayo magde-divorce, baby. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo." Sagot nito at pumikit ako. She's so full of herself at malayung-malayo kay Minerva na hindi ko narinig na nagsasalita maliban kung may itatanong ka sa kanya.
Most behave yata ang award nito noong elementary years. Probably, the otherwise. Napangiti ako sa pinag-iisip ko. Lasing na nga siguro ako.
"You have to go home early, andito na si Lola at nag-dinner lang sa labas." Paalala ko sa kanya.
"Hmmm later." She said on her sleepy voice.
Zzzzzzzz
___________end of Chapter 7__________