Minerva's POV
Hwwwoooowwwww
Pasado alas dyes na ng gabi na nakarating kami dito sa airport. Ang bonggang lola ay nawala yata ang kaantokan nang lumabas na kami sa eroplano. Palibhasa ay pareho kaming nakatulog sa private plane kaya may energy na akong magagamit. mabuti na lang at nagising ako mula sa masamang panaginip kaya may pagkakataon akongmakita ang mga ilaw na naglalaro sa ibaba. sobrang ganda ng mundo at tanging naninirahan lang sa mundo ang hindi maganda. Pero hindi ko naman nilalahat, meron pa ring nagmamahal sa kalikasan.
"John, Lola, Marco Polo na ba talaga to?"
"Yes hija. Come here. Let me hold you." Sabi ni Lola at inalalayan ko naman siya at ni John. Suot ko ang jacket ni John dahil sa lamig at dahil siya ang nag-offer ay wala na akong reklamo dahil talagang nilalamig na ako sa suot ko.
Sobrang layo namin sa Maynila, sobrang layo ko kay Kevin pero nag-aalala pa rin ako sa binata baka nag-alala na rin ito pero inisip ko na rin na napaka-imposible nitong maisip kami dahil panay naman barkada at babae ang iniisip nito.. Malayo ako sa masasakit niyang salita at mga gawa. Baka ito na ang simula na kakalimutan ko ang damdamin kong ito sa binata. Wala naman kasing nag-utos sa akin na mahulog ako sa binata dahil panay naman ang paalala ni lola na kailangan kong bantayan ang sarili ko. Hindi ko naman sinasadya ang mahulog ako sa binata na wala namang pakialam sa akin. Siguruduhin ko pag-uwi ko ay dapat matibay na ang damdamin ko.
Dahil sarado na ang mga mall para bibili ng maisusuot ay Nag-check-in na kami sa hotel at kanya-kanya pa kami ng hotel rooms para sa privacy daw namin. Pagkatapos kong patulugin si Lola ay pumasok na ako sa sariling silid ko. Tulog na rin siguro si John dahil sa pagod sa byahe. Gusto ko sana siyang makausap dahil miss na miss ko talaga siya pero may bukas pa rin naman. Mahaba pa ang kwentuhan naming dalawa.
Hindi na ako naligo dahil talagang inaantok na ako at gusto kong matulog ng maaga para maaga akong makakita ng view sa labas bukas. Sheyt excited na talaga ako eh. Paano ko ba ito mapipigilan? Sobrang lamig ng aircon pero gusto ko ang ganitong temperatura. Nawawala ang init sa katawan.
Paghiga ko ay naalala ko ang panaginip ko kanina. Inaway na naman daw ako dahil inagaw ko si Kevin at mas matindi pa ang inabot ko kesa nung una. Na.trauma na yata ako. Siguro reminder ko na din yun dahil masyado akong na-overwhelm sa kagwapuhan ng binata. Paalala na hindi pwedeng mangarap ang lupa na maka-akyat sa langit.
Muli kong Naalala si Kevin, ilang beses siyang nagdala ng babae sa bahay ni Lola. Kunsabagay yun ang taste ni Kevin, yung grabe magdala ng make up sa mukha, maarte at confident. Hindi ako kayang erespeto ni Kevin bilang babae at bilang asawa man lang sa papel sa bahay dahil wala akong maipagmalaki sa buhay at ini-expect ko na yang masama niyang ugali. Bakit hindi nalang sila mag-hotel gayung pwede naman at kayang-kaya namang bayaran ni Kevin, para na rin niyang binastos ang pamilya niya sa ginagawa niya.
Napaiyak ako dahil sa tindi ng selos at kahit sa papel lang ay nangarap din akong mahalin ng totoo ni Kevin..kahit sa maikling panahon lang.. Siya lang naman ang gusto ko pero hindi ko kayang tumbasan ang mga babae nito. Kung naging mayaman ba ako ay kaya akong magustuhan ni Kevin? Hanggang sa nakatulogan ko ang pag-iyak sa lalaking hindi ko alam bakit sobra kong mahal kahit hindi naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal bilang isang asawa. Unfair nga ang buhay.
Kriiiiiiiing.
Napahikab ako ng magwala ang alarm clock sa tabi ko. Inilibot ko ang paningin ko at naalala kong wala nga pala ako sa bahay.
"Good morning Lord." pumikit ulit ako at nagdasal at pagkatapos ay nag-iinat habang nakahiga pa. haba ng tulog ko.
"Good morning, Mine." Napatakip ako sa bibig ko ng biglang pumasok si John na preskong-presko. Yaks, nakakahiya bagong ligo lang eh. Ang gwapo talaga ng lalaking to.
"Good morning John. Ahm, pasensya na napatagal ang gising ko. bakit andito ka?" tanong ko sa kanya dahil ayokong makita niyang may muta pa ako sa mga mata ko.
"Si lola? " ayokong bumangon dahil wala akong suot sa baba maliban sa panty. mahaba naman ang tshirt na puti pero hanggang hita nga lang.
"Nasa kwarto pa nito. Pupuntahan lang daw natin si Lola mamaya. May kausap pa siya and I think yung friend niya."
"ahh. Ilang araw ba tayo dito? Kung isang araw lang ay talagang mag-eenjoy ako dito. Habang maaga pa ay susulitin na natin."
"Dadalo tayo sa birthday party ng kaibigan ni Lola tonight and probably, bukas ay babalik na tayo sa Maynila at hindi pa tayo pwedeng maligo sa dagat since masyadong low tide pa at kailangan pa nating mamili ng damit na susuotin mo and some swim wear."
"ah, dapat maaga akong nagising eh, sayang naman at naunahan mo ako."
"It's okey, Actually, I woke up so early dahil may regalo ako sayo. Since, you're here in Marco Polo, I want you to collect and preserve this memory in Marco Polo. I love Marco Polo and I hope you love it here too."
Napangiti ako sa sinasabi niya. Ang dami-dami niyang sinasabing english eh hindi ko naman masyadong ma gets. Ang bilis. at
"Maganda nga dito sa Marco Polo pero wag ka na mag-english baka sisipain pa kita eh." Sabi ko at tumawa ito ng malutong.
"I am so sorry, Mine. Sorry "
Masaya ako para sa kanya dahil malayo na ang narating nito kaya proud ako sa kanya.
"Here. Take this. Capture every thing that is worth your while. "
Isang paper bag na kulay asul ang inabot niya sa akin. Nag-alinlangang tinanggap ko yun.
Huh??? Literal na nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Pambihirang lalaki naman oo. HIndi naman niya ako girlfriend para bigyan nito. Nakakahiya.
"ehh??? B-bakit bibigyan mo ako ng cellphone? Ayoko, hindi ko matanggap masyadong mahal to, John. "
"Hindi mo ba gusto? Maliit na bagay lang yan Mine. Tanggapin mo na. Magagamit mo yan kung gusto mong tawagan sina Van at si Mang Mel sa probinsya, ayaw mo ba nun? Gawan din kita ng sss para hindi ka mababagot sa mansion. Ayokong ibalik mo yan sa akin, maiinsulto ako niyan." may himig ng pagtatampo ang boses nito.
Ayoko sanang tanggapin pero nagpumilit si John. May punto din naman siya, tatanggapin ko ang regalong ito. Ito ang pinakaunang regalong natanggap ko mula sa isang kaibigan, at dahil medyo matagal na rin ay na-miss ko na naman sila tatay at si Van.
"Salamat. Ah tuturuan mo naman siguro ako di ba? Hindi naman sa hindi ko ito tatanggapin hindi kasi ako marunong gumamit ng ganito at gusto kong matuto dahil Miss ko na sila tatay eh." nahihiya man ay sinabi ko talaga na hindi ako marunong gumamit ng cellphone.
"Of course, free tutorial itong kaibigan mo.. NAka-save na dyan ang number ko at ni Lola at sa tatay mo na din. Anytime tawagan mo lang ako kung may kailangan ka ayos ba? "
Sa sobra kong saya ay napabangon ako at napayakap ako sa kanya. "Oh John, sobra mong bait kahit lumaki at nagbago na ang buhay mo ngayon. Ikaw pa rin ang John Sampiton na nakilala ko." sabi ko sa kanya at naninigas lang siya.
"Anyway may binili din akong maisusuot mo dito." Iwas tingin ito habang inabot sa akin ang paper bag na may kalakihan at ganun na lang ang pamumula ng mukha ko dahil sa suot ko ngayon lang.
Kaagad akong tumakbo papasok sa CR at nag-lock. Yaks. Yaks talaga. tumingin ako sa salamin at sinampal-sampal ang sarili ko sa kahihiyang nagawa ko. Ano na lang ang iisipin ni John na nagpapakita ako sa kanya ng motibo? Yuck napakawalang dilikadesa ko pong babae.
"Ang landi mo!!!" duro ko sa sarili ko sa salamin. Patawarin sana ako sa nagawa ko hindi ko talaga iniisip ang mga bagay na ganun. Malinis ang konsensya ko. Masaya lang ako kaya npayakap ako sa kanya yun lang wala ng iba pa.
"Mine, sa labas na kita hihintayin wag kang magtatagal dahil aalis pa tayo." sabi ni John na kumatok sa pintuan ng banyo at hindi ko na siya sinagot. Imbes na magkulong ako ay naalala kong lalabas nga pala kami kaya dali-dali akong naligo. Wala pang 30 minutes ay lumabas na ako na nakatuwalya lang, tumingim-tingin pa ako baka nasa loob pa rin si John.. nang ma-confirm ko na wala ang binata ay dali-dali akong nagbihis. Pinamulahan na naman ako ng mukha dahil kompleto ang pinamili ni John. Talagang lalaking ito, paniguradong maraming babae na itong pinaiyak dahil paano nito nalaman ang size ko di ba at may alam din pala ito sa mga fashion. Talo pa ako kahit babae ako.
Paglabas ko ay wala si John sa silid nito ng katukin ko ang pintuan nito kaya dumiretso na ako sa silid ni lola. Tapos na din itong maligo at nakabihis na. Mukhang galing ito sa kausap sa cellphone.
"Goodmorning la, may regalo po sa akin si John." Masayang sabi ko sa kanya.
"Really. What is it hija?"
"charan. La, binigyan niya po ako ng cellphone, hindi po ba kayo magagalit?"
Ngumiti si Lola na para bang napakawalang kwenta ng tanong ko.
"Balak ko na sanang dito ka na rin bibilhan kaso naunahan pala ako ng apo kong yun, anyway, hindi ako magagalit. Bakit ko naman gagawin yun, at least madali na kitang ma-reach out kung sakaling maga-out of town tayo. Matatawagan mo na rin ang tatay mo at ang kapatid mo."
"Yun nga po la eh."
"Tinawagan ko si Kevin, hindi na ito nagulat kung bakit hindi tayo umuwi kagabi. For sure may kinababaliwan ang batang yun." Napalunok ako ng laway sa sinasabi ni lola. Ako ang nagsabi kay lola na bayaan na lang si Kevin pero nasasaktan ako kapag ganito ang maririnig ko. s**t, ganito ba talaga ang ma.inlove?
"Ah bayaan na lang natin. Andito po tayo sa malayo kaya saka na lang natin iisipin ang mga problema natin sa Manila la?" Hinawakan ko ang kamay ni lola at marahan ko iyung pinisil.
"Shall we stroll now?"
"Yes po." Ngiting sagot ko.
Hindi na kami nagtagal ay sinulit na namin ang pagpunta sa mga magagandang lugar. Sobra kong saya picture doon at picture dito. Kahit si Lola ay hindi ko inaakala na ganito siya kasaya ngayong araw. Uuwi na kami bukas kaya walang masama kung pasayahin din namin ang sarili namin.
Tama nga naman bakit naman ako magtitiis sa isang Kevin Joon Montero kung wala namang pakialam sa akin. Ni hindi nga ako hinahanap di ba? Total aalis na din naman din ako For sure magsasaya yun at balik binata na siya di ba? Buhay binata nga siya kahit ngayon.
Mas maigi na ang maaga at magkalayo kami para walang malalim na ugnayan ang mamagitan sa aming dalawa at hindi rin ako makakasira ng relasyon.
First time kong makaranas ng island hoping at sumakay din ng banana boat siyempre kami lang ni John at yung dalawang foreigners. Hindi naman pwede si lola sa ganitong mga activity. Lahat ng ito ay pinaranas sa akin ni John at ni lola. Ngayon ay andito kami sa laot at naghihintay ng cue sa guide namin ngayong araw.
"First time kong sumisid sa ilalim ng dagat, wag mo akong biglang iiwan ha. Sa ilog lang po ako sanay lumangoy." Bulong ko kay John.
"I will always be here for you no matter what, Mine. Baka nga ako ang iiwan mo nito. I assure you hindi mo magugustuhang umahon dahil sa ganda ng makikita mo.."
"Salamat, John."
"Gear up?" Sabi ng guide at nauna itong sumisid sa dagat at hawak kamay kami ni John na lumusong na sa dagat. Nung una ay hindi ako komportable pero hanggang sa dinala ako ni John sa pinaka.sahig ng dagat ay kitang-kita ko na ang mga coral reef at iba't-ibang klase ng mga isda.
"Ang ganda." Isip ko. "Andito si Nemo."
Bigla akong binitawan ni John at nag-ok ako sa kanya. Dala-dala nito ang underwater camera nito at kinunan niya ako. Sobrang saya ko na halos gusto kong mahawakan ang mga isda.
Best experience ika nga.
______________________________________
Kevin's POV
Pagising ko kinaumagahan ay hindi familiar sa akin ang amoy ng shampoo. Nagpalit ba ng shampoo si Minerva?
Napadilat ako nang maramdaman kong wala akong suot kahit isa sa ilalim ng kumot. Kaagad kong nilingon ang katabi ko at si Stephanie ang nakita ko, saka ko lang naalala na pumunta pala siya dito kagabi. Nagmamakaawang wag siyang hiwalayan at nangakong hindi na niya aawayin si Minerva kaya nagpatukso na naman ako, yan pa ba ang hihindian ko gayung pagkain na ang lumalapit sa akin?
Kahit maldita ang babaeng ito, ay maganda naman. Fighter! Teka umuwi ba sila lola kagabi? O fcksht! Dali-dali akong bumangon para nagdamit at pumunta kaagad sa kwarto ni lola pero wala dun si Lola, walang bakat na may tao dito sa silid niya, dali-dali akong pumunta sa kwarto namin ni Minerva pero wala din dun ang babae. HAy salamat. Hindi siguro nila alam na andito si Steph. Baka maaga silang umalis, mahilig naman na kasing lumabas ang dalawang yun. Talo pa nga ako dahil tinuring talaga siyang apo ni lola kesa sa akin but It's okay, she's still a woman kaya magkasundo sila sa mga bagay na pinaplano nila. My grandma must seriously long for a food granddaughter at si Minerva ang nakikita nito. She'll end up hurting herself kung aalis na ang babae unless may contact pa sila.
Kaagad kong tinawagan si Lola.
"Hello good morning lola."
"Napatawag ka Kevin?" Diretsang tanong ni Lola.
"Lola, nasaan po kayo?"
"Ah dinala ko nga pala dito sa Palawan si Minerva for my new client's birthday. Baka bukas pa kami uuwi, Kevin."
Palawan? Aba malayo yun ah, pero okay lang, at least may buong araw kaming magkasama ni Stephanie.
"Ah okay po. Si Minerva, nandyan ba?"
"Wala nasa kwarto nito at hindi pa nagigising. Bakit?"
"Ah wala lang po. Tinatanong ko lang po la. Tawagan niyo lang ako para sunduin ko na kayo sa airport."
"Wag kang magdadala ng babae sa pamamahay ko Kevin." Paalala nito kaya napalunok ako ng laway dahil huli na ako. Nasa loob na ng guest room si Stephanie.
"Ok po lola mag-iingat po kayong dalawa dyan.." Sabi ko at nag-salute as if makikita niya akong nag-salute.
Then she ended the call. napabuga ako ng hangin. I need to send her out Stephanie bago pa uuwi sina lola. Dali-dali akong bumalik sa itaas ay siya namang pagising ni Stephanie at nag-iinat din ito.
PAgising ni Steph ay hindi ko muna siya pinayagang umuwi. Absent muna ako ngayon. Just for today, I swear.
Minerva POV
Sobrang pagod ng katawan ko pero andito pa kami sa dinadaluhang party ng kaibigan ni lola. Medyo marami nga ang bisita pero kadalasan ay may edad na rin.
"Happy birthday Daisy." Bati ni lola sa isang matandang babae na may edad na pero alive, alert and kicking pa rin ang dating nito. Wow.
"Wow, Minda I am so glad at andito ka." Masayang sabi nito at nagyakapan ang dalawang matanda. "I miss you so much my friend. Kailan ka pa dumating."
"Yeah. Kagabi pa kami dumating at kasama ko si John at si Minerva. Kevin's wife." Sabi ni lola at sa gulat ko ay nanlaki ang mga mata ko at napangiti. Biglaan yun ah.
"Happy birthday po." Sabay pa kami ni John na bumati.
" Thank you.. Wow, ang gandang bata ang napili ni Kevin, gaya ng lola nito na mahilig sa mga gwapo. Tsk tsk. . Nasaan ba ang apo mo at iba ang escort nitong granddaughter in law mo. May anak na ba kayo hija?"
"Wala pa po, ma'am." Kaagad kong sagot sa kanya.
"Hahaha. He's a busy doctor, Daisy. Alam mo na."
"Yeah. Anyway, kumain na ba kayo? You two, go ahead and grab something to eat. And you madame, come with me dahil talagang matagal kitang pauuwiin dahil ngayon lang tayo nagkita." Masiglang sabi ni Ma'am Daisy at iniwan na kamo ni John. Napangiti ako dahil sa kanilang dalawa. Wala akong best friend kaya napaisip ako kapag ako ang tatanda ay walang mami-miss sa akin na kaibigang babae.
"Kilala mo ba sila John?"
"Yeap. Naging ex ko nga ang isa sa mga apo niya pero siyempre hindi kami nagkita sa personal noon. Some business matters kaya nagkakilala kami ni Ma'am Daisy."
"Ayeey, may ex pala uh. Mamaya niyan maiwan ako dito dahil napasama na sa ex nito." Tukso ko at tumawa lang ito.
"She's already happily married. Baka mapatay pa ako sa asawa nito ng wala sa oras kapag naglandi ako."
"Hmmm, ikaw may magagalit ba sayo na umalis ka sa Maynila?"
Napaisip ito ng matagal.
"Hindi niya alam na umalis ako eh."
"Weeh? Ligaw-ligaw stage pa ba kayo?"
"Hmmm hindi naman. May nangyari na nga sa amin kaya di ko masabi na nagliligawan pa kami."
"Yaks ka talaga. Baka hinahanap ka na po."
"Nasa ibang bansa po kasi. Busy sa modelling world, wag ka po mag-alala dahil mabait po yun at may tiwala po yun sa akin. Actually, masaya nga siya nung sinasabi ko sa kanya na nagkita na tayo eh."
"Woow. Ang sosyal ng girlfriend ng lalaking ito. Invite niyo po ako kapag nagpakasal na po kayo."
"Hahaha gawin kitang flower girl." Tawang sabi nito at inirapan ko siya sa inis.
_______________________________________
Alas nuwebe na ng gabi kami nakuha ng chopper pauwi sa Maynila, nagbago ang schedule ng uwi namin dahil sa weather forecast ni Kuya Kim sa TV na may paparating na bagyo na tatama sa visayas at palawan. kaya sa tindi ng pag-alala ay tumawag si John na magpasundo ngayon dito sa Marco Polo. MAsaya kahit nakakapagod dahil galing pa kami sa isang salo-salo sa kaibigan ni Lola. KAhit hindi ako mayaman ay hindi ako nag-iisa dahil andyan naman si John na laging nasa tabi ko kaya may pagkakataon pa akong makita ang girlfriend nitong maganda. Nakakatuwa lang kasi dahil half pinay ang gf nito at model. Ganda. Napaka.swerte ng kaibigan ko.
"MAtutuwa talaga si Tatay kapag makita ka niya, John." Sabi ko pa sa kanya kanina.
"Miss ko na si Tatay Melchor."
Lulan sa helecopter ay pumikit ako dahil sa antok. Excited akong umuwi para makita ko si Kevin. Kahit isang araw lang ay namiss ko rin naman si Kevin, kahit hindi niya ako madalas kinakausap o binibigyan ng halaga ay masaya ako na makita ko siya. Darating din kasi ang isang araw na iiwan ko na siya ng tuluyan di bali ng hindi matugunan ang nararamdaman ko, wag lang siyang malungkot sa buhay dahil sinusunod nito palagi ang utos ni lola. Malaki na siya para magdisisyon sa buhay.
Ilang oras pa ang byahe at nakaidlip ako. Pagising ko ay nasa helepad kami ng hospital ni Lola.
"Hey sleepyhead, wake up. Gusto mo bang buhatin kita?"
Pukaw sa akin ni John. Nakita kong inalalayan nito si Lola na makababa kaya dali-dali akong bumaba.
"Miss mo pa yata ang Marco Polo hija. Don't worry, marami pa tayong pupuntahan." Sabi ni lola.
"Sure po? Excited po ako." -ako.
Hinatid pa kami ni John papunta sa bahay. Bibo ang usapan namin dahil naki-join si Lola at feeling ko tinuring din na apo nito si John o sadyang sweet lang talaga si Lola? Bakit kaya hindi ito nakikita ni Kevin?
Ewan ko pero pagdating namin sa bahay ay kinutuban ako ng husto dahil kaya excited lang akong makita ang binata?. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
"Nasa labas na ang sasakyan ni Kevin. I just want to talk to him first." Sabi ni lola kaya ako na ang humawak sa braso niya papunta sa silid namin ni Kevin at ganun na lang ang gulantang ko sa nakita namin ni lola. Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat.
Naramdaman kong tumulo ang luha ko at nanginginig ang buo kong kalamnan.
"Oh s**t!!!"
Parang baliw na dali-daling nagkumot si Kevin at si Stephanie.
"Ang kapal ng mukha ng babaeng ito." Nagmartsa si lola papunta sa dalawa at isang malutong na sampal ang ibinigay nito kay Stephanie. Ni hindi man lang pinoprotektahan iyon ni Kevin. Sobrang kapaaaaal talaga ng mukha ni Stephanie. Ganyan na ba talaga siya ka desperada?? Pinaghihiwalay sila ni Kevin pero sinampal din ito ni lola. Pinahid ko ang luha ko at Tumakbo ako papunta kay lola na walang sawang pinagsasampal ang likod ni Kevin.
"Lola, please. Please. Tama na po. Please." Marahang Hila ko sa kanya para mapaghiwalay ko sila.
"I know now Kevin. Minerva does not deserve any of this. Expect your annulment papers next week., ganito ba ang gusto mo, isang mababang uri ng babae? Then go on.." Sabi ni lola at umalis. Galit na isinara ni lola ang pintuan na nagpunta sa silid nito kaya sinundan ko siya kaagad.
"Magdala ka ng tubig at yung gamot ni lola John. Nasa bag ko Bilis."
Dali-daling tumalima si John.
Pagdating sa silid ni lola ay kaagad ko siyang kinunan ng BP. Tinuruan niya ako paano to gamitin noon kaya alam ko na ito kung paano ito gagamitin. Sobrang taas ng dugo nito kaya pinainom ko siya kaagad ng gamot.
"I'm sorry hija for dragging you in this hellish situation.."
"Wag mo ng isipin yun lola. Please kumalma po kayo dahil natatakot po ako. Magpagaling ka po at wag ka pong mag-alala sa akin dahil kaya ko po ang sarili ko ngayon nakapag desisyon na ako na aalagaan po kita lola. Magtatapos ako bilang nurse ako ang personal na mag-aalaga sa kalusugan mo yun ay kung papayag po kayo."
"Pero andyan si Kevin."
"Narinig po kitang maghihiwalay kami ni Kevin. Naisip ko pong tama nga sigurong hindi na natin ito ipagpapatuloy."
Bumukas ang pintuan at inuluwa din si John. May dala itong gamot at isang baso ng tubig.
Ngumiti lang si Lola at niyakap ako. Si John, pagkatapos ihatid ang gamot ni lola ay kaagad lumabas ng kwarto.
Nabibiyak ng husto ang puso ko. Ngayon pa lang nakikita ko na ang magiging kinabukasan ko kay Kevin.
Hangga't maaga pa ay mabuti na ang maaga din kaming maghihiwalay total hindi ko naman siya nabigyan din ng anak....Pangarap ko na naman ang alalahanin ko. Makasarili na kung tatawagin pero kinabukasan ko din naman ang nakataya dito. Ayokong masira lang ang pangarap ko dahil sa lalaking walang ginawang mabuti sa buhay ko. At least may natutunan din ako sa buhay.
__________End of chapter 8___________