Kevin's POV
I am so frustratingly mad at myself. Nakakahiya ang ginagawa ko with Stephanie. Dali-dali akong nagbihis para sundan ko sila.
"I can take it. As long as kaya mo kakayanin ko din, Kevin." Mahinang sabi ni Stephanie at nangunot ang noo ko sa sinasabi niya. Anong sinasabi nitong kakayanin?
"Go home right this instant at wag na wag ka ng magpapakita. Call it quits." Matabang na sabi ko sa kanya. Sa kanya ko lang narinig ang salitang yan, si Minerva hindi niya masambit man lang.
"Ngayon pa na nakita na tayo ng lola mo at ng pangit mong asawa? Kung hindi dahil sa kanya ay wala ka sanang sablay ngayon?" She said hysterically while wiping the bloodstain on her forhead. Pero kumulo ang dugo sa sinasabi niya against Minerva and lola kaya sa sobrang gaan ng kamay ko ay lumipad ito sa pisngi niya.
Pak!
"Go now. She's still my wife and you're in no position to call her ugly, understand? Nobody is allowed to bully her aside from me, woman. You're just my toy and I dumped yu right now.?" Duro ko sa kanya at nagulat ito sa ginawa ko at namumula ang mga mata nito at nag-aamba ang mga luha nitong gustong kumawala.
"But you don't respect her, do you?"
I scoff.
"Yeah I don't respect her because of this fuckin situation. Do you expect some respect from me? Get lost, slut." Tumayo ako at iniwan siya.
"What did you just call me? A slut?"
"Stop making me laugh. What do you want? A w***e? Any different from f**k buddy? Can't you see the consequences? you still get what you did to my wife. A messy disheveled hair, a slap and a wound on your face. Should never get into Minda's nerve. No one did. Dapat wala ka na dito sa kwarto pagkabalik ko mamaya. Don't make me drag you out naked." Sabi ko at lumabas na ako ng kwarto.
Parang napakaling tambol ang nararamdam ko ngayon at gusto kong suntokin ang pader sa sobrang inis. Hindi ko lang alam kung saan ako frustrated at disappointed sa sarili ko. I saw my wife's tear or I was caught in the act. Tumakbo ako papunta sa kabilang kwarto pero nakita kong kakalabas lang din ni John sa silid ni Lola.
"Bro." Tawag ko sa kanya pero hindi ako nito pinansin kaya nagmamadali ako kaya pumasok na ako kaagad sa silid ni Lola.
"Lola, hear me please, I am sorry. I made a mistake. Minerva.... look at me. " hindi ako aktor para umiyak ng walang dahilan at hindi rin ako madaling matakot but this time ay todo na ang takot ko.
"I have to sleep Kevin. Bukas na tayo mag-usap. Pagod na ako." At naiwan akong nakatunganga lang nang marinig kong sumara ang pintuan ay sinundan ko si Minerva na bumaba ng hagdan.
Siya namang paglabas ni Stephanie mula sa silid ko. Inirapan nito si Minerva habang mabilis ang mga paa na bumaba at lumabas ng bahay.
"Minerva, let's talk." Habol ko sa kanya and grab her arms.
Bumuga ito ng hangin at pumikit ng mariin na parang nagpipigil. Natakot ako sa consequences, Baka iwan ako ni Minerva. I hurt her enough to leave me at yan na ngayon ang kinatatakotan ko. Hindi sa hindi ako mabigyan ng anak para may tagapagmana but I don't know the real reason kung bakit nakaramdam ako ng takot maiwan.
"Ngayon pa ba? Wag na tayong maglokohan pwede ba? Wag ka ngang joker Kevin, Huh! Parang hindi ka yata sanay na saktan ako. Ilang beses mo ng dinala ang girfriend mo dito sa bahay nung wala pa si Lola, kaya wala tayong dapat pag-usapan dahil hindi naman kita pag-aari, Mr. Montero. Pag-aari ka ng iba at surrogate wife mo lang ako at iiwan pa rin kita naayon sa kasunduan natin kaya wag mo ng hirapan ang sarili mo na mag-explain. Wala akong karapatang magalit." I was astounded on what she said. Hindi ko siya nasundan habang papalayo... Tama nga naman ang sinasabi nya pero ngayon ayoko. Hindi mangyayari ang sinasabi niyang iwan ako.
"She's immune to that, maybe? " Bigla na lang sumulpot si John sa likuran ko habang may hawak na kopeta. Napatingin ako sa kanya na nagka.sunborn ang mukha, maging si Minerva ay napansin kong nagka.sunborn din yung mukha nito.
"Are you happy?" Mapanuyang tanong ko sa kanya. Naiinis ako ngayon dahil sa halo-halong imahinasyon na naglalaro sa isip ko habang magkasama sila sa Marco Polo.
"Yep. Masaya ako at nasabi iyon ni Mine. What can you say, Kevin? Dapat ngiting panalo ka dahil hindi ka na naiipit sa kagustuhan ni lola. Isn't she's bold enough para sasagot-sagutin ka niya? she's gettin' tougher." Nagpanting ang utak ko sa kasasabi nitong pangalan ni Minerva.
"Mine?? Did you just call my wife yours?" Sa galit ko ay kumuyom ang kamay ko at anytime ay baka maumbag ko itong lalaking ito. Magkasama lang sila sa MArco Polo ay parang ang tapang at sure na itong makuha si Minerva.
"Yeah. She's not your wife, doctor Kevin. just a surrogate woman at ako lang ang lalaking tanggap ko ang pagkatao niya so she's mine. Ayaw mo pa rin ba? Ang damot mo naman masyado."
Hindi na ako nagdadalawang isip ay sinuntok ko siya at dali-dali kong kinubawan ang nakahiga niyang katawan at kwenelyuhan. I gritted my teeth in outraged. No way. There is no way na makukuha niya ang asawa ko.
"Nope, our marriage will . Whether you like it or not, you can do nothing here. Take what's mine at talagang ako pa ang maghanda para ipa.cremate kitang gago ka. Ya understand that? Stop messing with me, John dahil hindi mo alam ang takbo ng utak ko. The door is open, so get yourself out in this house. " Bulong ko sa kanya at tumayo ako. Tumayo din ito at pinagpag ang damit.
"Hmmm okay. I should get going. Isipin mo na lang simula ngayon, ako na ang magiging karibal mo sa tinatawag mong asawa. I am pretty sure this time nakapag-desisyon na siyang hindi ipagpapatuloy ang surrogacy na kinakailangan ni Lola. HIndi mo naman alam ang pinag-usapan nung nasa Marco Polo kami dahil busy ka sa kakasaya para sa sarili mo. Wag kang madamot na ibigay din ni Minerva ang kaligayahan na nararapat din sa kanya kesa puro kriminalidad ang pinag-iisip mo. You're supposed to save lives, not to kill, Doctor." At iniwan ako kaya napasuntok ako sa hangin sa sobrang galit ko. Mapapatay ko talaga itong si John, kung magtatangka itong mang-aagaw sa asawa ko.
_______________________________________
Minerva's POV
Hindi niya kailangang humingi ng tawad sa mga bagay na intensyon at palaging ginagawa para lang saktan ang damdamin ko. Kung hihingi siya ng paumanhin e di sana ipinakita niya. Pero huli na, ayoko na. Walang mabuting idudulot ang nararamdaman kong ito.
Paniguradong tuwang-tuwa na si Kevin ngayon dahil alam na niya ang desisyon ni Lola na malaya na sila ng babae niya at masasabi ko ng wala akong pakialam sa kanilang dalawa. Gusto kong pigilan ang luha na walang kapaguran sa kalalabas sa mata ko. Hindi pa pala ubos ang luhang to? Masyado lang akong nandidiri sa kanilang dalawa. Nakakapagod ng umiyak para sa isang pekeng asawa. Ilang beses na naglalaro sa isip ko ang panggagago sa akin ni Kevin at yung babaeng yun. Hinayaan ko lang dahil hindi niya naman kagustuhan ang magkaroon ng instant na asawa lalo na at galing sa lansangan. Gusto ko siyang intindihin pero paano naman ang puso kong lagi ko na lang siyang intindihin. Kahit ayaw niya sa akin at least man lang igalang niya ako bilang babae.
Nakakatawa at nakakaawang sitwasyon na nangyayari sa akin. Pinahid ko ang luha ko at pumikit. Andito sa guest room na naman ang pinapasukan ko dahil Ayokong makita ang silid ni Kevin at ayoko kahit pumasok pa dun dahil kwarto yun ng mga malalandi. Kapal talaga ng apog ng babaeng yun at wala man lang hiya na natitira sa katawan? Tumayo ako at pumasok sa banyo. Andito pa rin ang mga gamit ko kaya binalak kong magbabad sa bath tub at mag-isip.
**************
Kinuha ko ang cellphone na bigay sa akin ni John dahil fully charge na ito.. hindi ko na naisipan pang mag.blow dry ng buhok dahil wala akong balak matulog ng maaga ngayon dahil mag-aaral ako ng cellphone.
Napakamaalalahanin talaga ng lalaking yun, ang mahal pa naman ng cellphone nato panigurado dahil maraming camera sa likod. Oo nga pala, bakit ko ba papagurin ang sarili ko sa kaiisip ni Kevin gayung andun ang pamilya ko at naghihintay na tawagan ko. Hinanap ko sa Contacts ang naka save daw na cellphone number ni tatay. Malay ko ba namang nakaisip pala si John na hanapin ang number ni Tatay at ang pagkaroon ni Tatay ng bagong cellphone ay itatanong ko na lang.
Ilang ring lang sumagot na si Tatay sa kabilang linya.
" oh Hello, sino po ito?"
Nang marinig ko ng boses ni Tatay ay parang piniga ang puso ko sa pangungulila ko sa kanila ni Van kaya hindi ko mapigilan ang luha na umagos sa mga mata ko. Bakit ba sobra kong iyakin? Wag mong sabihin Minerva naging OA ka na nakapunta ka lang sa Marco Polo?
"Hello tay, si Minerva po ito." Sabi ko at bigla akong pumiyok. Nakakainis ang pagiging iyakin ko
"Hello, anak kumusta ka dyan? Miss na miss ka na namin." Mabuti pa si Tatay masaya na ang buhay kaya napaiyak ako.
"May problema ka ba? Bakit ka umiiyak? Napagalitan ka ba ni Doctora? Tiis-tiis lang---"
"Hindi po tay. *Huk* namiss ko lang kayo ni Van *huk*
"Kami rin anak. Alam mo May magandang balita ako sayo. Mag-aaral na si Van ngayong pasukan." Masayang sabi ni Tatay sa kabilang linya kaya pinahid ko ang luha at napangiti dahil sa magandang balita.
"Ganun ho ba? Ako rin po Tay may maganda din akong balita, nagkita po kami ng kalaro ko noon sa atin. Si John naalala niyo po? Yung kalaro ko na si John Sampiton?." Hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko.
"Talaga? Oo naman naalala ko yung batang yun yung nagtulak sayo kaya may peklat ka sa paa. Kumusta na siya?"
"Hahaha hindi kayo makapaniwala dahil sobra g yaman na ng kaibigan kong yun tay. Binilhan niya ako ng cellphone para daw makatawagako sa inyo."
"Ang bait niya naman, anak pero nakakahiya pa rin dahil tinanggap mo ang bagay na mamahalin."
"Mabait lang talaga si John tay. Ayoko nga sanang tanggapin pero sobra niya pong mapilit. Kinukumusta ka nga eh., Tay. Ano pong ginagawa nyo dyan? Bakit maycellphone po kayo?" Pag-iibang tanong ko sa kanya.
"dahan-dahan lang Minmin para masagot ko ang lahat. Itong cellphone, bumili ako ng cellphone na may keypad dahil kailangan kong makahanap ng mga supplier para sa tindahan. Ito medyo pinalawakan ko ang tindahan natin dahil kailangan din may paninda akong bigas. hay ang daming plano at anak kapag nakapag-ipon na ako ay hindi mo na kailangang mamasukan at makapag-aral ka na dito."
napangiti ako sa plano ni Tatay napakanegosyante pala ang pag-iisip nito dati pa pero si Nanay lang talaga ang hindi marunong magdala ng pera.
"Ah ganun po ba. Gabi na ah. Overtime ba yan? Magpahinga po kayo tay."
"Naku hindi, ang ibig kong sabihin ay ito ang pinag-aksayahan ko ng oras. Ngayon nagpapahinga na ako. Si Van ayun knock down na dahil sobrang pagod."
" Ah sige, tatawag na lang ako bukas, Tay. Wag kayo masyado magpagod tay ha? Alagaan nyo po sarili nyo po. Ok lang po ako dito. Sobrang saya ng buhay ko dito. "
"Oh sige, anak. Mag-ingat ka dyan ha? Magpapakabait ka diyan at alagaan mo si Doctora. Tumawag ka sa amin palagi. Wag kang masyadong mag-alala sa amin dahil kaya kong dumiskarte dito anak para mabuhay"
"Opo tay. Mag-ingat po kayo palagi tay. Tatawagan ko po kayo ng madalas tay." Pinatay ko na ang tawag pagkatapos naming magpaalam. . Ayokong mag-iyakan kami habang kausap ko si Tatay baka hindi ko mapigilan ang sarili kong ibahagi sa kanya ang nararamdaman ko ngayon.
Miss ko na sila ng kapatid ko. Gusto ko na talagang umuwi at mamuhay ng tahimik pero alam kong hindi rin ako makakatulog niyan dahil kakainin ako ang konsensya ko. LAlong-lalo na si Van, miss ko na ang kapatid kong yun. Di bale, kunting tiis lang at malapit na kaming magkikita. Sa ngayon ay matutulog muna ako. PAgod na pagod ang katawan at ang puso ko ngayon.
_______________________________________
Sobrang bigat ng ulo ko nang magising ako kaya ayokong bumangon dahil nahihilo ako dahil sa sobrang pagod ng byahe namin nararamdaman ko pa na parang nakalutang ako sa tubig, pero niba pa rin talaga kapag pakiramdam mo ay talagang may nakamasid sa akin kaya idinilat ko ang isang mata ko.
At ang nakita ko ay ang isang nilalang na nakaupo sa pang-isahang upuan at nakatingin sa....
legs ko????
At bakit hindi ako nagkumot? Yaks ka talaga Minerva kaya kaagad kong tinakpan ng kumot ang biniti ko at naramdaman niyang nakatingin din ako sa kanya ay malamig pa sa yelo ang mga titig niya at nagtatagis ang mga panga nito. Nakita kong hawak-hawak niya ang cellphone na bigay sa akin ni John. Bakit niya kinuha ang cellphone ko?
"Hiniram ko lang ang cellphone mo." MAtabang nitong sabi at Tumayo ito at inilagay naman nito ang cellphone sa dulo ng kama at daling lumabas.
Ano namang kaik ikan ang drama niya? Papasok dito sa guest room... pero teka bakit hindi to guest room? andito ulit ako sa kwarto niya, kung saan andito si Stephanie kagabi. Bagong kumot, bed sheet, unan
at bagong kama??? may Ganap ba kagabi na hindi ko alam?
Seryoso, sinong nagpalit ng kama? Napatingin ako sa paligid at binalik ang kurtina na gusto ko na kulay peach. Pero ang nagpapagulat sa akin ng todo ay ang suot ko. Bakit malaking Tshirt ang suot ko? Wala man lang akong suot na shorts?
"KEVIN SINONG NAGPALIT NG DAMIT KO?!!!" Sigaw ko sa sobrang inis sa binata. Naalala ko pa na nag.robe lang yata ako kagabi at hindi ko lang napansin na nakatulog ako habang basa pa ang buhok ko. Bigla nalang bumukas ang pintuan at dumungaw dun ang ulo ni Kevin at todo ang ngiti nito.. Ay ang gwapo ay este ang yummy ay hindi. Ano kuwan, ah HALIMAW! . Bakit ba ako naging ganito dahil sa kanya?
"Of course ako. Alangan namang bibihisan ka ni Lola? Sino bang gusto mong magbihis sayo. Wag ka ngang sumigaw, marinig ka pa ng iba." At muli nitong isinara ang pintuan. Nakakainis talaga tong lalaking to. Anong pinaggagawa nito?na bumabawi siya? sobrang kapal din ng apog ha. Nah, wag na. Gusto ko lang matapos na itong lahat at umalis sa poder niya.
Napabuga ako ng hangin at tinakpan ang mukha ko sa sobrang inis.
May magagawa pa ba ako? Wala na. Kaya naligo na lang ako at naghagilap ulit ng damit sa walk-in closet sa kwarto.
Pagkatapos kong magbihis ay balak ko sanang magtext kay John at kay Tatay pero hindi gumana ang cellphone kaya nag.charge muna ako. Naglaro ba siya sa cellphone ko? Kaka-charge ko lang kagabi. May sarili naman siyang cellphone para manghiram pa dapat lagyan ko na din ito ng password
Naglalaro sa isipan ko bakit hindi ako nagising na inilipat ako sa kwarto? Sa pagkakatanda ko talaga ay nasa Guest room ako natutulog kagabi eh at nag-eemote pa nga ako dahil nakita ko na naman si Kevin at yung Stephanie niya at tumawag pa ako kay tatay at nagtelebabad pa nga kami ni John kagabi at yun nakatulugan ko na ang binata.
Naalala ko ang hitsura nito kanina lang. Puno ng pagnanasa ang mga mata nito. Mga buwiset talaga eh, nasasaktan nga kasi ako pero kinikilig pa rin ako tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
Pero baka naman tinitigan niya lang ang binti ko dahil mas maganda pa ang mahahaba at mapuputing binti ni Stephanie. Kontra ng utak ko.
Gusto ko ba talagang umalis sa pamamahay na to o iiwan ko na lang ang pagkakataon na mabuo ang pangarap kong maging Nurse? Huli na ang lahat, ayoko ng umasa pa kay Kevin. Marami pang lalaki dyan nuh.
Meanwhile, Kevin's POV
She went straight to her room kaya hinayaan ko muna. May plano pa akong gagawin. I must changed dahil sa nakikita ko ay may balak nga itong pumayag sa sinasabi ni lola na makipag.annul sa akin. No. Not yet.
Dali-dali akong pumunta sa kusina at naabutan ko pa ang mga kasambahay sa kusina naglilinis.
"Kayong lahat, if you're not busy. Clean my room get rid of everything in there. Change the bed too. I want it clean after an hour." Sabi ko at nagkarera silang sa pagpunta da kwarto na may dalang malalaking itim na mga supot.
Lumapit ako sa pintuan sa guest room at narinig ko si Minerva na may kausap. Umangat ang kilay ko. May cellphone ba siya? Binilhan siya kaagad ni lola? Idiniin ko ang taenga ko sa pintuan para marinig ko kung sinong kausap nito ngayong gabi.
" Ah sige, tatawag na lang ako bukas, Tay. Wag kayo masyado magpagod tay ha? Alagaan nyo po sarili nyo po. Ok lang po ako dito. Sobrang saya ng buhay ko dito. . Opo tay. Mag-ingat po kayo palagi tay. Tatawagan ko po kayo ng madalas tay."
She sniffed. Napabuga ako ng hangin at pumikit ng mariin. Sobra akong nakonsensya dahil sa kasinungalingang sinasabi niya sa ama niya. Naalala ko ang ama niya na walang kamalay-malay sa buhay na pinapasukan ng nag-iisang anak na babae nito kaya napahilamos ako ng mukha at bumalik sa sala.
"What the f**k have you done to her, Kevin?" Sabi ko sa sarili ko at napatingin sa pintuan ng guest room.
Bumalik ako sa silid ko at tinignan ang mga gamit na tinutupi ng mga kasambahay.
"Sir sigurado po kayong itatapon po itong mga beddings po?" Tanong ng isang kasambahay..
"Bakit?"
"Pwede po bang amin na lang po ito? Sayang naman kasi."
"Take it if you like it. Hurry up. Get rid of this bed too. Change the curtains into Minerva's favorite color." Sabi ko at pumunta ako sa balcony and tinawagan ko ang kaibigan to deliver a king size bed ASAP.
Kalahating oras din ako sa balcony habang iniisip kong ano kayang cellphone number ni Minerva at naka tatlong stick na ng yosi ang naubos ko.
"Sir, nasa labas na po ang inoorder niyong kama." Sabi ng kasambahay kaya tumayo ako at lumabas.
"Oh Doc. Talagang nag.overtime kami dahil sabi mong emergency." Tawang sabi ni Michael na kaibigan ko.
"Pasensya na kayo ha at salamat din dahil nag.deliver pa kayo kahit gabi na." Lumapit ako at pinirmahan ang isang form habang inaakyat na ng mga tauhan nito ang inoorder ko.
"No problem. You're just in time dahil may meeting ako kanina. Anyway, yan lang yata ang na-order mo, at hindi na kami magtatagal medyo malalim na rin talaga ang gabi."
"sige pare, salamat," hindi ko na sila hinatid pa sa labas dahil kailangan kong kumilos ng mabilis.
Hindi nagtagal ay parang magic lang na nag.transform ang kwarto. Before ay sobra akong nagalit pag-uwi na ibang kulay ng kurtina ang nakasabit sa bintana, ngayon ko lang na.appreciate na binigyan pala nito ng buhay ang kwarto na 'to. Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako at pumasok sa kwarto at naabutan ko lang na natutulog na si Minerva habang hawak-hawak nito ang cellphone and I noticed that John is on the line. Hindi ko na pinatay ang tawag at hinayaan ko lang.
"Baby, let's go to our bed." Sabi ko sa natutulog na si Minerva at binuhat ko siya at dahan-dahan dinala sa silid ko at pinahiga sa kama. Ni hindi pa rin ito natinag habang binihisan ko na rin ng damit ko baka magkakasakit pa ito sa suot nitong napaka.dilikado. "I am so sorry if I kept on hurting you, I promise, aalagaan kita wag ka lang mawala sa buhay ko. Isang beses lang ako dapat makasal at ikaw na yun." Sabi ko.
Pasado ala una na ng madaling araw at hindi pa rin ako inaantok. Kinuha ko ang cellphone nito naka.end call na si John. Walang password kaya malaya kong na.open ang gallery nito. Puro iyon picture ng pagkain na kinain nito sa isang party. She's a good photographer kaya napangiti ako, from party to sea, nawala ang ngiti ko dahil sa suot nitong bikini. Napalunok ako ng laway dahil sobra nitong sexy nitong black two piece. Hindi ko nga halos matanggal ang mga mata ko dahil wala talaga itong baby fats at confirm ako sa area na yan. Nag-iinit ang taenga ko at hindi ko maintindihan ang naramdaman ko dahil may picture sila ni John at sobrang namimihasa na itong si John kaya pala sinasabi nitong siya ang magiging karibal ko?
Tinignan ko siya dito sa sofa at napako ang mga mata ko sa mahabang peklat sa binti nito. As a doctor ay masasabi kong matagal na yung sugat pero kapag titigan naman ay saka pa mahahalata. Mahaba yun at alam kung mas mahaba pa yun nung panahon na nagkasugat ito.. She was hurt physically and now I am hurting this innocent woman emotionally.
Tumayo ako at kumuha ng cream sa drawer and applied it on her legs. Now I know, hindi kabaliwan ang gusto ko sa buhay. I need her to be with me all the time.
If only I could turn back time pero naniniwala akong hindi pa rin huli ang lahat para sa amin.
____________Chapter 9______________