Chapter 10

3254 Words
Minerva's POV Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako para puntahan si lola sa silid nito pero narinig kong may tawanan sa hapag-kainan kaya dumiritso ako dun pero napahinto ako dahil narinig ko ang boses ni Mama Grasya at Papa Jonas. Dahan-dahan akong umatras para hindi ko madisturbo ang moments nila dahil ngayon lang sila ulit nagkasama sa sobra nilang busy sa trabaho habang ako dito ay naghihintay lang hanggang sa mabagot. Dahan-dahan ang pag-atras ko pero biglang may tumulak sa akin at umakbay papunta sa kusina. Napalingon ako at nakita kong nakangiti si Kevin. "I've been waiting for you to come down baka kasi mahiya kang sumabay mag.breakfast." bulong ni Kevin. "Morning guys." "Good morning." Sagot nila. "good morning hija, come here already." masayang bungad sa akin ni Mama Grasya at sumunod naman ako. Umupo ako sa tabi ng upuan ni Kevin habang nasa microwave pa ang binata at may kinuha dun.  "kumusta ka na dito? balita ko nag-enjoy ka raw sa Marco Polo." napatingin ako kay Papa Jonas. Hindi kami madalas magkausap ni papa Jonas kaya medyo natatakot ako sa kanya pero ngayon ay magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Siguro dahil nakauwi na ito. "ah opo. Sobra po kasing ganda ng lugar pa. Nag snorkeling din po kami ni John at lola dahil sobrang linis po ng dagat." Masayang balita ko sa kanila at sa nakikita ko ay ngumiti naman si Papa at si Mama Grasya. "I'm glad you're having fun. Kevin what about you, give some special time with your wife kahit wala pa ang honeymoon niyo dahil iniintindi din naman namin na busy ka pero hindi ka raw kasama, ano bang nagpapabusy sayo where you've got the privilege na wag magtrabaho for special occasions, paano kayo magkakabuo niyan?. Ano bang ginawa mo at hindi ka sumama? Ibang babae na naman ba ang inaatupag mo? you can do that once you're divorced. I don't do that to your mom sana matino ka rin." para akong nabilaukan ng sarili kong laway sa sinasabi ni papa Jonas. Sobrang easy lang nilang sabihin yun dahil hindi sila ang nasa sitwasyon ni Kevin. Iniipit na naman nila si Kevin kaya napatingin ako sa kanya na mahigpit na humawak sa kubyertos nito. Naiinis ako kay Kevin pero mas naaawa ako sa kanya kapag nasa harap na siya ng mga magulang niya dahil para itong bata na sinisermonan ng mga nito. Hindi niya deserve na ganito ang makukuha niya mula sa parents niya dahil hindi naman niya plano ang mag-asawa ng katulad ko. "Pa, naintindihan ko po na busy si Kevin. May plano din naman po kami talaga." Pagtatanggol ko sa binata kaya napatingin din siya sa akin. "relax dad. after this meeting ay ibibigay ko na ang panahon ko sa kanya." sagot naman ni Kevin at napadako ang tingin ko sa lechong paksiw na mainit na. wow ang bango. "very good son... Hija, I have some gifts for you later, I am pretty sure na magugustuhan mo ang mga pinamili ko para sayo. Ikaw talaga ang pumasok sa isip ko ng makita ko ang mga yun.. Lechong paksiw ba yan?. Give me a lil bit of this. I crave for this." sabi ni Mama Grasya at kumuha din sa lechong paksiw na nasa harapan ko kaya nilagay ko ito sa gitna.. Napahanga ako sa kasimplehan ni Mama Grasya, Sobra nitong cool tingnan at nakakasuya yun dahil maintain talaga ang balance ng katawan nito. Parang dalaga pa talaga eh. "hija, aalis kami today because we are having our quarterly  meeting with the investors and the clients, I hope nasasanay ka na wala kami madalas dito sa bahay." sabi ni Lola at tumango ako. "naintindihan ko po, la." sabi ko at nagsimula na ring kumain. nakakatakam lang talaga ang pagkain eh.,  Napatingin ako sa sunny side up na nilagay ni Kevin sa pinggan ko at pinaulanan na naman yata ako ng apoy dahil nag-iinit ang mukha ko dahil hugis puso yun. Napatingin ako kay Kevin at kinidatan niya na naman ako. Ano to? Peace offering?? Di bali na nga, pagkain na eh hindi raw mabuti ang hindian mo ang grasya mo ang grasya na dumating. Gustuhin ko mang pigilan ang sarili ko ay hindi ko talaga mapigilan ang makilig dahil sa pagiging thoughtful ni Kevin. PAnay ang serve nito ng pagkain sa plato ko at hindi ko siya masaway dahil gusto ko rin naman kasi at alam ko sa sarili ko na pakitang-tao lang ang lahat ng ito ni Kevin pero bayaan na lang. Mami-miss ko ito pagdating ng panahon.. MAsisisi niyo ba ako kung ngayon lang  talaga ako nakaramdam ng ganitong saya sa puso ko. Hindi ako nakaranas magka-boyfriend kaya keri lang yan. Pagkatapos naming mag-agahan ay sabay-sabay na din silang umalis at hinatid ko pa sila lola hanggang sa may garahe. Nauna ng umalis si mama at papa dahil dadaan pa ito sa  "have some fun here kahit mag-isa ka lang, find some hobbies, cooking, baking or whatever you wanted to do today. Wag kang mahiya kung gagamitin mo ang kusina.. gusto mo ba papuntahin ko si John dito para hindi ka malungkot?" "la, don't! hindi ako papayag sa plano mong yan. Hindi maganda para kay Minerva na andito si John. Alam mo naman ang mga iniisip ng mga tao dito sa bahay baka anong masamang iisipin nila kung pupunta dito si John na silang dalawa lang ang andito." sabi ni Kevin at napairap ako sa sinasabi niya, O siya na ang tama. di ba?? Sumakay na si Lola at marahan kong  isinara ang pintuan na nasa gilid niya., Napalingon ako at nakita kong blangko ang mukha ni Kevin. "Mine, hindi na ako papayag na magkasama pa kayo ni John ha... at wag kang nagpapakita ng katawan mong yan sa iba. ako ang asawa mo at hindi ka allowed magpapakita ng katawan sa ibang lalaki at sinasabi sa harap nila mommy na nag-enjoy ka na kasama si John. Naiinis ako." napanganga ako sa sinasabi niya at napatingin din ako kay lola baka  nakatingin ito sa loob sa biglaang reaksyon ni Kevin. "hindi ako nagpapakita ng katawan. May suot akong damit. bakit mo naman yan nasabi?." tagis ang ngipin ko habang sinagot ko siya. Anong klaseng commandment yun at parang wala yun sa kontrata at ang oa niya lang po ha. "but you wore some sexy bikini outfits, sweety at naiinis akong isipin na pinagpyestahan ka ng ibang lalaki." May halong galit na ang boses nito at hindi ko maiwasang isipin na nagseselos ito. "Kevin relax. Ano namang dapat susuotin ni Minerva, dapat ba naka-pyjama habang naliligo sa dagat? come on. Hindi naman silang dalawa lang ang andun. I was there kaya hindi ka dapat nagseselos ng ganyan." Sagot ni lola nang binaba nito ang windshield ng sasakyan "hindi yun sexy. dahil hindi naman ako sexy. Wala ngang curve ang katawan ko." Depensa ko dahil totoo namang hindi ako sexy sa payat kong ito? "I say what I saw at your phone hindi ako nagseselos lola for you information. Pinapayuhan ko lang siya na wag magsuot ng mga daring outfits liban kung ako yung kasama niya. She's not a wife of anybody else." "ewan ko sayo." sabi ko at tinalikuran ko na siya pero sumunod ito sa akin. "hintayin mo akong umuwi. after meeting ay uuwi rin ako kaagad. may gift din ako sayo." Sabi nito habang hinila ang braso ko. "hindi ko birthday." bakit naman siya magbibigay, saka na kapag birthday ko na. "i know." "ewan ko sayo---" "tsups!!!" nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya pagkatapos niyang hatakin ang braso ko. Blink. Blink. "see you later, my wife,." sabi niya sabay kindat sa akin at naramdaman kong nasusunog ang mukha ko. Baliw ba siya? anong akala niya sa kin? katulad ako ng matino niyang girlriend? shet,. napaka-playboy talaga ng kumag na yan. "huwag mo akong pinagbibiro, Kevin."  sabi ko at sumakay na ito sa sasakyan nito na hindi ako sinagot kaya naiinis ako sa kanya. nakalabas na sila ng gate at dali-dali akong tumakbo sa mga garden ko at sinabi sa mga bulaklak ang nararamdaman kong inis na pinaghaluan ng kaunting saya. Nalilito ako na nagagalit at nauubusan din ng pasensya sa lalaki pero inaamin kong natuwa ako sa paghalik niya sa akin. Kung ganun ang gagawin niya ay malamang magbabago ang isip ko. "pasalamat talaga kayo at naging bulaklak lang kayo." sabi ko habang dinidiligan sila. Napadako ang tingin ko sa isang kasambahay na papalapit sa kinaroroonan ko. Si Jing, dalaga pa rin ito at baguhan lang daw dito sa bahay. Yun ang narinig kong usapan ng ibang mga kasambahay. "Ate Minerva." tawag niya sa akin at tumakbo siya ng mabilis. "bakit  Jing?" "wala. Napansin ko lang kasi na wala kang kinakausap dito sa bahay. gusto sana kitang lapitan baka ayaw mong makipag-usap." "ah.. wala din naman kasing nakikipag-usap sa akin dito. Sa tuwing pumupunta ako ng kusina ay nagsialisan na lang sila." Pinagmasdan ko ang ginawa niya at tinanggalan niya ng mga patay na dahon ang mga bulaklak. "andito naman ako. Nahihiya nga lang ako sayo." "Jing, ilang taon ka na?" tanong ko dahil mukha pa kasi siyang bata. Actually mas vata pa siya kesa sa akin siguro. "21 years old na ako, ate. May isang magandang baby girl na two years old na atsaka single mother po ako." Napanganga ako sa sinabi niya. May anak na siya sa ganyang edad? wow naman. "nasaan ang tatay ng baby mo?" "wala. hindi kami tinadhana eh. Akalain mo namang may asawa na pala ang mokong na yun. Palapit-lapit pa sa akin na binata pa raw ang taong yun at talagang nauto niya ako sa murang edad kong yun. Nung magbuntis ako ay saka ako iniwan at sinabing may asawa na pala ito.." napanganga ako sa mahabang sagot ni Jing, biktima din pala  ng pag-ibig si Jing. Sobrang bata pa ni Jing para magkaroon ng anak at wala pang katuwang sa pag-aalaga ng anak nila. "ang bastos naman ng lalaking yun. merong mas deserving sayo Jing, Bata ka pa naman. Makakahanap ka pa ng mas responsabling lalaki dyan. Kalat na kalat pa naman ang mga babaero ngayon mag-iingat ka lang." "hahah swerte-swertehan lang yan. Hindi ako kasing-ganda mo Ate Minerva para makahanap ng katulad ni Dok Kevin. Sobrang bagay niyo pong dalawa kay approve na approve talaga sa akin. Kayo na ang the best couple na nakita ko.." Nag dalawang thumbs up pa ito kaya napangiti ako. "hmmm.. hindi naman kami tunay na mag-asawa Jing. Alam niyo naman dito sa bahay kung ano niya lang ako." Sabi ko sa kanya dahil alam kong alam na ng lahat dito sa bahay kung ano ako ni Kevin. "para sa ating mahihirap ay sobrang swerte na rin na makapag-asawa tayo ng katulad ni Dok. Nakaranas ka ng isang gwapong lalaki, nakakakilig kaya yun.. Sana nga lang kayo na talaga habangbuhay. Sobra niyo pong cute tingnan." "hmmm magsisisi ka rin kung hindi naman kayo magkasundo, Jing. Mas masarap yung nag-asawa ka ng hindi sapilitan. talagang mahal na mahal niyo ang isa't-isa at sigurado na kayo sa nararamdam niyo. Pasasaan ba at gwapo kung marami namang babae ang nagmamay-ari sa kanya, di ba?" Tinutukoy ko si Stephanie. "Tama ka nga naman,  may nakuha akong lesson sa sinasabi mo." Natahimik si Jing marahil ay naisip din nito ang ama ng anak nito. Tahimik lang kaming dalawa ni Jing na nagpatuloy sa ginawa namin habang minsan ay nabahagi ko ang buhay ko sa eskwater. Mapalad siya dahil hindi siya nakaranas sa eskwater kundi sa probinsya siya tumitira.                      *********                    ************                     ********** Magtatanghali na ako umakyat pabalik sa kwarto namin ni Kevin para magpahinga dahil galing pa ako sa pagte-treadmill pagkatapos namin sa garden ni Jing, pansin ko ay tumataba na ako kaya diet-diet na naman ang iisipin ko ngayon. Ayokong masabihan ako ng matakaw dahil talagang lumalaki na ang lamon ko ngayon.. Ako na naman mag-isa dito sa bahay dahil may Board Meeting sina Lola at Kevin. Andun na rin si MAma Grasya at Papa Jonas sa ospital na may plano na namang may Medical Mission sa Mindanao. Sana magpapahinga naman silang dalawa kahit minsan lang.. Si John naman ay napunta daw sa Cagayan De Oro, katatawag lang niya sa Telepono at tinanong kung bakit hindi ako makontak sa bigay nitong cellphone sinagot ko naman na nag-charge muna ako, o di ba, may alam na ako sa mga cellphone na yan.  Nakakabagot dito sa Mansyon dahil wala akong magawa dahil nagsimula na namang umiyak ang langit.. Ay tama, may sss na ako eh, ginawan ako ni John dun sa Marco Polo, ma-try nga yang sss na yan kapag tapos na akong mag-charge. Tinignan ko ulit ang cellphone pero walang sign na nag charge yun. "Kanina pa to naka-charge ah."  Tiningnan ko ang cellphone ko pero hindi gumana. Ano bang ginawa ko bakit hindi to gumana? Nadaganan ko ba ito nung tulog ako? Oo nga pala, nung magising ako bakit hawak to ni Kevin kanina gayong nasa kabilang kwarto ko to iniwan kagabi. Paanong nanghiram ito gayong may sariling cellphone naman ang loko? Hindi kaya nasira na to? Tama, ipapatingin ko to sa may cell repair shop mamaya. Pagkatila ng ulan ay kaagad akong umalis para magpatingin sa cellphone ko. Parang siniswerte na rin ako ngayong araw na to dahil walang nagpapa.ayos ng mga cellphone. "Kuya, ipapatingin ko lang itong cellphone ko dahil hindi na kasi gumana,.." "ok maam, eche-check ko muna maam." Naghintay pa ko ng ilang minuto at may ilang customer na rin na pumasok sa naturang tindahan. "excuse me, maam." tawag sa akin ng lalaki at dali-dali akong lumapit. "ok na ba? Magkano ang mababayaran ko?" "Ma'am, hindi po okay. Na-virus po ang cellphone mo ng Loapin Trojan Virus po. Ibig sabihin, hindi na po magagamit totally ang cellphone mo." "Ha? Pero nung isang araw pa ito binili ng bestfriend ko sa MArco Polo." "Posible din na pinasahan yang cellphone niyo, wala po tayong anti-virus dito para sa Loapi maam. Napaka-delikado niyan kung may mga devices pa kayo sa bahay, kung anu-ano ang pinapasak ng devices ninyo.." Para akong tinakasan ng gana sa sarili ko dahil nakasira ako ng bagay na kabibigay lang sa akin. Paano ko ba sasabihin kay John? Paano ko matawagan si Tatay? Wala naman akong alam paano yan nagka-virus liban na lang na last touch si Kevin.... Humanda ka sa akin pag-uwi Kevin, magpapalit talaga ako kaagad ng katulad nito. Nakakainis na talaga ang lalaking yun.  "250 po ang bayad ma'am." Napanganga ako sa sinasabi niyang bayad. "ha? seryoso ka ba sa sinasabimong yan? Hindi mo nga na-ok ang cellphone ko?" "eh. Nagpapa-check -up kayo tapos hindi ka nagbabayad." Nag-abot ako ng bayad at lumabas ng tindahan. Nakakainis. nakaka-bad trip. _______________________________________ Kevin's POV "Alin dito ang pinakamahal na cellphone?" Tanong ko sa isang sales agent sa isang cell shop. Maraming cellphone ang nakita ko pero gusto ko yung the best cellphone para sa asawa ko. "Ito po sir, napakaganda na ng camera nito true to life color na po ang kuha nito at malaki na rin ang storage for pictures, videos and music, at ito rin po ang pinaka-latest model na phone sa brand na ito." Sagot ng lalaki. "How much?" "Eighty Two Thousand po sir and you have additional discount if cash payment, and you can avail more freebies in this model,sir ." Paliwanag ng promoter ng brand. "Ok, I pick this one for cash. Yang kulay pink for my wife." "Thank You so much, sir. Just wait for a moment sir at ihahanda ko lang po ang mga items." Excited na akong ibigay to kay Minerva. Hindi ang isang Juan ang magbibigay ng cellphone sa asawa ko dahil napakalaking insulto yun sa akin. Ano siya Knight in the Shining Armor at Damsel in Distress ang asawa ko? Maintindihan ko pa si Minerva dahil hindi naman niya ako kilala. Wala akong masamang ginawa sa cellphone na yon ha, inano ko lang, binigyan ng leksyon ang cellphone na yon at sino naman ang may payag na magsuot ng one piece swimsuit si Minerva and worst si John pa ang kasama nung araw na yun? Nakakalamang Na ng marami ang John na yun at nakakainis na siya. "Wag mo ng e-demo, baka sabihin pa ng asawa ko hindi yan brand new." Sabi ko sa promoter. "Ok sir. These are the freebies and this way to the cashier." Sumunod ako sa kanya at inabot ko lang sa kahera ang credit card. "sir may promoion po tayo today, baka gusto mo mag-avail ng 0% for 3 months installment sir." "Not installment." Sagot ko and she swiped the card immediately. "Thanks." Sabi ko matapos kong bayaran ang binili kong cellphone. "T-Thank You so much Sir. P-Please come again." Kailangan ba talagang mag stutter kung magpapasalamat? Ang pula ng mukha niya, ganun ba make-up niya? Dali-dali akong umuwi dahil nagugutom na ako. Hindi ko na nga hinintay pa sina lola na umuwi dahil sinadya ko talagang dumaan ng mall para bumili ng panibagong cellphone para sa babaeng natitira sa bahay at paniguradong galit na galit na ito sa akin kapag nalaman na nitong sinira ko ang cellphone nito... purposely. Pagdating ko dun ay napangiti ako sa naabutan ko. Who will not? Sinalubong ako ng asawa ko,  maiksing bulaklaking short na kulay blue, at naka-spaghetti strap ito. Ngayon ko lang napansin na maputi pala siya.  Litaw ang kaputian nito. Marunong na palang magdamit ang misis ko. Ang saya ko kahit nakabusangot ang mukha nito at namamaga ang talukap ng mga mata nito. "Sinira mo ang cellphone ko!!" Sabi nito at bigla na lang umiyak. Kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at inalo. "Umamin ka sinira mo ang cellphone ko!" "Hindi ko sinira. Balak ko lang maglaro kanina pero bigla na lang  na-hang up at na shut down. Parang na-virus yun." I have to lie. Sorry wife, I really have to lie dahil hindi ko type yang cellphone mo lalo na at ibang lalaki ang nagbigay nun sayo. Issue yun sa part ko. "Paano ko na matatawagan sina tatay?" "Don't worry bumili ako ng bagong cellphone mo. Papalitan ko naman kasi yung pekeng cellphone. Di ba sabi ko sayo may gift ako sayo? Guilty din naman kasi ako na  nasira yun dahil ako talaga ang maisipan mo dahil hawak-hawak ko ang phone mo kanina" s**t, I became this great liar para lang hindi siya magalit sa akin. Para naman itong bata na tumahan at tinignan ang dala kong bag ng cellphone. BAkit ba naging moody siya ngayon? Ang dali nyang umiyak e hindi naman kaiyak-iyak ang cellphone na yun. Ganun na yun binigyan nya ng Sentimental Value? "Sayo na yan." "Talaga?" binuksan niya ang box at todo ang ngiti niya. Napangiti ako ng husto dahil hindi ko alam kong bakit ko pa binuksan ko ang box sa kotse para mag selfie ng todo. PEro at least hindi big deal sa kanya na hindi na yun silyado. "Oo. Andyan na rin ang cellphone number ni Tatay. Na save ko na." Siyempre kinabisado ko na. Mahirap na. "Ok. Thank you." Yun lang at bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Napakurap ako at sinundan lang siya ng tingin na kaagad pumasok sa bahay at naiwan akong nakatanga lang. Wala man lang yakap dahil binilhan ko siya ng bago? sa mahal ng cellphone na yun tapos wala akong nakuhang award? naninira ka ng cellphone tapos hihingi ka ng award? sabi ng konsensya ko. Mabigat ang mga paa ko na pumasok ng bahay at naabutan kong nasa kusina ito nakikipag-kwentuhan sa isang kasambahay. Nagtatampo ako kaya dumiretso ako sa silid para magpahinga.                                      ----end of Chapter 10----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD