KATATAPOS lang ng meeting nina Arrielle ng gabing iyon nang lapitan siya ni James Arthur. “Pwede ba kitang makausap?” anito nang lumapit sa kanya. “Ano naman ang pag-uusapan natin? Wala akong alam na may dapat tayong pag-usapan, maliban na lang kung tungkol sa organization,” walang gatol na sagot ni Arrielle. Sa lahat ng miyembro ng kanilang organization, si James Arthur ang isa sa pinakaayaw niyang makasama o makausap man lang. Ang yabang kasi nito, kung umasta akala mo ay pagmamay-ari nito ang buong university. Oo nga’t magandang lalaki ito pero nasobrahan naman ng hangin sa katawan lalo na sa utak nito. Ang taas ng tingin sa sarili. “Walang kinalaman ang organization sa pag-uusapa

