“H-HINDI pero siya ang kasama ko na pumunta dito. Kaya dapat lang na magpaalam ako sa kanya na aalis na ako,” katwiran ni Arrielle. “Mag-text ka na lang sa kanya.“ Sa pagkakataong ito ay naging malumanay na ang tinig ni Enrico. Kaya wala na siyang nagawa nang ilabas siya ni Enrico sa gym. “Hindi ka ba hahanapin ng mga kasama mo?” nag-aalalang tanong niya nang nasa labas na sila ng gym. Inabala na niya yata ang pagtugtog nito. “Nagpaalam na ako sa kanila. Naintindihan naman nila ang sitwasyon ko. Saka mas mahalaga ka naman kaysa sa banda,” wika ni Enrico. Gusto niyang matuwa sa sinabi ni Enrico. Ngunit ayaw niyang umasa. “Hoy, huwag mo ng

