NAPATINGIN si Arrielle sa entrance. Umaasa siyang makikita doon ang pagdating ni Enrico. Ngunit wala pang limang minuto siyang patingin-tingin sa entrance nang marinig ang announcement ng emcee na pinatatayo sila para sa pagsisimula ng program. Matapos ang doxology at pag-awit ng Lupang Hinirang at SMU Hymn ay tinawag na ang magbibigay ng opening remarks. Pagkatapos ng speech ay muling nagsalita ang emcee. “Ladies and gentlemen, let us all welcome the pride of the College of Engineering and Technology, the one and only BOYZ Band for their opening number.” Malakas na hiyawan at palakpakan ang sumunod na narinig ni Arrielle. Kaya naman pala hindi n

