“ANG GANDA talaga ng kaibigan ko! Sigurado ako, pag-aagawan kang maisayaw ng mga kalalakihan. Baka mamaya niyan ay hindi ka na makakaupo sa dami ng gustong makipagsayaw sa iyo. Bestseller ka na niyan,” tuwang-tuwa na sabi ni Diana habang pinanonood siya nitong mag-make up. “Sobra ka naman. Hindi naman ako paninda para maging bestseller. Saka hindi lang ako ang babae doon. Imbitado nga ang buong CHA kaya siguradong marami ding magagandang babae na pupunta roon,” natatawang sabi niya. Ibinaba na niya ang hawak na salamin at isa-isa na niyang ibinalik sa pouch ang mga ginamit niya sa pagmi-make up. “Pero siyempre, ikaw ang pinakamaganda doon.” Sinulyapa

