“IKAW BA ang gumawa niyan?” Napapitlag si Arrielle nang marinig ang pamilyar na tinig. Nang lingunin niya ito ay nasa likuran lang pala niya si Enrico. Nakakunot ang noo nito habang pinagmamasadan ang painting. Sinalakay siya ng matinding nerbiyos. Pakiramdam niya ay may mali sa paraan ng pagtitig ni Enrico sa painting. Ano kayang nakikita niya doon? “Oo. Nagustuhan mo ba?” Hindi agad sumagot si Enrico. Ilang sandaling nakatitig muna ito sa painting bago tumingin sa kanya. “Maganda. Ganyan ka pala kagaling na mag-paint. Parang buhay na buhay ang iginuhit mo. Saan mo kinuha ang eksenang iyan? Naisip mo lang ba?” Napatingin siya sa

