“AYAW mo bang sumakay?” putol ni Enrico sa daloy ng pag-iisip niya. Napatingin siya rito. Hindi niya namalayang nakasakay na pala ito sa motorsiklo at umaandar na rin ang makina ng sasakyan nito. “Late ka na. Baka pagalitan ka na ng mga kasama mo, lalo na si Sherwin.” Pagkarinig niya sa pangalan ni Sherwin ay bigla siyang nataranta. Agad siyang sumampa sa likuran ni Enrico. Nang kumapit siya sa beywang nito ay saka pa lang pinatakbo ni Enrico ang motorsiklo. Ayaw man niyang aminin ngunit nakaramdam siya ng relief habang nakadikit ang katawan sa binata. It feels good to be with him. “Kilala mo ba si Sherwin?” Naisip niyang itanong iyon. May sinabi kasi noon

