KAUUPO pa lang ni Arrielle sa bench nang may marinig siyang nagsalita sa tabi. “Mabuti naman at nakita kita dito.” Nang lingunin niya ito ay napansin niya ang nakangiting mukha ni Sherwin na nakatayo sa tabi nya. Napangiti rin siya. First day ng enrollment nila para sa second semester. Matapos ang mahigit dalawang linggo na bakasyon ay ngayon lang niya uli ito nakita. “Bakit anong kailangan mo?” nakangiting tanong niya rito. Habang tinititigan niya ito ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang dahilan at bakit inayawan ito ng isang babae. Bukod sa guwapo na ay mabait din ito at matalino pa. Well, siguro nga hindi lang talaga ito type ni Mary

