NAGISING na lang si Arrielle sa marahang yugyog sa kanyang balikat. Nang imulat niya ang mga mata ay muntik na siyang mapasigaw. Nakayuko sa kanya si Enrico at ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Kaunting na lang at mahahalikan na siya nito. “Enrico, anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong niya rito. Inilayo nito ang mukha sa kanya at umaayos ito sa pagkakatayo sa tabi niya. “Ginigising kita kasi kanina ka pa natutulog. Nandito na tayo sa bayan ng San Miguel. Pero hindi ko naman alam kung saan ang bahay ninyo rito.” Umayos na rin siya sa pagkakaupo saka iginala ang kanyang paningin sa paligid nila. “Alam mo ba iyong d

