“TEKA LANG, ha? Arrielle kilala mo ba ang mayabang na lalaking ito?” Mataas na ang boses ni Carlo Miguel. Napikon na yata ito sa biglang pangingialam ni Enrico. “Ah, oo. K-kasama ko siyang uuwi,” napilitang sagot niya. Mukhang magkakainitan ang mga lalaki dahil sa kanya. Kaya magtitiis na lang siya sa motorsiklo ni Enrico kaysa sa pag-awayan pa siya ng dalawang lalaki. Nang tumayo siya ay hinila naman ni Enrico ang maleta niya habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa kamay niya. Nang akmang babawiin niya ang kamay ay lalong hinigpitan nito ang paghahawak sa kanya na para bang ayaw nitong pakawalan siya. “Halika na. Nasa kabilang gate ang sasaky

