“GUSTO MO bang tulungan kita diyan?” tanong ni Arrielle kay Diana nang mapansin ang kaibigan na nahihirapan ito sa mga dala nitong gamit. May nakasukbit na malaking backpack sa likuran nito bukod sa bitbit nitong malaking travelling bag. Samantalang siya ay naka-sling bag lamang habang hinihila ang malaking maleta na de-gulong. “Paano mo naman ako matutulungan? May dala ka rin namang mabigat, ah.” Inginuso ni Diana ang maleta niya. “Bakit ba kasi ang dami mong dala? Para bang wala ka nang balak bumalik ng dorm, ah. Magse-sembreak lang naman tayo, eh.” “Inuwi ko kasi lahat ng damit ko pati na iyong kumot at bedsheet ko. Saka lahat ng ga

