TITIG na titig si Arrielle sa salamin habang naglalagay ng make-up sa mukha niya. May parte ng isip niya ang natutuwa dahil kasali siya sa mga kandidata ng Miss Lantern Queen. Ngunit may isang bahagi rin ng isip niya ang hindi natutuwa sa mga nangyayari. Ayaw na niya sanang sumali pa sa mga beauty contests. Alam kasi niyang mahihirapan siyang makuha ang korona katulad noong sumali siya ng Miss SMU. Hanggang second runner up lang ang inabot niya. Mabuti pa ang Ate Andrea niya kapag sumasali ng beauty contest ay laging nakukuha ang korona kung hindi man ay first runner up. Oops, bakit na naman ba niya naiisip ang Ate niya? Don’t go there, Arrielle. You’ll

