“HOY, ARRIELLE! Bakit nandiyan ka pa? Wala ka na bang balak umuwi? Malapit nang dumilim. Kanina pa tayo pinahinto ni Sir. Ikaw na lang ang naiwan diyan. Bukas na lang daw natin itutuloy iyan.” Napasulyap si Arrielle sa pinanggalingan ng tinig. Napansin niya ang kasamahang si Sherwin na nagkakamot ng ulo sa likuran niya. Nasa College of Education sila ng oras na iyon dahil kinontrata ang Artist Club na gumawa ng mural painting sa bagong tayong pader ng kolehiyo. “Anong oras na ba?” Ibinaba niya ang hawak na palette. “Hindi ko narinig iyong sinabi ni Sir,” wika niya habang inililigpit ang mga gamit. “Eight-fifteen na. Kanina

