Nahirapan si Kathleen na ibangon ang kompanya dahil na rin sa napakarami ng advertising agency ngayon at hindi na sila makasabay. Malapit nang maubos ang savings niya. Malaking bagay din talaga na nakatira sila sa bahay ng Lola niya ngayon dahil hindi na sila gumagastos ng upa sa apartment. Kahit gastusin sa pagkain ay hindi na nila iniintindi. Nagbago na nga talaga ang pakikitungo ng Uncle Dickson niya sa kanila. Pero ang pagbabagong iyon ay may ibang dahilan. Ilang beses niya nang napapansin ang mga lihim nitong sulyap. O ang pasimple nitong pagtayo sa likuran niya kapag nasa kusina siya at wala ang Papa niya. Kaya madalas ay hindi siya namamalagi sa bahay dahil iniiwasan niyang magkaroon ng pagkakataon na sila lang dalawa sa bahay. Nagtatrabaho na bilang ahente ng kotse si Do

