"Napakasinungaling talaga niyang pinsan mong bruha!" inis ding wika ni Lani habang nagkukuwento siya sa mga nangyari kanina sa bahay. Umawat na rin ang Papa niya sa away nilang dalawa pero hindi pa rin mawala ang galit ni Donna lalo na't ito ang unang apektado sa gusto ng ama na maglagay na ng CCTV camera sa gate. Hindi na ito makapagpapasok ng lalaki sa kwarto. "Hintayin lang niyang magkaahon ang kompanya lalayasan talaga namin sila ni Papa," paniniguro naman niya. "Bakit kasi hindi mo pa isara na lang 'yan, pinipilit mo pang ibangon e wala na nga. Huwag ka nang masyadong sentimental. Mga larawan na lang ng Mama mo ang itago mo bilang souvenirs, huwag na ang kompanyang hihila sa 'yo pababa." "Oo nga eh. Sa tingin mo, hindi na talaga 'to aahon? Kahit si Papa nawalan na ng pag-asa eh.

