"Bakit wala si Miss Manzano?" tanong ni Laurenti kinabukasan na pumasok siya sa opisina ng Solace Advertising. "Hindi ho pumasok, sir. Pero nagbilin ho ng mga trabaho niya dito ngayon. May kailangan ho kayo?" "What? Alam ba ni Brandon na wala si Kathleen ngayon?" "Magkausap ho sila kanina. May emergency daw ho sa bahay nila kaya baka bukas o sa makalawa pa siya papasok." "What kind of emergency?" "Hindi ko ho alam. Hindi niya naman ho sinabi kaninang magkausap kami. Pero sabi niya tawagan ko lang daw ho siya kapag may kailangan ako." Kahit paano ay nahimasmasan siya nang sabihin ng sekretarya na nakakausap naman nito si Kathleen. Muntik niya nang nakalimutan ang narinig niyang pag-uusap ng dalaga at ni Donna. Nawawala ang Papa ni Kathleen at hinala nito na may kinalaman si Dickson

