Nagising akong natutulog sa tabi ko si Art. Nakaupo siya sa monoblock chair habang nakayuko ang ulo sa kama. Hahawak hawak niya rin ang kaliwang kamay ko. Napangiti na lang ako sa simple gesture niya na ito.
Tinitigan ko si Art. Ang himbing nang tulog niya. Natatakot ako na gumalaw dahil baka magising siya. Alam kong hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil binabantayan niya ako. Kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hindi niya ako kailangang bantayan.
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nito. Sinenyasan ko kaagad si Xel na huwag maingay. Napangiti siya nang makita niya si Art. Tumabi siya sa kanang gilid ko.
“Dito natulog `yan?” bulong na tanong niya.
“Oo, pinapauwi ko ayaw, e. Pinauwi niya si Mama,” sagot ko na pabulong din.
“Loko talaga `yan. Hindi nagpaalam kay Tita sa `kin tuloy hinahanap,” tinapik niya ako nang mahina sa braso, “Ayos ka na ba? Puwede ka na bang umuwi?”
Tumango ako. “Ayos na ako, sabi ni Mama aayusin lang daw nila `yung sa health card at puwede na akong lumabas,” nakangiting sagot ko sa kanya.
Napatingin ako kay Art nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko. Umungol siya nang mahina at bumaling sa kabilang side ang kanyang ulo. Para siyang nananaginip.
“No,” mahinang sabi ni Art. Lumipat sa tabi niya si Xel. “No!”
“Art!” sabay na gising namin sa kanya.
“Please, no!” sigaw niya bago siya tuluyang magkaroon ng malay.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ko. Bigla niya akong niyakap. “Hey!”
“Thank, God. Akala ko kinuha ka na nga niya sa akin,” parang hinihingal na sabi niya.
“Art, you’re having a nightmare?” nag-aalalang tanong ni Xel.
“No, I’m fine,” sabi niya sabay titig sa akin, “I’m fine, it’s just a dream.”
“You’re screaming, tapos sasabihin mo sa akin it’s just a dream?” medyo naiinis na tanong ni Xel.
Nilingon na siya ni Art. “Xel, I’m fine. I’m okay. So, don’t worry,” pagsisiguro niya.
“You should visit mom later,” suggestion ni Xel.
“Why? I said, I’m fine. Okay lang ako,” pangungumbinsi niya pa.
No. He’s not okay.
“Art,” tawag ko sa kanya, “If you’re really okay bakit ka natatakot na pumunta kay Tita? You said you’re okay, so everything will be alright, `di ba?”
“Alright, I’m going because you say so,” sumimangot siya, “But I’m really fine, why you don’t just believe me?” he stressed out. K-in-iss niya ako sa forehead. “I’ll be back before ka ma-discharge. Maliligo na din muna ako,” paalam niya.
Masunuring tumango tango ako sa kanya. “Siguraduhin mong dadaan ka kay Tita, ha?”
“Yes, Ma’am,” napipilitang sagot niya. Tumingin siya kay Xel. “Take care of her, huwag mong papagurin `yan, ha?” bilin niya pa.
“Opo, alam ko,” sagot ni Xel sabay irap. “Alis na, tatawag ako kay Mommy para siguraduhin na dumaan ka do’n. Ayaw mong pag-alalahanin si Isay, `di ba?” pangba-blackmail niya.
“Whatever, I’m going,” paalam niya na. Ngumiti muna siya sa akin bago tuluyang umalis.
“We’re not cousins,” pasupladang sabi ni Xel.
“Baliw,” natatawang sabi ko. “Xel, bakit s-in-uggest mo na pumunta na kagad si Art sa mommy mo?”
“Bakit mo siya pinilit hindi mo naman pala alam ang dahilan?” natatawang balik niya sa akin.
“I don’t know, feeling ko lang it’s the right thing to do,” hindi mapakaling sagot ko. “I know, he’s not okay.”
“Sa akin normal na nagkakaroon ng nightmare si Art, but the last time na nagkaganoon siya ay months ago pa. As in sobrang tagal na. `Yung last check up niya nung isang araw, sabi ni Mommy she think na nagkakaroon na ng harmonization `yung brain and heart ni Art,” saglit na napaisip siya, “I mean, mentally and emotionally ready na siya. So, it means, he already moved on,” paliwanag niya.
“So, having a nightmare now is not normal?” tanong ko.
“I don’t know, baka?” alanganing sagot niya. Huminga siya nang malalim. “Alam mo `yung déjà vu?” tumango ako. “Paano ko ba i-e-explain?” tanong niya sa sarili niya. “I’m not a psychology expert pero base sa tingin ko he’s experiencing again `yung na experience niya before. Parang nagkakaroon siya ng awareness na maaaring mangyari ulit `yung nangyari dati,” tinignan niya ako, “Are you getting my point?”
“Oo,” mahinang sagot ko.
Naiintindihan ko kung ano `yung sinasabi niya. Naiintindihan ko na hindi ako nakakatulong sa current state ni Art. Naiintindihan ko na maari kong ibalik lahat ng paghihirap na pinagdaanan na niya noon. Naiintindihan ko na maari kong saktan na naman ang damdamin ni Art. Malinaw `yon sa akin.
“Isay, are you okay?” tanong niya.
“H-huh? Oo,” tumingin ako sa kanya at ngumiti, “Si Ecka? Galit pa rin ba siya?” tanong ko. Pangatlong araw ko na rito, after nang sagutan namin hindi na siya bumalik dito.
“I haven’t see her. Siguro, nag-iisip isip pa siya. But don’t worry, parang hindi mo naman kilala `yung isang `yun. Paglumamig na ang ulo no’n kusa naman `yung pupunta sa iyo,” nakangiting sagot niya sa akin. “Don’t over think okay? Baka kung ano na naman ang mangyari sa iyo,” paalala niya sa akin.
“Opo,” masunurin kong sagot.
***
Nag-aayos na ako ng mga gamit ko dahil natangal na ang dextrose ko at inaayos na lang ni Mama ang mga requirements para makalabas ako. Konting oras na lang ay makakalanghap na rin ako ng medyo hindi sariwang hangin sa labas. Dati tuwing na oospital ako bagot na bagot ako. Ngayon, hindi masyado. Kasi nandito si Art at Xel. May nakakausap ako habang inaasikaso ni Mama ang mga bayarin.
“Ma, sagli—“ nagulat ako nang pagtingin ko ay hindi si Mama ang nakita ko. “Sino po sila?” tanong ko sa babaeng pumasok sa kuwarto ko. Medyo middle age na siya. Mga kasing edad siguro ni Mama. “May pasyente po ba kayo na magkukuwarto dito?”
“Ikaw ba si Isay?” mataray na tanong niya sa akin.
Napalunok ako ng ilang sunod. Kinakabahan ako. Sino ba `to?
“O-opo,” nauutal na sagot ko.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” seryosong tumingin siya sa akin, “I want you out in Art’s life. Hindi ka makakatulong sa patuloy na pag-recover niya,” diretsong utos niya.
“P-po?” naguguluhang tanong ko.
“I know I shouldn’t stress you out kaya, para less stress na sa ating dalawa,” lumapit siya sa akin, “Layuan mo na ang anak ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang makita ng isang ina na nasasaktan ang kanyang anak.”
“M-mommy po kayo ni Art?!” gulat na tanong ko. “P-pero—“
“Kung gusto mo ng proof, ito,” inabot niya sa akin ang isang video camera. “I hate seeing my son like that, pag-uwi niya kanina nagkaganiyan na siya.”
Nadurog ang puso ko sa nakita ko. Si Art. Nagwawala siya. Inuuntog ang sarili sa pader at sumisigaw ng ‘Tama na! Tama na!’. Kitang kita na hirap na hirap na siya.
“The last time na nagkagan’yan siya ay months ago pa. Ganiyan siya araw araw noong iniwanan siya ni Zarah, makakaya mo ba’ng makita siyang gan’yan? Ako bilang ina ay hindi. Masakit sa akin na nakikita ang anak ko na gan’yan,” halos maiyak nang sabi ng Mommy ni Art.
Tinignan ko ulit `yung video. Lalong dumudoble ang sakit.
“Alam kong naiintindihan mo ako, hija,” sabi niya sa akin. Humawak siya sa balikat ko. “At alam kong gagawin mo ang tama.” Kinuha niya sa kamay ko ang video camera at iniwanan ako.
Hindi ako makagalaw. Hindi ako makakilos. Tila dumikit na ako sa kinatatayuan ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang pagpatak ng mga luha ko.
Tama siya. Kung ako nasaktan sa pinanood ko, paano pa kaya siya? Siguradong doble ang sakit na nararamdaman niya. Naiintindihan ko naman, e. Alam ko naman. Dapat ngang tigilan ko na ito habang maaga pa. Habang hindi pa lumalalim ang lahat.
“`Nak, ayos ka lang ba?” Bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses ni Mama. “Ayos ka lang ba, anak? Bakit ka nakatayo d’yan at umiiyak pa?” nag-aalalang tanong niya.
“A-ayos lang po ako,” pinunasan ko ang mga luha ko, “Tara na, ma?” aya ko sa kanya.
“Aba, nagpapahintay si Art. Ihahatid niya daw tayo pauwi,” sagot niya sa akin.
“Hindi na, Ma. Nag-text siya sa akin, mauna na daw tayo kasi may dadaanan pa raw siya. Baka sumunod na lang daw siya sa bahay,” palusot ko. Ngumiti ako para mapaniwala si Mama.
Saglit na napatitig sa akin si Mama. “O, sige,” tila napilitang sagot niya.
***
“Ma,” tawag ko kay Mama nang makarating kami sa bahay.
“O, bakit?” mahinang sagot niya. Yumakap ako sa bewang niya. “Ano ba `yan? Bakit tila naglalambing ka?”
“Umuwi muna tayo sa probinsya, ma,” aya ko. “Finals na rin naman po namin, kukuhanin ko na lang po ng maaga.”
Tinitigan niya ako. “Aba, himala yata na ikaw pa ang nag-ayang umuwi ng probinsya ngayon,” hindi makapaniwalang sabi niya.
“Gusto ko lang po makapagpahinga, Ma. Sobrang stress na po yata ako dito, e. Napagastos pa tuloy kayo ni Papa,” hinigpitan ko ang yakap sa kanya, “Pati, na-mi-miss ko na po si Papa at Neil. Hindi na rin naman sila nakakabisita dito sa Maynila.”
Hinalikan ako ni mama sa noo. “Alam kong may dahilan ka kung bakit ka biglang nag-ayang umuwi nang Palawan bukod sa papa at kapatid mo,” hinawakan niya ang braso ko na nasa harapan niya, “At alam ko ring hindi mo `to sasabihin sa akin kahit pilitin pa kita,” huminga siya nang malalim, “Pero kung `yan ang gusto mo, sige. Uuwi tayo pagkatapos ng exams mo.”
Gigil na niyakap ko si Mama. “Salamat, Ma!” k-in-iss ko siya sa pisngi, “Thank you po talaga!” Tumango-tango na lang siya at inutusan na akong magpahinga na sa kuwarto ko.
Alam kong mali itong gagawin ko. Tatakasan ko si Art. Pero, ito ang makakabuti para sa aming dalawa. Siguro sa pagkawala ko matututo akong kalimutan ni Art. Gano’n din siguro ako. Sasamantalahin ko ang bakasyon para makapag-isip isip at kalimutan si Art.
Oo, tama. Para `to sa ikabubuti ng lahat.