“Te, okay ka lang ba?” Tumingin ako kay Melinda na nakatingin sa akin, nakakunot ang noo habang may hawak na Starbucks sa kanan niyang kamay habang sa kabila naman ay donut tsaka ito inilapag sa table ko. “Kanina ka pa lutang dyan, mare!” Aniya at naupo sa tabi ko. Kumuha ako ng isang donut sa donut niya at kinain ito na parang binili ko ito gamit ang pera ko. Bumuntong hininga ulit ako at sumandal sa swivel chair ko. “Wow, te? Bea Alonzo lang ang peg?” Natatawang tanong niya sa akin at sa kabila naman ay sumulpot ang bading na si Mark at kumuha rin sa donut ni Melinda kaya nahila ni Melinda ang buhok niya. “Mapanakit si mare, o!” Hasik niya pero kumuha pa rin siya ng donut dahil nga favorite niya raw ito then naupo naman siya sa kabilang side ko. Sideline din kasi nilang maging marit

