Napabuntong hininga ako dahil sa pagod. Ang dami kasi naming ginawa at hindi sapat ang 15hrs na natural naming time for work kaya nag overtime kaming lahat. Alas diyes na ng gabi, nguni't marami pa ring mga tao sa labas, may mga ilaw pa rin ang bawat building. Gano'n siguro kapag dedicated ka sa work mo, or no choice ka kun'di ang kumayod. Tumingin ako kay Melinda na tapos na sa kaniyang ginagawa. Nagchichikahan sila ni Mark tungkol na naman sa CEO namin, and mukhang pinagpapantasyahan na naman nila ang lalaki. I rolled my eyes because I just don't see the hype about him. Okay, hindi na ako magsisinungaling na guwapo siya, masarap sa tainga ang boses, matangkad siya na type ko, mabango siya dahil sa tindig niya, uhm.. matipuno ang katawan niya, sakto lang talaga and bukod pa ron, ano p

