CHAPTER 16 Lucas POV Pagkatapos kong ihatid si Khiki sa kanilang bahay, gusto ko nang umalis agad para makabalik sa opisina. Hindi ko alam kung bakit parang bumibilis ang t***k ng puso ko tuwing kasama siya. Kailangan kong umiwas sa mga ganitong emosyon—hindi ito bagay sa isang tulad ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad pabalik sa sasakyan ko nang biglang… "MEOW!" Tinalunan ako ng pusang iyon—si p***y! At sa malas ko, eksaktong may humarurot na sasakyan sa kalsada. Kung hindi dahil kay p***y, baka ako na ang natamaan ng sasakyang iyon. "Argh! p***y!" sigaw ko, sabay hawak sa braso kong nakalmot niya. Ang liit ng pusa pero parang tigre kung kumalmot! Tumigil ako sa gilid ng kalsada at tiningnan siya. Pusa lang naman siya, pero bakit parang galit siya sa akin? Ang ironic, siya na ng

