CHAPTER 17 Third Person POV Isang maaliwalas na araw sa palayan. Abala si Khiki sa paghahabol kay p***y na tila sinadya pang patakbuhin siya sa gitna ng mapuputing dayami. Sa bawat hakbang ni Khiki, maririnig ang malalambot na tunog ng kanyang mga tsinelas na sumasalpak sa basang lupa. “p***y! Halika na dito!” sigaw niya, pilit na sinusundan ang pusang nakalabas ang dila at tila nagpapatawa pa sa kanya habang mabilis na tumatakbo. Sa di kalayuan, natanaw ni Lucas ang eksena. Kausap niya ang ilan sa mga trabahador niya, nagbibilin ng kung anu-ano tungkol sa taniman. Nang makita niya si Khiki, biglang sumeryoso ang mukha niya, pero sa loob-loob niya, naramdaman niyang parang gumaan ang araw niya. “Ayan na naman ‘yung babaeng ‘yun,” bulong niya sa sarili, habang pilit na pinipigil ang ng

