CHAPTER 18 Khiki POV "Khiki! Pangit!" narinig kong sigaw ni Lucas mula sa labas ng tindahan. Napapikit ako nang mariin. Diyos ko, bakit ba ang aga-aga, may panggulo na agad? Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga paninda sa maliit naming tindahan. Nararamdaman ko na ang unti-unting paglapit ni Lucas. Napapikit ako sa inis at nagdasal nang mataimtim. "Lord, bigyan N’yo po ako ng mahabang pasensya. Ayokong makasuhan ng physical assault." "Hoy, Khiki, hindi mo ba ako naririnig? Kanina pa ako tawag nang tawag," sabi niya, sabay sandal sa counter. Napakagat-labi ako. Mukhang talagang uumpisahan na naman niya ang pangungulit. "Teka nga, Lucas. May ginagawa ako, hindi mo ba nakikita?" sagot ko habang hindi nililingon ang nakakainis na boses na iyon. "Eh bakit parang ang seryoso mo? Relax ka nam

