CHAPTER 14 Khiki POV Hindi ko alam kung anong trip ni Lucas. Kung minsan, galit na galit siya, pero minsan naman, parang siya pa ang gumagawa ng paraan para mapansin ko siya. Alam mo ‘yung tipong ang hirap basahin ng tao? Gan’un siya. Pero alam mo kung ano ang nakakatuwa? Wala siyang kawala sa akin. Lagi ko siyang naa-outsmart. Kaninang umaga, napansin kong andaming bulaklak sa labas ng gate namin. Sino pa ba ang gagawa nun? Maliban na lang kung may ibang lalaki na may gusto sa akin—pero hindi ko sila trip. Kaya naman lumabas ako para tingnan kung sino ang may pakana. Habang nilalapitan ko ang mga bulaklak, may nakita akong maliit na card. Binasa ko agad. "Stop being annoying, baka sakaling magustuhan ka ng iba." Halos mahulog ang panga ko sa pagkabasa ko ng sulat. Ang kapal ng mukha!

