CHAPTER 8 KHIKI POV Ang araw na iyon ay tila isang bagong pagsubok na naman—isang pagtatalo na mas intense kaysa dati. Kasama ko si Lucas, at sa gitna ng mahabang diskusyon tungkol sa pusa kong si p***y, hindi napigilan ang emosyon sa hangganan. “I’m not gonna apologize for my cat, Lucas,” matalim na sagot ko habang pilit na itinataboy ang mga pusa na palibot-libot sa paligid namin. “Siya ang bahagi ng pamilya ko, at hindi mo siya makokontrol. Kung allergic ka, problema mo ‘yon. Wag mo kaming pakialaman.” Pero gaya ng dati, hindi ito nauubos sa simpleng sagutan. “Hindi ko naman kinokontrol ‘yang mga pusa mo, Khiki,” sabi niya, na parang sarcastic na ang tono. “Pero sana maintindihan mo rin na may mga bagay na dapat mong pag-isipan bago mo defendahan ng sobra-sobra.” “Walang sobra-sobr

