CHAPTER 24 Khiki POV Pagkarating namin sa Okada Hotel, para kaming mga bata na hindi mapakali sa excitement. Napaka-grand ng lugar—ang mga chandelier na parang bituin sa langit, ang marmol na sahig, at ang ambiance na akala mo’y ikaw ang reyna. Pero hindi ko pinapahalata kay Lucas na sobrang amazed ako. "Khiki, ang tagal mong maglakad," reklamo ni Lucas habang kinuha ang susi ng room namin sa reception. "E ikaw kasi, parang mas excited ka pa kesa sa akin," sagot ko, sabay tungo sa elevator. "Excited? Hindi ah. Ako? Hindi ako tulad mo," sagot niya na may halong smirk. Alam kong nagpipigil lang siya. Pagpasok namin sa room, napanganga ako. Grabe, parang suite ng isang celebrity! May malaking kama, isang balcony na tanaw ang city lights, at may jacuzzi pa. "Lucas, bakit parang napaka-b

