Business Trip

2637 Words

CHAPTER 23 THIRD PERSON POV Sa hapag-kainan, tahimik na nag-aagahan ang pamilya nina Lucas. Si Lucas ay kalmado, kumakain ng bacon habang binabalak kung paano niya sasabihin ang plano niyang isama si Khiki sa Maynila. "Lucas, balita ko, may meetings ka raw sa Maynila," sabi ng kanyang daddy, si Emmanuel, na tahimik na umiinom ng kape. Tumikhim si Lucas. "Opo, Daddy. Sa Okada Hotel po. Kailangan kong asikasuhin ‘yung bagong project." Ngumiti si Mommy Kikay, halatang may alam sa iniisip ng anak. "Mukhang seryoso ang anak natin, Emmanuel. Talagang abala na sa negosyo." Napahinto si Lucas, tumingin sa kanyang mga magulang, at nagpasya nang aminin ang kanyang plano. "May sasabihin nga po ako. Gusto ko pong isama si Khiki." Natawa si Emmanuel, halos mabilaukan sa iniinom niyang kape. "Ha!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD