CHAPTER 22 LUCAS POV Habang nagmamaneho ako papunta sa mansion, panay ang sulyap ko kay Khiki na tahimik lang sa passenger seat. Mukha siyang tensyonado, kaya naman binasag ko ang katahimikan. "Relax, Khiki. Hindi ka naman kakainin nina Mommy at Daddy," sabi ko habang sinisilip ang reaksyon niya. "Eh paano ba naman kasi, Lucas? Paano kung hindi ako magustuhan ng parents mo? At saka, bakit ba kasi kailangan pa nating sabihin agad na tayo na?" sunod-sunod niyang tanong habang pilit na nilalaro ang buhok niya, halatang kinakabahan. Napangisi ako. "Bakit, gusto mo bang ilihim kita? Para kang kabit kung ganon." "Tss, hindi naman sa ganon!" mabilis niyang sagot, sabay hampas sa braso ko. "Baka masanay ka sa paghampas, ha," pabirong sabi ko. "Eh mahal ka nga ni p***y, tapos sila pa kaya na

