CHAPTER 21 Khiki POV “Grabe! Totoo ba ‘to?” bulong ko sa sarili habang nakatayo sa harap ng salamin. Hawak ko ang telepono ko, binabasa ang mensahe ni Lucas na nagsasabing magda-date daw kami. Talagang pinilit pa niyang idagdag na “Basta, Khiki, no p***y allowed.” Ano bang akala niya, dadalhin ko si p***y sa date? Tumitig ako sa sarili ko sa salamin. Simple lang ang suot ko—isang dress na hanggang tuhod, sapat para hindi ako magmukhang masyadong pormal. Pero bakit parang ang laki ng impact nito sa’kin? Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. “Khiki! Handa ka na ba?” sigaw ni Tita Kikay mula sa labas ng kwarto. “Opo, Tita! Lalabas na po ako,” sagot ko, sabay hinga nang malalim. Pagbukas ko ng pinto, andun si Tita Kikay, nakangiti at mukhang kinikilig rin. “Ang ganda mo naman! Sino ba ‘y

