Takang napatingin si Primrose sa isang aninong papalapit sa lugar kung saan siya nakaupo. Hindi niya alam kung bakit siya nandoon. Hindi rin niya alam kung bakit siya dinukot ng mga lalaking iyon. Ang tanging malinaw sa kanya sa sandaling iyon—nasa panganib ang buhay niya. Nakatali ang mga kamay at paa niya habang nakaupo sa gitna ng silid. Sa likod niya, tahimik na nakatayo ang dalawang lalaking nakasuot ng itim. Napamulagat si Primrose nang makita kung sino ang dumating. Tumigil ang binata sa harap niya. Nakatitig ito sa kanya diretso, mabigat. Puno ng poot ang mga mata nito. Hindi niya napigilang mapaluha. Bakit?Ano’ng nangyayari? Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang tingin nito sa kanya. Galit? Sa kanya? May nagawa ba siya? May kasalanan ba siya? Habang nakatitig siy

