Tahimik ang hallway habang magkatabing naglalakad sina Ryner at Primrose. Karaniwan, may kung anong kwento si Primrose tungkol sa designs niya, sa trabaho, kahit simpleng reklamo lang sa pagod ng araw. Pero ngayon, wala. Ang tahimik niya, naisip ni Ryner. Hindi niya maiwasang lingunin ang asawa. Nakayuko ito, hawak ang bag, tila abala sa sariling mundo. May distansya sa kilos nito hindi pisikal, kundi emosyonal. May nasabi ba si Dana na hindi ko narinig? May nagawa ba akong mali? Pagdating nila sa elevator, sabay silang pumasok. Tahimik. Tanging mahinang ugong lang ng elevator ang maririnig. Pumindot si Ryner ng ground floor, saka muling tumingin kay Primrose. “Pagod ka ba?” tanong niya, maingat ang boses. “Hmm?” napaangat ang tingin ni Primrose. “Ah-- a little.” Hindi siya sigur

