Nanginginig ang kamay niyang inabot ang kamay ni Primrose. Hinawakan niya ito nang marahan, halos parang takot siyang masaktan pa ito. Malamig. Sobrang lamig. Hindi ito ang init na nakasanayan niya. Hindi ito ang kamay na minsang niyakap siya, minsang itinaboy siya, pero laging buhay. “Huwag ka namang ganyan,” halos pakiusap niyang sabi. “Please, tigilan mo na ‘to.” Umupo siya sa gilid ng kama, hawak pa rin ang kamay nito, parang umaasang gagalaw ito. Kahit konti lang. Kahit isang kibot. Pero wala. “Hindi pa ‘to pwede,” bulong niya, paulit-ulit. “This is just one of your pranks, isn’t it? You’re doing this to get back at me. How could you leave? I still have to apologize and explain what happened before. You have to hear my answer.” Bigla siyang natawa, isang basag, baliw, walang

