“Good morning.” Masuyong wika ni Ryner sabay halik sa sentido ng asawa nang lumapit ito kay Primrose. Kakalabas lang noon ng binata mula sa silid nila. Naabutan niya si Primrose sa hapag-kainan, seryosong nakatingin sa mga sketches ng jewelry. Sa harap ng dalaga ay ang almusal na inihanda nito para sa kanilang dalawa. May nakahanda na ring kape para sa kanya bagay na dahilan para mapangiti si Ryner. Ngunit isang bagay ang napansin niya: ang seryosong mukha ni Primrose. Matapos ang event sa Pearl and Prism, itinakwil siya ng ama at nawalan ng trabaho lahat dahil pinili niya si Ryner. Alam ni Ryner kung gaano kamahal ni Primrose ang paggawa ng jewelry design. Sa lalim ng iniisip ni Primrose, hindi na niya namalayang naupo si Ryner sa tabi niya at nagsimulang kumain. Napapatingin ang bina

