Tahimik ang silid habang inayos ng sekretarya ang mga papeles sa mesa bago ito lumabas. Naiwan silang apat sa loob ng opisina si George Lute na nakatayo sa likod ni Dana, si Ryner na nakaupo sa tabi ni Primrose, at si Primrose na pilit pinapakalma ang sarili. Ramdam niya ang bigat ng katahimikan. “Please, make yourselves comfortable,” wika ni George habang umuupo sa tapat nila. “This won’t take long.” Mas madaling sabihin kaysa gawin. Umupo si Primrose nang tuwid, magkalapat ang mga kamay sa kanyang kandungan. Pakiramdam niya’y masyadong pormal ang paligid mula sa salamin ng bintana hanggang sa mesa na tila masyadong makintab para sa kanya. Sa kabila ng lamig ng silid, bahagyang nanginginig ang kanyang mga daliri. “I’ll be direct,” ani George. “I don’t like wasting time, and I assume

