Akala ni Primrose, magiging tahimik na ang buhay niya kasama si Ryner at ang bagong buhay niya bilang future designer sa kompanya ni George Lute. Nitong mga nagdaang araw, abala siya sa paggawa ng mga design para sa bagong collection na ilulunsad sa grand launch ng Arc & Stone Jewelry. Sa mga araw ding iyon, mas naging malapit siya sa apo ni George Lute na si Dana. Sa kabila ng kapansanan nito, she has this bright personality. Nonstop itong nakikipag-usap sa kanya, ikinukuwento ang lahat tungkol sa mga fansites na binuo niya para kay Ryner. How she usually goes on warrior mode kapag ipinagtatanggol niya si Ryner laban sa mga haters nito. Minsan, napapatanong si Primrose kung bakit ganoon na lang ang paghanga ng dalaga sa binata. She looks up to him as if he were a huge celebrity. Habang

