“Babe, I baked cookies for you!” malanding anas ng babae ng Mafia Lord na iyon. “Babe, I baked cookies for you. Pwe. Ambantot naman ng tawagan niyo” Bumubulong bulong na anas ko. Paano ba naman kanina pa nag iinarte ang impaktang ito. Samantalang wala naman paki-alam sa kanya si Allen. Parang wala nga lang itong narinig eh. Kaya hindi ko napigilan ang mapabungisngis. Samantala masamang tingin naman ang ipinagkaloob sa akin ng impaktang babae sabay padyak ng kanyang mga paa. Pero mukhang pursigido nga itong babaeng ito dahil nagtimpla pa ng kape ng magaling na lalaki. Ngunit dala nang taglay kong kapilyahan ay mabilis kong ini-abang ang aking paa dahilan kaya ito napatid at natapon ang itinimpla niyang kape. “Ooops. Sorry. Hindi ko sinasadya. Napulikat kasi ang paa ko kaya biglang umunat

